Second Year Memories 102

8 1 0
                                    

"ARAY PUTANG INA. ANG LANDI MO NAMAN KASI OH!" sigaw ko sa classmate kong bakla na si Shawn. Nagche- cheering ba naman sa harap ko kaya biglang natamaan yung down private part ko! Sinong di maiinis nun?!?

"Ang lutong mo magmura Germano ha?!" Biglang sabi ni Ms.Langlas, ang teacher ko sa Biology. Kung hindi ka nga naman talaga minamalas oh. Nasakto pa na dumating siya kung kelan nagmura ako!

"Sorry po Ms, natamaan po kasi niya yung ano ko." Paumanhin na sabi ko. Nakita ko na natatawa sila Mica dahil bigla akong umamo. Mataray kasi yung teacher na 'to kaya takot ako. Biology pa yung tinuturo kaya kelangan talaga magtino para hindi bumagsak!

" Bakit kelangan magmura?! Parang hindi ka babae ah?!"

"GO BACK TO YOUR PROPER SEATS, NOW!" Sunod na sigaw ni Ms. Langlas kaya nagtayuan ang buong klase.

"Aha! Kung hindi ko pa sasabihin na go back to your proper seats, hindi magkakaalaman na wala kayong lahat sa tama niyong mga upuan?!"

Blah! Blah! Blah! Nagsermon lang si Ms. Langlas buong oras na nasa classroom siya. Since takot kameee sa kanya, wala talagang umiimik kahit isa.

Gusto ko batuhin ng sampung hollow blacks si Shawn nun. Inis na inis ako dahil ako pa tuloy ang naging masama ngayon. Hindi naman manyayari to kung hindi dahil sa kanya eh! Isama mo pa yung seatmate kong si Louie Gajos na tumatawa-tawa habang pinapagalitan ako. Parang sinasabi niyan "Karma mo yan sa pangaasar niyo sakin ni Aika kanina"

"Tell me why bat may supot sa classroom, Louie Gajos ang Pangalan niya!!!" (Song from Tell me why by Backstreet Boys)

"May supot, may supot sa classroom ng 2-5!"

Etong dalawang kanta lang naman ang pinauso naming sa classroom. Inaasar kasi naming yung seat mate ko. Wala kasi siya ibang ginawa kung hindi ang matulog at mag drawing ng anime. Nainis din ako sa kanya dati dahil hindi makausap ng maayos. Isang rason din to bakit palagi ako sa likod umuupo dahil ayaw ko siya katabi!

Pag highschool talaga, may mga panahon na itatabi at itatabi tayo sa kaklaseng ayaw natin. Nakoooooooo ang sarap nilang buholin dalawa ni shawn!!!

*ting tang ting tang (tunog ng bell, it means time na. Hindi literal na bell yung nasa school namin. Bawat room, may nakalagay na speaker.)

"Sa susunod na pupunta ako sa classroom na 'to, siguraduhin niyong maayos na ang ugali niyo ha." Ms. Langlas said sabay labas ng pintuan.

"BOOOOOOOOOOOOM!!!" Sigaw ni Mica.

"Wala ka pala kailey eh!"

"Ayusin mo daw ang ugali mo oh!"

Nagtawanan nalang kami at bumaba na para sa recess. Bumili na kami ng pagkain at naglakad papunta sa tambayan namin.

"Oh Fucking Shit!" Bigla kong nasigaw at pinagtawanan nila akong lahat.

"HAHAHAHAHAHA TANGA!"

"TOTOO NGA TALAGA ANG KARMA!"

"Ang tanga ko nga!" Natatawang sabi ko. Pano ba naman kasi, biglang bumigay yung monobloc table na inupuan ko. Buti nalang wala akong kinakain kung hindi, natapon 'to sakin ng di oras.

Nagtinginan yung mga tao sakin kaya sobrang nakakahiya lang talaga. Naglakad kami para humanap ng ibang tatambayan ng bigla kami napadaan sa lounge kung saan may apat na mannequin. Malapit na kasi mag prom ang mga third at fourth year kaya may mga pagpipiliang damit na naka display doon.

Tinignan naman namin yun at medyo naexcite dahil may prom na kami next school year kaya pumili kami ng mga gusto naming design sa mga damit na nandon.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon