Gill's POV
Hay nakakapagod pala mag-gala. Super saya talaga, parang nabawi na yung 6 na taon na hindi kami nagkasama ni mama. Sana palagi nalang ganito.
Uuwi na kami bukas, hayzz.
Magdidinner na kami sa isang hindi ganon kagara pero masarap ang pagkain na diner. Kakagaling lang kasi namin Wright Park. Sumakay kami ng kabayo dun tapos ang ganda ganda pa ng view, kitang kita mo yung mga bundok.
Pagkadating ng order namin na hindi ko naman alam kung anong tawag kasi si Mama yung nag-order para samin ay nagsimula na kami kumain ni mama.
Tahimik lang kaming kumain kasi parang napagkwentuhan na naman namin lahat ng topic na pwedeng pagkwentuhan.
Pagkatapos namin kumain umuwi na kami sa hotel na tinutuluyan namin.
******
Mrs. Dela Cruz's POV
Kanina ko pa gustong sabihin nasa diner palang kami kaso nahihirapan ako at natatakot s mga pwede niya gawin. Alam kong kailangan niyang malaman kahit mahihirapan akong tanggapin na mawawala siya sa akin pagkatapos nito.
Ngayon ay nandito na kami sa hotel suite namin.
"Anak"
"Yes ma?"
"May kailangan kang malaman wag ka sanang magalit kung tinago ko sayo ng matagal"
Nakita kong kumunot ang noo niya. Diyos ko, maslalo akong kinakabahan sa reaction niya.
"Ano po ba yon?"
"Dati kasi nung bata ka pa nakita kita sa---"
"Wait lang mama huh? Naiihi na talaga ako eh" sabi niya saka tumakbo sa CR.
Diyos ko tulungan niya naman ako, nahihirapan akong sabihin sa kanya.
"Ayan ok na ma, tuloy mo na"
Umupo na siya ulit sa tapat ko.
"Nung bata ka pa kasi ay nakita kita sa kalsada, umiiyak ka at walang kasama"
"Ma last na talaga to, kasi ang dumi ng kamay ko eh. Hindi ako nakapaghugas kanina"
Nako pinagpalang Maria, bakit ganito. Nahihirapan na nga ako parang hindi pa kayo sumasang-ayon sa gagawin ko.
"Ma ok na, tuloy mo na yung kwento mo"
"Yun nga anak nakita kita sa kalsada na uwiiyak at walang kasama"
"Weh? nawala ako? Ganon ba ako kalikot noon?"
"Hindi ganon anak. Tahimik ka nga lang nung bata ka pa. Siguro dahil sa trauma, nung nakita kasi kita ang tanging sinabi mo ay naaksidente kayo"
"Huh?”
"Anak ang sabi mo kwento mo noon ay nag-aaway ang mga magulang mo. Tapos bigla nalang binuksan ng tunay mong Ina ang pinto at itinulak ka"
"Huh? Tunay na ina? A-ampon ba ako ma?"
Kalmado lang siya pero nakikita ko na may nangingilid ng luha sa mga mata niya.
"Oo anak. Naisip ko nga ay siguro ay maaaksidente na kayo at para maligtas ka ay itinulak ka palabas ng tunay mong ina"
"Pero bakit wala akong maalala?"
"May bali ka kasi sa kaliwa mong binti noon kaya dinala kita sa ospital. Ilang araw ka ring walang imik hanggan sa bigla ka nalang naging masigla t iyon pala ay dahil nagkaroon ka ng Amnestia . Sabi ng doktor ay bigla ka daw nagwala noon dahil gusto mo makita ang mga magulang mo at pagkatapos ay nahulog ka sa iyong kama at nauntog. Wala kasi ako sa ospital noong mga oras na yun kaya hindi ko masyadong alam ang buong pangyayari. Pinayuhan din ako ng doktor na wag ko muna sabihin sayo hanggang sa tingin ko ay kaya mo nang intindihin ang lahat, kasi daw nagbibigay daw sayo ng stress ang mga nangyari. At dahil napamahal na ako sayo natakot akong sabihin sayo, wag ka sanang magalit anak"
BINABASA MO ANG
Who am I?
Roman d'amourAko si Kate Angela Dela Cruz. Isang simpleng babae na may tahimik na buhay. Pero nung lumipat ako sa Saint Lordes Academy ay naiba na ang takbo ng buhay ko. Makakayanan ko kaya ang sudden change of my life o mag tatago nalang sa sulok na may katahim...