~CHAPTER 18~°°°THE VOICE °°°~

50 6 1
                                    

:»» YANNAHD

Dear Readers, feeling ko walang nakakaappreciate nito. Kung meron man, pero sana meron please show me. Nawawalan na kasi ako ng motivation para ipagpatuloy pa ang story na to.

Sorry sa kadramahan ng author niyo. Sana talaga may nagbabasa pa nito. Show yourself please kahit comments lang para malaman ko. :) Thank you...

Chapter 18 THE VOICE

»»Sherry POV««

Pinasunod na ako ni Cohleen kay Sherry para tawagin si Irish. Dumating na rin ang sasakyan namin kaya umalis ako sa parking lot na  naghihintay na  ito sa loob ng van.

Nang natatanaw ko na ang ground malapit sa soccer field ay may natanaw akong babaeng nakaupo at nakayukom ang kamay sa ulo na halatang kinakabahan at may bahid na takot. May bola malapit sa kinaroroonan niya. Habang palapit ako ng palapit namukhaan kong si Deanna ito. May nakaharap sa kanyang mukhang soccer player na naglalahad ng kanyang kamay pero si Deanna ay nakatingin lang sa kamay nito at hindi pa gumagalaw. Nagyelo na yata sa posisyon niya. Hindi ko naman makita ang mukha ng lalaki dahil sa nakatalikod ito sa akin pero familiar sa akin ang hubog ng katawan niya hindi nga lang ako sigurado kung classmates namin siya.

Binilisan ko ang takbo papalapit sa kanya at tinawag siya.

"Oh my gosh Deanna!"

Ang sigaw ko habang hinahabol ang aking paghinga dahil sa kakatakbo. My heartbeat was pounding. Nang makita ko ang bola malapit sa kanya, nahulaan ko na ang possibility na nangyari.

May trauma kasi si Dean sa bola at kahit na palagi niyang sinasabing, 'Takot ang bola sa akin.' Hindi pa rin maikakaila na siya ang may fear dito. Ikaw ba naman ang halos mahimatay nung junior high pa kami dahil sa pagpapashoot ng bola kung hindi ka matrauma, sa lakas ba naman ng impact sa kanya.

Tumango  lang siya ng muli kong tinanong kung ayos lang ba siya?

When I noticed na ibinalik niya ang tingin sa kamay na nakalahad sa kanya kanina na paunti-unti na nitong binabawi ng kung sinumang may-ari ng kamay. Ngayon ay tiningnan ko ang mukha kung sino.

"Fra-Francis!?" Ang nauutal kong usal na may bahid na pagkabigla.

Ngumiti  lang ito ng mapait sa akin bilang tugon. Nakarecover na siguro si Lloraine kasi bago ko pa man siya tuluyang tulungang makatayo ay kaagad na siyang nakatayo ng maayos mag-isa.

May mga ilang katanungang bumabagabag sa aking isipan kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na magtanong.

"What happened to her?" Baling ko kay Francis na ngayon ay nilalaro ng kaliwa niyang paa ang bola against the ground.

"Ahm..." Sabay pasada ng palad at mga daliri nito sa kanyang buhok dahilan para maging messy ang hair niya. Tumulo pa ang namuong pawis mula sa buhok nito patungong pisngi at lumabas ang isang dimples nito na dahilan para maging shiny shimmering ang mukha nito sa aking paningin.

"Ah Sherry kasi, naglalakad ako dito sa gr-ground ng biglang may bolang lumilipad sa ere. Hehehe umiilag lang ako kanina kaya naabutan mong ganun ang puwesto ko." Humalakhak pa ito ng halatang peke naman at binigyan ako ng pilit na ngiti.

Haist! Sinimangutan ko lang rin siya ng bumaling ako sa kanya at binigyan ng ngiting aso.

'Tsk. Lumilipad na bola sa ere ka diyan. Ang sabihin mo natakot ka lang!' Ang sabi ko sa aking isipan ng tiningnan ko siya at ibinalik kay Francis.

"Sorry, napalakas kasi ang sipa ni Chester ng bola kaya muntik na siyang matamaan." Ang sabi nito sabay tingin sa direction ng isang papalapit na isa pang soccer player na kung hindi ako nagkakamali ay siya si Chester. Nasa likod na din nito si Floyd na isa ding soccer player.

The Invisible DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon