Gill's POV
Hi Guys! Today is Friday.Im here at Baguio City! Dito kami maglolong weekend ni Mama. Im so happy, after 6 long years magbobondig na kami ni Mama.
Nandito kai sa Baguio Burnham Suite Hotel. Actually tulog pa nga si Mama eh, napagod siguro sa biyahe. Kaya maliligo na ako para gora nalang mamaya pagkagising ni Mama.
After ko maligo may breakfast na sa mini table sa gilid ng 2 single beds. Kaya kumain muna ako habang naka-robe.
"Ma anong pagkain to? Ang sarap!"
"Hindi ko rin alam Anak eh, ang sabi ko lang kasi sa telepono bigyan niya tayo ng Bagiuo specialties"
"Ahh ganon po ba? Ito masarap din" sabi ko sabay abot kay mama ng white bread at strawberry jam.
After namin kumain naligo na si Mama at mamayang mga 12 ay aalis na kami. Kakain kasi kami sa retaurant malapit sa Burnham park saka maglilibot. Grabe nakakatuwa minsan lang talaga ako mag out of town.
*****
Nakasakay kami sa Swan ngayon nagpapadyak habang nagkwekwentuhan. Nag kwento si Mama about sa trabaho niya.
"Alam mo anak madami rin akong kaibigan doon. Meron na nga kaming Flower Shop ng kumare ko eh."
"Talaga mama? Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Ginagawa palang kasi siya. Buti nga napayagan kaming magtayo ng business kahit OFW lang kami eh"
"Ang swerte niyo naman pala mama"
After ko yun sabihin biglang nawala yung ngiti sa mukha niya. Hindi ko rin alam kung bakit, baka masyado lang akong nag-iisip.
****
Grabe ang saya. After namin sa Burnham Park nag punta pa kami sa Strawberrry field. Nagpapicture ako dun sa higanteng strawberry tapos nagpitas kami ng mga strawberry doon, kaso medyo mahal kesa sa bibilhin mo nlang yun strawberry.
At bukas maaga kaming pupunta sa Lourdes Grotto tapos after doon mag pupunta naman kami sa Wright park.
Weee! Ang saya saya!!
Tapos bigla kong naalala. Magkagalit pala kami ni Carl. Kung hindi lang kasi siya nangungulit eh. Ang epal kasi non.
Kumuha nalang ako ng soda sa mini ref at kumuha rin ng junkfood. Wala tuloy akong kausap wala kasi akong load at si Mama lumabas sandali kasi may tumawag sa Cp niya.
Hay nako! Basta pag-uwi namin mag-aact nalang ako na kunyari hindi kami nagtalo. Hindi naman yun nagagalit ng matagal sakin eh, ATA. Pero sus yun pa? Eh crush ako nun. HAHA!
Ang tagal naman ni Mama, sino ba kausap non?
Nakakantok. Magtotoothbrush na nga ako.
Pagkatapos ko magtoothbrush nakita ko si Mama na tulog na. Nakatalukbong na siya ng kumot eh. Panigurado tulog na siya. Hay makatulog na nga rin.
"Goodnight Mama. I love you"
Hindi na siya sumagot. Ang bilis naman niya makatulog.
*On the other Side*
(Oh Mrs. Dela Cruz, whats Angela's reaction?)
"I didn't told her yet"
(Oh? Bakit ang tagal? Gusto mo bang ako na magsabi?)
"Mr. Maglalang, please! Ngayon lang kami nagbonding ng anak ko. Give me some time."
(Shes not your daughter Mrs. Dela Cruz, always remember that)
"I know, But please dont call me again. I'll even escort her to your mansion, just give me my time. 6 years kami hindi nagkita so please!"
(Haha, Okay okay! Chill, Ill give you what you want. Cherish all the time you can get. Ill call you soon. Bye)
Pinatay na ng nasa kabilang linya ang tawag.
At maya-maya ay bigla nalang bumuhos ang luha ng ginang. Hindi niya akalaing mawawalay sa kanya ang kanyang anak. Kung sana ay hindi nalang niya kinumbinse ito na lumipat ng eskwelahan, edi sana ay hindi siya nakilala si Mr. Maglalang.
Balak naman niyang sabihin eto sa anak kaso hindi pa ngayon dahil hindi pa niya nakakasama ng matagal ito. 6 na taon siyang nagtrabaho sa ibang bansa para lang mabigay ang pangangailangan ng kanyang anak. Sana pala ay sa probinsiya nalang sila tumira.
BINABASA MO ANG
Who am I?
Storie d'amoreAko si Kate Angela Dela Cruz. Isang simpleng babae na may tahimik na buhay. Pero nung lumipat ako sa Saint Lordes Academy ay naiba na ang takbo ng buhay ko. Makakayanan ko kaya ang sudden change of my life o mag tatago nalang sa sulok na may katahim...