Third Year Memories 104

5 1 0
                                    

Confiscated Cellphone.

"Who give you a permission to use your phone?!" Sigaw ni Ms. Morzo kay Nathalie habang nakaturo kaya tumahimik yung buong klase at nakatingin lang sa kanilang dalawa.

"Sorry po, I was just checking the time."

"Give me that." Ms.Morzo said at nakaabang yung kamay niya sa phone ni Nathalie.

"I SAID, GIVE ME THAT!" Sigaw na naman niya kaya wala na ibang nagawa si Nathalie kung hindi ang ibigay.

"Hala ka teh! Bakit ka naman kasi nagpahuli" Bulong ni Nadine kaya nagsimula na kami magusap sa plano namin.

"SIGE MAGUSAP PA! HINDI NA TALAGA KAYO NADALANG APAT NO?! I'LL CALL SIR SIRON, IPAPATAWAG KO ANG MGA MAGULANG NIYO!"Ms. Morzo said sabay labas ng classroom.

"Woooooooo!!! Wala na si Ms. Morzo, magreresign na yan!!!" Sigaw ni Mica.

"Kunin niyo yung cellphone, dali!!!" Nadine said sabay punta sa harap at tago nung cellphone.

"Uy baka mapahamak tayo!" Kinakabahan na sabi ko.

Diyos ko po, hanggang cutting at pangiinis ng teacher lang ang ginagawa kong kalokohan. Hindi nga ako expert sa cheating, pagkuha pa kaya ng cellphone na kinonfiscate.

"Alam mo Nadine, naniniwala naman akong matalino ka eh. Wag ka lang sumama sa mga kaklase mo na walang ibang alam kung hindi ang gumawa ng kalokohan." Narinig ko na sabi ni Ms. Morzo kay Nadine.

ABA PORKET PRESIDENT?! Kung alam niyo lang, mas madami pang alam na kalokohan yan kesa samin! Siya nga po may pasimuno na itago ang cellphone na cinonfiscate eh! Looks can be deceiving miss morfe tandaan mo yan!

"Section 12." Mahinhin na sabi ni Sir.Siron pagkapasok na pagkapasok niya sa classroom. Tinignan niya kami isa-isa kaya tahimik talaga kaming lahat.

"Ang dumi ng classroom niyo, linisin niyo muna bago ko kayo sermonan." Sunod na sabi niya.

"kunin mo yung walis at magwalis ka!" Utos ni Ms.Morzo kay Naomi. Walang nagawa si Naomi kung hindi ang sumunod sa utos niya.

Kami naman, kunyaring nagiikot para pumulot ng kalat pero hinahayaan lang naman talaga namin yung mga kaklase namin na maglinis.

"Okay, Anong kalokohan na naman ang ginawa niyo sa teacher niyo?" Tuloy na sabi ni si Sir. Siron.

"Yung apat po na yun, binabastos na ako simula nung pumasok ako sa classroom na 'to. Sa katunayan nga po ay gumagamit sila ng cellphone sa klase ko eh!" Sagot ni Ms.Morzo sabay punta sa table at hinahanap yung cellphone ni Nathalie.

"ALAM KO NA KINUHA NIYO YUNG CELLPHONE, IBALIK NIYO YUN NGAYON DIN!" Sigaw ni Ms. Morzo.

Lumakas bigla yung heartbeat ko dahil alam kong kami ang may kasalanan nun. Nagkatiningan kaming apat pero chill lang daw kami sabi ni Nadine kaya tumahimik nalang ako.

"Walang aaminin sa inyo o mapapahamak ang grades niyong lahat?" Sir. Siron said. Ilang minuto din siyang tumayo sa harap pero wala padin talagang nagsasalita.

"President, kausapin mo ang klase niyo.I'll give you 5 minutes, pag walang umamin sa inyo... kawawa kayong lahat!" Sunod na sabi ni Sir Siron sabay labas ng classroom kasama si Ms.Morzo.

Nako! Kung alam niyo lang po, ang president mismo ang kumuha ng cellphone! Siya po talaga ang pasimuno ng lahat ng 'to!

"Guys, walang aamin sa inyo. Okay?" Nadine said pagkapunta na pagkapunta sa harap.

"Uy, baka mapahamak kami." Ang sabi nung classmate naming nerdy.

"Oo nga, kawawa naman yung ibang walang kasalanan dito."

"Kayo lang naman yung nagiingay diyan, mandadamay pa kayo ng ibang tao."

"Quiet!! As long as walang magsasalita sa inyo, walang mapapahamak. Chill lang kayo!" Sigaw ni Nadine sa mga kaklase namin na kung ano-anong pinagsasabi.

--------

President

Eto ang may pinaka importanteng role sa classroom. Kaya kung pipili kayo ng president ng klase niyo, siguraduhin niyo na matino ng hindi kayo napapahamak. Okay?!

--------

Alam niyo naman siguro kung sino ang mga kontra sa kalokohan ng klase diba? Yung mga taong kasama sa top or honnor na takot magkaron ng kaso at ayaw madumihan ang kanilang good records.

"Naomi, ikaw magtago nito. Theatrics ka naman diba? Kaya mo yan!" Sabi ni Nadine kay Naomi.

Bestfriend kasi yung dalawang to. Si Naomi yung type ng tao na tahimik pero madaming kalokohan sa buhay. Tropa din namin to sa classroom pero dahil may boyfriend, minsan lang siya makasama samin.

"Ano Nadine, nakausap mo na ba ang mga kaklase mo?" Sir. Siron said pagkapasok na pagkapasok ng classroom.

"Opo. Naniniwala ako na wala po talaga silang kasalanan." Nadine said kaya halos matawa nalang kami sa sinabi niya.

"Tawagan niyo yung cellphone na yun, ngayon din." Utos ni Sir. Siron.

"Uy Naomi! Naka-line ka diba? tawagan mo yung cellphone!" Mica said kaya agad naman nilabas ni Naomi yung cellphone ni Nathalie. Oo, ang nilabas na cellphone ni Naomi ay yung cellphone na hinahanap! Napaka tanga lang ni Ms. Morzo at hindi niya yun namukhaan!

Halos matawa nalang kami dahil wala talaga kamalay-malay si Ms. Morzo sa mga pangyayari. Chineck pa nila isa-isa ng yung bag namin kaya habang hindi sila nakatingin, kinuha na namin yung chance para ibalik yung cellphone sa ilalim ng bag ni Ms. Morzo. Pagkatapos nun ay tinawagan ulit namin yung phone at napahiya si Ms. Morzo nung biglang nagring sa ilalim ng bag niya.

"Impossible! Wala yung cellphone dito kanina eh!" Sigaw ni Ms. Morzo na halata sa mukha niya na pahiyang-pahiya siya.

"Ayoko na maulit to." Sir. Siron said sabay labas ng classroom. Halata sa mukha niya na inis siya dahil nasayang ang oras niya!

Wala talaga akong masabi, napaikot ni Nadine at Naomi yung mga teachers. Ibang klase talaga mga classmates ko, halimaw!!!

"I don't want to see you using your phone again!" Ms. Morzo said sabay balik ng cellphone kay Nathalie sabay labas ng classroom dahil sakto na time na.

Alam niyo na kung anong gagawin pag na confiscate yung cellphone niyo, ha? Patulong lang kayo sa mga barkada niyo! Kahit na sobrang nakakakaba lahat ng ginawa namin kanina, halos maubusan na kami ng hininga kakatawa. Siguraduhin niyo lang na hindi kayo mahuhuli at magaling yung tutulong sa inyo! Dapat katulad ni Naomi na mabait dahil LOOKS CAN BE DECEIVING talaga!!!

"Grabe! Hindi ako makapaniwalang naiyak talaga ako kanina!" Nathalie said.

"Pwede na tayo magartista guys!!!"

Ayan nalang ang tanging usapan naming hanggang sa matapos ang buong chemistry class. Sobrang natahimik talaga kami dahil kahit kinabahan kami ng bongga sa mga pangyayari!

}uy<


High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon