Third Year Memories 103

7 1 0
                                    

"Sir, sorry na po!!!"

"Oo nga, patawadin niyo na kami sir. Gusto lang naman namin makapasa kaya nagawa namin yun."

"Tama!!! Wag na kayo magalit sir!!!"

Sa ngayon ay nandito kaming tatlo ni Nadine at Mica sa faculty ng mga teachers dahil may ginawa kaming kasalanan kahapon. Hindi pumasok kalahati ng klase para lang gumawa ng project namin.

Gagawa daw kasi kami ng music video tungkol sa math at science. Original song ang kelangan kaya ako ang nagsulat ng song namin. Dalawang week na nga namin to ginagawa, hindi padin natatapos hanggang ngayon!

"President, vice president at class officer ka din Ms. Germano diba? Pero kayo pa ang nagpapasimuno ng kalokohan!" Sabi ni Sir. Polse samin. Math teacher at adviser namin siya kaya alam naman namin na hindi kami matitiis niyan.

"Sorrrrrry na kung nagalit ka, Di naman sinasadya!!!! Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na sa ugali kong ito na ayaw magpatalo at parang sirang tambutso na hindi humihinto!!!!" At Sabay-sabay namin kinanta yung kanta ni Parokya ni Edgar na Sorry na kaya pinapagtinginan na kami ng mga teachers na nandun.

"Ay nako, nako!! Nagiingay lang kayo, hindi naman taimtim yang sorry niyo."

"Sorry na talaga sa aking nagawa, tangap ko na mali ako wag sanang magtampo sorry na!!!!!!" Kanta padin namin with matching clap and stamp pa ng paa!

"Lumabas na nga kayo, ginugulo niyo lang ako pati ang mga teachers na nananahimik." Sir. Polse said habang tinutulak na kami palabas ng pintuan.

"Mahal kita, sobrang mahal kita!!! Wala na ko pwedeng sabihin pang iba kung hindi sorry talaga di ko sinasadya talagang sobrang mahal kita wag ka mawawala sorry na!!!!!!!"

"Ano ba kayo, ang ingay ingay niyo! Lumabas kayo o ibabagsak ko ng tuluyan buong klase?"

"Eto na po sir, lalabas na!!!!" Natatawang sabi namin at tuluyan na nga lumabas ng faculty.

Since si Ms. Morzo lang naman ang next teacher, okay lang na malate kaya dumiretso kami sa canteen As usual, gusto na naman namin magpa-cool kaya kakain kami kahit hindi pa time.

"Samahan niyo muna ako sa locker, may ilalagay lang ako." Nadine said at bigla niya nilabas lahat ng nasa bulsa niya.

Kinuha ni Mica yung pentel pen at nagulat nalang kami ng bigla niya vinandalize yung isang locker dun. Tumatawa-tawa pa siya pagkatapos gawin yun kaya naman hindi na kami nagdalawang isip pa at nagsulat nadin kami ng kung ano-ano!!!

Not one, not two, not three.... Pero mga sampung locker ata yung nasulatan namin nun!!!

"Nagiging badass ako pag kasama ko kayong dalawa eh!!" Nadine said.

"Badass ba kamo?" Sabi naman ni Mica at bigla niya sinulatan yung wall ng isang buong hallway kaya hindi na kami nagpunta ng canteen at tumakbo na papuntang classroom dahil baka may makahuli pa sa ginawa namin!

"WHERE ARE YOUR LATE SLIPS?!" Sigaw ni Ms. Morzo pagkapasok na pagkapasok namin ng classroom.

"Ay! Naiwan natin yung late slip!!" Acting ni Nadine.

"Oo nga!!! Bakit ba natin iniwan yun? hay nako, ang tanga talaga natin!" Sabi ko naman.

"AT GINAGAWA NIYO AKONG TANGA NGAYON?!" Sigaw na naman ni Ms. Morzo

"Ay hindi po! Kahit kelan, hindi namin yan gagawin. Alam naman po kasi namin na matalino ka po!" Nadine said at nagtawanan bigla yung buong klase.

"GET YOUR LATE SLIPS, NOW!! ALAM NIYO NAMAN NA KELANGAN NG LATE SLIPS PAG LATE, BAKIT HINDI PADIN KAYO KUMUHA? SINASAYANG NIYO ANG ORAS KO!" She said kaya agad kaming lumabas ng classroom ng tumatawa.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon