[1]KICK OUT

30 2 2
                                    

Napakunot ang noo ko ng makitang nag-sisitakbuhan ang mga ka-schoolmates ko na may mga hawak na baril. Pati mga kaklase ko sa loob ng classroom nakisilip din sa labas ng room. Maya-maya pa ay nagulat ako ng biglang magkaroon ng baril ang mga kaklase ko at nakitakbo sa labas.

"Put@, ano nangyayari dito?!"Sigaw ko sa sarili ko. Ako na lang natira dito sa room. Shet! Ako rin dapat may baril eh.

Lumabas din ako ng room at nag-lakad papunta kung saan tumakbo yung mga kaklase ko. Nagulat ako ng may nag-roar sa likod ko. Lumingon ako at nakakita ng Nano Zombie!

Putaaaaa! Bakit nag-karoon niyan dito? "TULOOOOOONG!"Sigaw ko.

Taeeee. Bigla na lang nag-bago ang lugar kung nasaan ako. Napunta ako sa Area 13. Zombie mode! Nakita ko yung iba't-ibang character katulad ng MOS, SOV, SOP at iba pa. Pero ang malupet mga mukha ng kaklase ko ang nakalagay! Nakakaurat.

Lumingon ako ulit at nakitang inaabot-abot ako ng Nano Zombie at Hulk Zombie ang likod ko habang tumatakbo.
Mamamatay ako dito tae! Ayoko mainfected!

Nag-imba ako habang hinahabol ng Zombie. Shet! Wala manlang baril?! Kahit M16 okay naaaa!

Biglang may lumitaw na M16 sa kamay ko.
Ginamit ko agad to para barilin ang mga naaa likod.

"ANO KAYO NGA--"

BLAAAAAAAAG!

Napabalikwas ako ng makarinig ng malakas na ingay.

"MS.JIMENEZ WHAT ARE YOU DOING?!"Napalingon ako sa teacher namin na namumula sa sobrang galit. Hala. Tae! Nakatulog ako sa klase niya.

Tinignan ko din ang posisyon ko.

Nakatayo ako at yung kamay ko naka-pose pa na parang may hawak na baril.

Napaupo ako sa sobrang hiya.
Shet! Ano ba tong ginagawa ko?!

"Ms.Jimenez get out to this room!"Tinitigan ko muna si Ma'am kung seryoso siya.

"Ano makikipagtitigan kana lang ba sa'kin?! Ha?! After what you've done to this class?! My god! I SAID GET OUT!"Kinabahan ako kaya agad kong kinuha yung bag ko at kumaripas ng takbo sa labas.

Nasapo ko ang noo ko. Shet! Grabe bakit ko nagawa yun? Nakakahiya!

Pumunta na lang ako sa canteen at inilabas ang phone ko pati ang headset. Nag-simula akong manuod ng Me gustas tu ng GFriend dahil sa Sabado e ito ang sasayawin namin ng mga ka-cover group ko.

Napapakanta pa ako. Hehe
"Me gustas tu, me gustas tu, johahaeyeoooo!"Para na akong baliw mag-isang kumakanta.

Nakita ko naman na kalalagay lang ng tindera sa Cheezy Ensaymada sa lalagyan. Kumalam bigla yung sikmura ko. Shet!

Agad akong lumapit sa tindera dahil nag-iisa na lang 'yun!

Pero sa kasamaang-palad may bumunggo sa'kin na kung sino at inunahan akong lumapit sa tindera.

Nag-init ang ulo ko. Aba?! Bakla ba 'yun? Pwes, handa akong makipag-sabunutan!

Bago pa makuha nung lalaking matangkad yung Ensaymada ay agad ko na itong kinuha at nag-bigay ng sampung piso sa tindera sabay sabing. "Keep the change."

Kinagatan ko na agad yung Ensaymada at tinignan yung lalaki.

O_O
Nabuga ko naman yung Ensaymada sapul sa mukha niya.

Nanlaki yung mata ko. Tinignan ko yung itsura niya at para siyang nandidiri.

"Sorry!"Sabi ko sa kanya. Pinag-titinginan na din kami ng ibang estudyante at tumatawa pa yung iba! Hala. Great! Ang ganda mg umaga mo Jimenez, Nice one!

Glimpse of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon