Gill's POV
Hay nako wala akong magawa ngayon. Saturday kasi ngayon kaya walang pasok. Mag fa-facebook nalang ako at magtwi-twitter.
After ilang oras pinatay ko narin yung laptop ko wala naman kasi akong ka-chat at ka-tweet. Maliligo nalang ako hapon narin kasi eh.
Pagkatapos ko maligo nakita ko yung phone ko na nagriring. Sinagot ko nalang yung call without looking for the callers ID.
"Hello?"
(Hi Gill!! Punta tayo sa bar kasama si Just pati yung boylet niya!) Si Steph lang pala yung tumawag.
"Huh? ahh sige. Wala rin naman akong magawa eh."
(Oh game tara tara! Mag-ayos kana. Magsuot ka ng sexy huh? maraming poging boys dun)
"Haha sige. Anong oras ba?"
(Mga mamayang 7. Sige na byiie!!)
"Geh bye na"
After the call nag-ayos narin ako. Im wearing a simple floral dress and a nude open toes pumps. Its always been like this, what I want is to look cute and girly.
After nun tinawagan na ako ni Steph at nagkita nalang kami sa 7 eleven.
*Seven Eleven*
"Hi Gill!" bati sakin ni Just at Steph tapos nagbeso-beso kami.Pinakilala ni Just yung boylet niya. Kevin pangalan niya pero Kev nalang daw. Tapos yung nagshake hands kami at ngitian.
"Hi! so ano na?" sabi ko.
"Go! Tara na! Ikaw nalang hinihintay eh" -Steph
"Eh diba minor tayo?" tanong ko. Yung dati naman kasi sa Prime eh kilala ni Ivan at ni Carl yung mga bouncer at kilala na sila dun kasi palagi kasi sila doon.
"Ok lang yun. Kilala naman ni Kev yung may-ari kaya no problem" -Just
"Tara na" sabi ni Kev at pumasok na kami sa kotse niya nasa frontseat yung lovebirds at kami naman ni Steph ay nasa Backseat. Teka minor kami diba? Lahat ba ng lalaki na nagaaral sa school namin ay may kotse at students licence lang ang gamit? Galing nila ah, kaya na nila makipag-bakbakan sa highway.
Sa Prime din pala yung bar na pupuntahan namin. So yun, libre ni Kev yung table pati narin yung drinks.
After namin ubusin yung mga cocktail namin eh tumayo kami para sumayaw. Pero humiwalay yung lovebirds kaya kami lang dalawa ni Steph.
"Grabe Gill ang gwa-gwapo ng mga boys dito!" -Steph
"Haha oo nga! Ang gwapo nga ng nasa likod mo eh!" sigaw ko rin pabalik. Kami lang naman nagkakarinigan kasi malakas yung sound system. Grabe nasasanay narin ako sa maging party girl.
"Weh talaga?" -Steph sabay lingon sa likod niya.
"Oo nga!! Hottie!" -Steph ulit.
Nung napagod na kami. Umupo nalang ulit kami at nag-order ng Apple Margarita.
"Hi Girls" bati nung lalaki na nakatayo sa harap namin.
"Ohh hi! From Saint Lourdes Academy too?" -Steph
"Yes. Your Steph, rigth?" sabi naman nung isa pang lalaki. Wow hot nilang dalawa.
"Yah. And you are?" -Steph
"Im Greg and this is Renz. 4th year na kami" -Greg, tapos nakipagshakehands sila kay Steph. Sabay bati ng "nice to meet you"
"This is Gill my classmate" -Steph, tapos nakipag shakehands din ako sa kanila sabay "Hi". Wow grabe marunong na ako makipag socialize.
Tapos yun nag kwentuhan kami. Ang sarap nila kasama medyo mga maloko kasi.
Nag-order si Renz ng 8 shots of tequila for a cheers.
"For this amazing night!" -Renz, tapos nag cheers kami at ininom yung shot. Yuck grabe ang lakas ng tama. Ramdam mo yung pagdaloy sa lalamunan mo.
"For meeting this 2 hot girls!" -Greg, tapos cheers ulit kami at inom uli.
Nagkwentuhan ulit kami tapos nagpaalam na kami kanila Renz tapos yun tinext nalang ni Steph si Just na uuwi na kami kasi late naman na daw saka hindi pa kasi uuwi yung dalawa eh.
Grabe medyo nahihilo ako pero medyo lang naman kasi umiinom rin naman ako occcasionaly pero medyo madalang.
Sumakay na kami ng taxi pauwi.
"Bye Gill sa monday nalang" -Steph sabay beso sakin. Nauna kasi ako ihatid ng driver kasi si Steph naman na daw yung magbabayad ng taxi bill.
"Bye din" tapos yung bumaba na ako at umalis na yung taxi.
Pumasok na ako sa bahay tapos dumertso na ng kwarto ko, may susi naman ako ng bahay eh. Nagbihis nalang ako at humiga na.
Hay, ganto pala yung buhay ng mga mayayaman at sikat. Parang ang saya-saya lang. Ngayon lang kasi ako nakapag enjoy sa bar kasi pag sila Carl yung kasama ko tahimik lang ako eh.
After ko magmuni-muni ng onti natulog nalang din ako.
BINABASA MO ANG
Who am I?
RomantikAko si Kate Angela Dela Cruz. Isang simpleng babae na may tahimik na buhay. Pero nung lumipat ako sa Saint Lordes Academy ay naiba na ang takbo ng buhay ko. Makakayanan ko kaya ang sudden change of my life o mag tatago nalang sa sulok na may katahim...