Third Year Memories 102

7 1 0
                                    

Anniversary ngayon ng barkada namin at pauwi na kaming lahat galing MOA. One year na kaming magkakaibigan kaya naisipan namin na mag celebrate. Sakto naman kasi na may activity din sa school kaya kesa nguma-nga buong araw dahil manunuod lang naman, napagdesisyonan naming na susulitin nalang ang bawat oras na kasama ang isa't isa.

"Pero alam niyo, deliado din yung ganito eh." Biglang sabi ni Aika nung pauwi na kami. Wala kaming transpo kaya sa UV Express lang kami sumakay.

"Hala nasan na tayo!" Sabi naman ni Jana. Sakto naman kasi na biglang lumiko yung shuttle sa isang lugar na hindi namin alam kung ano.

Sa sm southmall kami bababa at nasa moonwalk na kami pero bigla siya lumiko. Nakaramdam ako bigla ng takot. Lahat ng pasahero bumaba na at kami nalang natira kaya mas lalo talaga akong natakot!!!

Sakop naming buong space sa likod at wala na nakasakay sa harap. Kaharap naming ang isa't isa kaya nagsesenyasan kami kung sino ang unang magsasalita. Halata sa mga mukha nila na takot na takot sila at sabay sabay din kaming nag sign of the cross.

Sa mga panahon na ganito, alam ko na si God nalang talaga ang makakatulong samin kaya sabay sabay kaming humingi ng tulong galing sa itaas!

"Baka kidnap to." Pabulong na sabi ni Mica samin.

"Kuya!! Baka kikidnapin mo kami ha!!" Medyo natatawang sabi ko pa. Naisip ko kasi nun na baka pwedeng idaan si kuya driver sa simpleng joke.

Naisip ko na baka bigla siyang maki-ride sa joke naming pero mali pala lahat ng naiisip ko dahil bigla siyang nagwala! Since madali lang bumaba dahil nasa likod naman kaming lahat, nag plano na kaming tumalon if ever nga na kikidnapin niya kami.

"Mga putangina niyo!" Biglang sabi nung driver at pinepreno-preno niya yung van kaya umaalog alog kami sa loob nun!

"Aray ko kingina naman!" Ang lakas pa ng loob ko na sabihin. Pano ba naman kasi, nandun ako sa gilid kung saan walang upuan kaya wala akong mahawakan! Halos maalog na buong pagkatao ko nun okay?!?!

"SA TINGIN NIYO IBABABA KO KAYO SA SM?!" Sigaw nung driver.

"HA?!!! ANO?!!" Sunod na sabi niya at mas lalo niya binilisan yung andar ng kotse.

"SA TINGIN NIYO IBABA KO KAYO SA SM?!?!"

Hindi naman alam kung ano ang gagawin. Lahat kami tahimik, mas lalong nadasal na si Jana at namutla na kaming lahat sa sobrang takot!

"Ibaba mo nalang kami." Mica said.

"BABA!!!!!!" Galit na sigaw na naman niya at agad naman binuksan ng mga boys yung pintuan. Natawa nalang ako kahit papano dahil mas nauna pa bumaba yung mga tropa kong lalaki kesa saming mga babae. Sa mga panahon na yun, napatunayan ko kung gaano sila kabakla!

Pero mas nakakatawa dahil natangal ang lock ng bra ko sa sobrang kaba!

Lahat kami nandun lang sa isang tabi, wala silang ibang ginawa kung hindi ang sisihin ako dahil ako daw ang unang kumausap kay kuya driver kaya nagalit ng ganon! Aba! Eh nagpapaka totoo lang naman ako. Karapatan naman naming na malaman kung saan kami ibababa diba!

"Sayang hindi ko nakita yung plate number!!" Jana said.

"Tinignan ko bago tayo umalis, TYF 101" Sabi naman Jacob.

Nilakad na namin palabas nung village na yun at sakto naman na may dumaang bus kaya sumakay na agad kami. Simula nung araw na yon, natakot na ako sumakay ng shuttle!!!

Kaya kayo guys, kung mag cocommute kayong magbabarkada sa mga gala... Kunin niyo agad ang plate number bago sumakay. I-ready niyo na yung number ng mga magulang niyo para may matetext agad kayo sa oras na kailanganin niyo ng tulong.

Basta, siguraduhin niyo na safe kayo palagi sa kahit saan na magpupunta kayo. Ilugar din sa tama ang pantitrip. At higit sa lahat, wag kalimutan si God! Siya lang ang poprotekta sa inyo sa kahit anong oras!


High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon