Chapter 12

22 1 0
                                    

Gill's POV

Nandito kami ngayon sa isang luxary restaurant. Ano pa ba gagawin namin dito edi kakain. Nakakainis talaga tong tukmol na kasama ko. Magyayaya kumain ng lunch tapos hindi ka niya kakausapin. BV noh?

"Uhhm Carl?" 

"Hmm?" 

"Pwede bang hindi girlfriend?" tumingin siya sakin. "Uh bestfriend nalang pwede?" dugtong ko pa.

"Hindi" simple niyang sagot.

"P-pero uh uhhm ni hindi mo nga ako niligawan eh" sabi kong medyo nahihiya pa.

"Taong tabon ka talaga. Hindi na uso yun" sabi niya at sumubo nanaman.

"P-pero hindi n-naman ako katu--" 

"Fine" sagot niyang tila naiirita.

"Talaga?" sabi kong medyo naeexcite. 

Kasi naman firstime kong maliligawan. Saka yung first kiss ko accident lang. 

"Oo" sagot niya.

*silence*

"Will you be my Girlfriend?" biglang tanong ni Carl.

"Uhhm wala bang mas pormal?" tanong kong medyo disappionted.

"Ano ba yan. Andami mong arte" 

"Syempre babae parin ako!" 

Nakakainis no? Sinong babae ba hindi naghahangad ng mala Fairytale na panliligaw? Yung tipong katulad ng sa Disney Princess? 

"Tara na nga" sabi niya sabay hila sa braso ko.

"San nanaman tayo pupunta?" 

Pinasakay niya ako sa kotse niya at pinaghintay sa loob. How nice diba?

Pagkalingon ko sa bintana may kausap siya. Tapos na trace kong yung bibig niya na sinabi niya yung word na Alyza. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako. Siguro kasi ilang weeks narin na palagi ko siya kasama. Tapos wala siyang ibang ginawa kung hindi mag-emote. Kaya siguro napalapit na yung loob ko sa kanya. At ayaw ko ng bangitin niya yung word na Alyza kahit kailan.

Maya-maya pumasok na siya sa car and started driving. Walang umiimik saamin. Naiinis din kasi ako sa kanya. Una ayaw niya ako ligawan ng matino tapos pangalawa yung may kausap siya tapos binangit niya yung word na Alyza. 

Pagkadating namin, kung saan man to. Piniringan niya ako. Lakas ng trip no? 

At ngayon naglalakad ako sa kawalan. Malay ko ba kung anong ngyayari sa paligid ko? eh kung nakapiring nga ako eh. 

Tapos eto nakaupo na ako sa isang sulok. Wait lang daw. At wagkakapa-kapa ng kahit ano. Baka daw may mabasag daw ako. How rude din diba?

*Minutes Later*

"Uy Gill?" sabi ng isang lalaki.

"Ivan? Ikaw ba yan?" 

"Oo" sabi niya at tinayo na ako.

"Hindi mo ba tatangalin yung piring?" 

"Maya-maya. Lika na" 

Inalalayan niya ako hangang sa huminto kami sa isang spot. Unti-unti niyang tinangal yung piring ko at tumakbo papaalis. 

Kinusot ko yung mata ko. Pagbukas ko may banner na "Will you be my Girl?" tapos si Carl nakatayo doon at may hawak na bouquet ng flowers. 

Lumapit siya sa akin.

"Will you be my Girl?" tanong niya at inabot yung flowers sa akin. 

"Tukmol ka talaga! Bakit mo tinutoo?" 

"Sira-ulo ka rin no? Ano ba talga gusto mo?" 

Nagsmile nalang ako pero halatang fake.

"So yes?" tanong niya.

"May choice pa ba ako?" 

"Wala" sabi niya then he hugged me. 

After ng ilang daldalan hinatid na niya ako sa bahay.

*******

*Same Night*

Carl's POV

Pagkadating ko sa bahay. Diretcho agad ako sa kwarto ko. Ewan ko kung bakit pero parang ang saya ko ngayon. Alam ko naman na gusto ko siya, pero hanggang gusto lang naman yun.

Basta ang kaylangan lang makalimutan ko si Alyza. Hindi kasali doon na mahuhulog ako sa balyenang si Kate. Hindi talaga pwede eh.

Binuksan ko yung wallet ko at nilabas yung contract na may pirma ni Kate. Nasulatan ko na rin yun eh.

Me, Kate Angela Dela Cruz will be John Carl Maglalang's girlfriend until he broke-up with me.

Signed by: Kate Angela Dela Cruz

Yan yung sinulat ko sa papel na pinapirmahan ko kay Kate nung nagbet kami. Sayang hindi ko manlang to nagamit. Pero ok lang pag tumangi siya in future at pumayag ng ipakalat ko yung photo may back-up pa na hinding-hindi niya pwedeng tangihan.

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon