Second Year Memories 101

26 1 0
                                    

(A/N: Hi readers! Ang book na 'to ay tungkol lang sa mga kalokohan namin ng barkada ko at yung isa ko namang story na How To Deal With Fuckboys (HTDWF) ay tungkol sa experience ko with boys kaya read niyo po parehas dahil connected sila sa isa't isa. Pinaghiwalay ko lang kasi OC ako at gusto ko organize! HAHA. Yes, true story po ang dalawang yan kaya sa mga makakarelate... feel free to share your thoughts!)

"Hoy ikaw! Gumising ka na diy-------asfgjglksklkejdngjaksm."

Sa sobrang daming sinabi ng tatay ko, nag labas pasok lang lahat ng iyon sa tenga ko. Juskooo, Feeling niya ata nakikipag laban siya kay Eminem at napaka bilis ng bunganga kung magalit.

"Akala mo hindi ko alam ung mga kalokohang ginagawa mo?! Yung kapitbahay natin sinusumbong lahat sakin!" Putak na naman niya. Hanggang ngayon, hindi ko padin binubuksan yung mata ko. Kunyaring tulog ang drama ng lola niyo!

"Akala mo hindi ko alam na nagdala ka ng lalaki dito sa bahay last month?! Akala mo hindi ko alam na nakikipag landian ka padin diyan sa ermitanyong ungoy na yun?!"

Naku po! Naku po! Turukan niyo na ako ng sleeping injection! Ayoko na pagusapan yan! Matagal ko ng tinapon ang ala-ala ni Dexus sa manila zoo kung saan siya belong! Isa siyang hinayupak na hayop. Siya ang pinaka hayop sa lahat ng hayop!

"Hoy kailey, alam ko gising ka! Sumabay ka sa school bus mo mamaya at ayoko ng may babalitaan na naman ako sa kapitbahay ha?!" Putak na naman ni papa. This time, tinatapik tapik na niya yung braso ko.

"mmmm." Pagiinarte ko. Syempre, kelangan panindigan na kunyaring natutulog!

"Gumising ka na at maguusap pa tayo sa kalokohan mo!"

"Ano ba papa! Kita ng natutulog pa ang tao eh! Bakit ka ba naniniwala sa mga kapitbahay natin?! SIla ba ang anak mo? Niluwal ba sila ni mama ha?! Hindi naman diba?! ang sakit tuloy ng ulo ko ngayon!" Sigaw ko. Ayan! Nalabas ko na din lahat ng sama ng loob na kanina ko pa tinatago sa utak ko!

Hindi ako naiinis sa tatay ko eh! Naiinis ako sa mga punyaterang chismoserang echoserang kapitbahay! Makiki-chismis na nga lang, kelangan pa magsumbong?! Ang tatanda na nga, isip bata padin!

"Eh bakit naman sila gagawa ng kwento kung hindi yun totoo?!" Sabi ni papa. This time, medyo nahalata ko na nag chill na yung boses niya.

"Ewan ko sa mga yun! Mga sinungaling sila!" Sabi ko nalang at nagtalukbong na ng kumot para hindi na siya mangulit.

Mga sampung minuto din ako naghintay bago siya tuluyang umalis ng kwarto. Sampung minuto na walang pahinga yung tenga ko sa bunganga niya na walang kapaguran! Kung may nakaimbento lang ng remote para sa tao, kanina ko pa pinindot ang mute button!

Nung naramdaman ko na nakaalis na lahat ng tao sa bahay, nagmadali na akong mag ayos for school. For 30 minutes, naramdaman ko maging kabayo.

-------------

CUTTING.

Eto ang number 1 sa pinaka sikat na ginagawa ng estudyante. Basta't boring ang klase, matic na cutting na yan! Saan diretso? Sa mall, sa bahay ng kaklase at kahit saang lugar na pwedeng matambayan. Yung tipong wala naman kayo ginagawa kung hindi ang magkwentuhan pero nag eenjoy padin. Syempre pag nag cucutting, dito ginagawa ang pinaka masayang trip sa lahat.... Ang Foodtrip!

---------------

"Sorry, Guys! Kanina pa ba kayo dito? Nung nag text kasi akong on the way na ako, kakagising ko palang talaga nun." Natatawang sabi ko pagkakita na pagkakita ko sa kanila sa Mcdo. As usual, inatake na naman ako ng katamadan pumasok kaya napagusapan naming ng mga kaibigan ko na magpalate at tumambay nalang muna.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon