"Kuya!!!!! Si Twinkle, sinagasaan!!!!" Sigaw ko. Yung tipong kakaligo ko lang tapos biglang narinig ko na umiiyak yung aso ko sa labas ng bahay kaya agad ako tumakbo kahit nakatowel lang ako.
"Aruuuuuu aruuuuuu aruuuuuuu" Iyak ng aso.
"Kuyaaaaaa, iligtas mo si twinkle!!!" Isa pa na sigaw ko kaya agad naman lumabas si kuya sa labas ng bahay at tumakbo papunta sa trycicle para kuhain si twinkle.
Ang sakit makita na nasa ilalim ng gulong yung aso ko tapos hindi man lang bumaba yung mga pasahero at trycicle driver. Kung kelan dumating si kuya saka lang pumasok sa utak nila na bumaba. Nakakainis naman talaga lahat ng tao sa pilipinas oh! Kung hindi pa siguro ako nagsisisgaw dun, baka tinakasan nalang nila yun!
Gusto ko malaman niyong lahat na hindi lang ordinaryong aso ang twinkle ko. Siya ang pinapagsabihan ko ng mga problema at siya ang nakikinig sakin sa tuwing nagsasalita ako ng mga nonsense na bagay tungkol sa buhay ko. Si twinkle ang aso na titignan ka lang at matutulog sa lap mo sa tuwing malungkot ka.
HINDI KO SIYA KAYANG MAWALA SAKIN!!!!!!!!!
Okay, wala naman talaga masamang nanyari sa kanya. Hindi lang siya makalakad ng maayos. Hindi ko lang talaga kakayanin na mawala din siya sakin.........
Ilang beses ko na kasi naramdaman mawalan ng taong minamahal eh... (Chos!)
"Nakakainis yung trycicle!!!! Sinagasaan yung pinakamamahal kong aso!!!! Buti nalang buhay pa!! Pag yun namatay, magwawala ako ng di oras. Wala akong pake kung mag scandalo ako sa mga kapit-bahay!!!" Umagang-umaga na kwento ko kay Mica.
"Eh hindi naman pala namatay, wag ka na magalit diyan!" Mica said habang natatawa-tawa pa.
"At tsaka 'teh, hindi trycicle ang nakakainis ha! Trycicle driver!" Biglang sabat naman ni Nadine.
AKalain niyo na sa sobrang dami kong kalokohan nung second year, umabot pa kami ng third year? Nakakalungkot lang kasi nagkahiwa-hiwalay na kaming tropa. Classmate padin kami ni Mica kaya mas lalo talaga kami naging close ng babaeng to dahil kami ang partner sa kahit sa saan.
Tulad nga ng kasabihan na: Pag may umalis, may bagong papalit.
Si Nadine naman ngayon ang bago naman kasama sa trip. Kaming tatlo palagi ang magkakasamang napapagalitan ng mga teachers.
"Eh favorite doggy ko yun sa lahat no!!! Ayoko ng masasaktan yun. Hindi na kaya siya makalakad ng maayos kanina."
"Tara, cutting! Ikain mo nalang yan!" Biglang yaya ni Mica.
"Game!!!" Sagot ko naman agad. Kinuha ko agad yung pera sa bag ko at agad ng tumayo.
"Sama ka Nadine?"
"Ayoko nga! Wala pa sa level ng pagka-cutting yung ka-badassan ko no!" Sagot niya kaya agad naman kami tumakbo sa back door para lumabas.
President si Nadine, Vice President si Mica at sergeant of arms ako! saan pa kayo?! Walang pagtutunguan ang classroom namin dahil badass lahat ng officers. Ngayong Third year lang namin naging classmate si Nadine at nakasundo agad namin siya dahil nga pareparehas kaming malalakas ang trip.
-----------
CANTEEN.
Eto ang tambayan ng mga estudyanteng patay gutom na tamad!
------------
"Tara! Pasok tayo sa classroom ng dala yung pagkain. Kunyari akala natin recess na!" Natatawang sabi ko habang pababa kami ng stairs. Recess na naman after one hour pero sadyang pasaway lang talaga kami nito ni Mica at hindi kami makapaghintay ng isang oras.
BINABASA MO ANG
High School Memories
Cerita Pendek"What does it feel like to be a high school student?" Eto palagi ang tanong ng mga elementary students! "Highschool ang pinaka masarap na pangyayaring mararansan mo sa buong buhay mo dahil dun mo makikilala kung sino ang totoong tropa mo at doon mo...