Carl's POV
Pagkagising ko dumeretcho agad ako sa banyo para maligo. Hay nako may pasok nanaman. Hindi ba maintindihan ng mga magulang namin na nakakasawa din mag-aral.
Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at ready na pumasok ng school. Hindi na ako nag bre-breakfast kasi wala naman akong taga-luto. Bumaba na ako at pumunta na sa parking lot.
*School*
Pagkapark ko ng car ko tumakbo na agad ako papunta sa classroom, malelate narin kasi ako. Hindi naman malayo yung condo ko late lang talaga ako gumigising sa umaga.
Pagkadating ko sa classroom nag momorning routine na sila. Pumasok nalang ako ng classroom at dumeretcho sa assigned seat ko wala naman kasi yung adviser namin hindi naman yun umaatend ng morning routine eh.
Pagkatapos ng morning routine namin saka lang pumasok sa classroom yung adviser namin. Gago talaga tong teacher na to, madaya! Pinaupo na niya kami kasi homeroom pa naman at ang homeroom namin daldalan lang. Lalaki kasi yung advise namin kaya peticks lang at hindi strick.
Nag-uusap kami ni Ivan ng napalingon ako kay Kate, wala siyang kausap. Hinanap naman ng mata ko si Steph pero andoon siya nakikipag usap sa iba pa naming classmate. Lalapitan ko sana siya ng biglang lumapit samin sina Alyza.
"Hi Carl, Hi Ivan" -Alyza
"Hi Alyza" -Ivan ako tinanguan ko lang siya.
"Pwede ba kayo mamaya? Birthday ko kasi so may party sa bahay" -Vienna
"Ako pwede. Eh ikaw Carl?" -Ivan
"Ako? wala naman akong lakad mamaya. Siguro" -ako pero tinitignan ko lang si kate nga ngayon naka head-down na.
"Ahh talaga? Sama nyo din yung ibang mga friends niyo huh?" -Alyza
"Oo nga para masaya" -Julia sabay smile.
Ewan ko ba dito kay Alyza kinakaibigan parin niya ako. Hindi ba siya naiilang? Sa bagay lahat naman kinakaibigan niya kahit yung iba halata namang pinaplastik niya.
Pupunta ba ako? Thursday ngayon at wala namang pasok bukas dahil sa important meeting ng school saka open party yun kaya malamang maraming pupuntang tropa. Punta nalang kaya ako kanila Kate? Balita ko kasi hindi pa sila nakakapag-bonding ni Tita kasi may pasok pa.
Kawawa naman yung babe ko, ang tagal nilang hindi nagkita ng mama niya tapos hindi parin sila nakakapagbonding.
*Uwian*
"Hi babe. Hatid kita?" sabi ko kay Kate pagkalabas ng classroom.
"Sige bahala ka, itigil mo nga yang kaka-babe mo feeling ko tuloy baboy ako"
"Arte mo ah, endearment nga yun eh"
"Ikaw lang naman tumatawag ng Kate sakin kaya yun nalang"
"Sus! Kala ko ba ayaw mo ng Kate? Sinusungitan mo pa ako noon bibigay karin pala"
"Ang kapal mo ah. Ayaw ko lang talaga ng Kate noh"
"Ang pakipot mo talaga. Katulad noon gusto mo pa ng magpaligaw sasagutin mo din pala ako"
"Hoy! Hindi ahh. Wala lang akong choice, blackmailer ka kasi!"
"Weh talaga? Crush na ako dati pa noh?"
"Wow ang huh? Baka ikaw, sa dami ng babae dito sa school ako pa pinili mo"
"Bakit ayaw mo?"
"Che! Kung hindi mo lang ako blinakmail eh"
"Weh? Alam ko naman na dati mo pa ako crush eh"
"Hindi kaya. FYI si Ivan talaga ang crush ko at napilitan lang ako sayo!Kung hindi naging tayo edi sana kami na ni Ivan! Alam mo yun? Super sayang!"
"Sigurado ka gusto mo si Ivan? Talaga lang huh? Tss"
Alam ko napikon lang siya kaya niya nasabi yun, napikon din naman ako pero baka lumala kaya hindi na ako nagsalita ulit. Hinatid ko nalang siya sa bahay nila tapos umalis nalang ako agad.
Nakakabadtrip naman oh. Tangina, mas gwapo ba siya sakin? Parang hindi naman eh. Nakakaconcious tuloy. Pero siguro oo, sa dami naman ng natikman niya eh. Puta talaga, nakakainis!
Pagdating ko sa bahay tinawagan ako ni Ivan kung pupunta ba ako. Wala din naman akong gagawin kaya pumunta nalang ako.
*Part ni Vienna*
Pagkadating ko madami nang tao. Hinanap ko si Ivan at ayun may kausap na babae. Ang chickboy talaga ng hayop na to.
Dumeretcho nalang ako sa mini bar. Mamaya nalang ako kakain kumain naman ako ng marami sa school kaya ok lang.
"Isang shot nga ng teqiula" sabi ko sa bartender.
Ano pa ba aasahan niyo sa badtrip na Carl? edi yung isang shot umabot ng isang dosena. Alam kong tipsy na ako, pero kung kelan ka tipsy saka ka gaganahang uminom diba? Kaya nung dumating sa tabi ko si Ivan:
"Hoy hearttrob! Hindi ka nagyayaya ah" sabi niya sakin sabay suntok sa braso ko. Pero mahina lang yun.
"Edi sige, palakasan tayo" pagyayaya ko ng 1 on 1.
"Kuya salt and lemon meron?"
Maya maya inabutan na kami ng rock salt and lemon slices at nag1 on 1 na kami.
BINABASA MO ANG
Who am I?
RomanceAko si Kate Angela Dela Cruz. Isang simpleng babae na may tahimik na buhay. Pero nung lumipat ako sa Saint Lordes Academy ay naiba na ang takbo ng buhay ko. Makakayanan ko kaya ang sudden change of my life o mag tatago nalang sa sulok na may katahim...