[ A/N: Hi! Please support my story. Sorry kung may mga typos. Pa-vote and comment po kung ngagustuhan nyo yung chapter. thanks. ]
Dumaan na ang ilang weeks and nangungulit parin yung tukmol. Papunta na ako sa school. Nakasalubong ko si Carl may kasama siyang babae. Hindi ko siya pinansin kunyari hindi ko siya nakita.
"Good morning Kate" sabi niya.
"Gill kasi" bulong ko.
"Masmaganda yung Kate" Aba narinig pa niya yun.
"No. mo?" tanong niya at nilabas ang kanyang phone.
Hindi ko siya pinansin kasi alam ko na mangungulit lang yan. Nang makarating na kami sa corridor ng 3rd year. Ang sama ng tingin sakin yung parang kakainin na nila ako. Tapos yung mga bulungan ay:
"Ang itim naman nung napili ni Carl"
"Wala bang taste si Carl"
"Pipili nalang negra pa"
Gusto mo man silang sabunutan isa-isa hindi ko magawa. Matatalo din ako kasi ang dami nila. Hindi ko nalang sila pinansin hanggang makarating na kami sa classroom.
******
History na last subject na namin at lunch na. Ang boring talaga. Si Anna absent. Sila Ivan at Carl natutulog lang. Yung iba naman nakikipag daldalan. At ako as usual walang kausap kaya nakikinig nalang ako.
At last nagring na yung bell. Lunch na yehey!! Nung palabas na ako bigla nalang may humila saakin. Si Carl lang pala.
Lakad-takbo kami hangang makarating kami sa likod ng school. Huminto kami sa harap ng wall na medyo sira kaya hindi ganon kataas unlike nang nasa kabilang side.
"Akyat" sabi niya.
"Akyat na kasi" ulit niya.
"Aakyat ako jan? Sa wall?" sagot ko.
"Oo, aalalayan kita don't worry" sabi niya at nakahawak na siya sa hips ko at tipong bubuhatin na ako.
"Uy teka, sandali lang" sabi ko habang tinatangal yung kamay niya.
"Dalian mo baka mahuli tayo" sabi niya at humawak ulit sa hips ko.
"Baka kasi maaksidente ako"
"Hindi yan. Ako bahala. Kung ayaw mo ipapabugbug nalang kita sa mga admirers ko" banta pa niya.
Ay bwiset! I need to climb this wall or I'll have a broken leg.
"Oo na, aakyat na" sagot ko.
"1,2,3 akyat!" bilang niya at sabay buhat saakin.
Nakaakyat na ako at tumalon. Mamaya maya nandito na kami parehas sa labas.
"San na tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta" yan lang ang sagot niya.
Sinundan ko lang siya at bigla nalng siya pumasok sa isang black na car. Bunuksan niya yung window and said:
"Sakay na" tapos sinara niya ulit yung window.
Sumakay na ako sa likod.
"Hindi jan" sabi niya ng makaupo na ako. "Dito sa harap" dugtong niya.
Bumaba na ako at lumipat sa harap.
"Marunong kaba magdrive?" tanong ko sakanya.
"Bibigyan ba ako ng sasakyan kung hindi" sagot naman niya.
"Baka mahuli tayo ng LTO"
"Ako bahala" sagot niya at inistart na yung car.
Hindi na ako nagsalita at tumingin nalang sa bintana.

BINABASA MO ANG
Who am I?
RomanceAko si Kate Angela Dela Cruz. Isang simpleng babae na may tahimik na buhay. Pero nung lumipat ako sa Saint Lordes Academy ay naiba na ang takbo ng buhay ko. Makakayanan ko kaya ang sudden change of my life o mag tatago nalang sa sulok na may katahim...