Ginising ako ng isang phone call. Nag-unat unat pa ako bago sagutin yung phone call. Pagkatingin ko unknown no.
"Hello, sino po sila?"
(Kate nahihilo ako)
"Hay naku Carl kakagising ko lang"
(Hindi kita niloloko. Punta ka dito please)
(Blagg) rinig kong parang may nabasag sa kabilang linya.
"Carl? Ok ka lang?" napatayo ako sa sobrang pagkagulat.
(Punta ka na dito please) pagmamakaka-awa niya.
"Pero hindi pa kasi ako naliligo, kakagising ko lang" sagot ko at halatang nag-aalala na.
(Sige na please)
"Wait lang ah, hintayin mo ako jan. Humiga ka muna huh?" sagot ko and I hang-up the phone.
Nagmadali na akong naghilamos, toothbrush at nagbihis. Pagkababa ko nakita ko si Manang naghahanda na ng breakfast.
"Saan ka pupunta hija?" tanong sa akin ni Manang.
"Diyan lang po, babalik ako agad" sagot ko at tumakbo na papunta sa bahay ni Carl.
Pagkadating ko sa bahay ni Carl pumasok na ako ng gate. Hindi naman kasi naka lock. Pero yung pagbukas ko ng pinto naka-lock. Tinawagan ko si Carl.
"Carl pabuksan mo ako ng pinto" pambungad ko.
(Sige wait lang *Thump thump thump*) narinig ko sa kabilang linya ang footsteps niya pababa ng hagdan. Maya maya bumukas na yung pinto.
"Carl ok ka lang?" agad kong tanong.
"Anong nangyari sa kamay mo?Bakit ka nasugatan?" dagdag ko pa.
Ngumiti lang siya. Pumasok na ako at hiniga siya sa couch. Kumuha na ako ng dalawang face towel. Nag-init na rin ako ng tubig. Pagkatapos ko magpainit ng tubig binalikan ko na siya. Nilagyan ko siya ng face towel sa noo niya. At yung isa ginamit ko para punanasan yung mga kamay niya.
"Carl kaya mo pa ba umakyat sa taas?" tanong ko kasi hindi pa naman siya tulog.
Nagnod lang siya. Inalalayan ko siya papunta sa kwarto niya. Pag dating namin doon hindi ko muna siya pinahiga.
"Carl, nasan yung mga bed sheets niyo?" tanong ko.
"Jan oh" turo niya sa may upper part ng cabinet niya.
Kumuha ako ng bed sheet at kumot. Nakita ko rin yung shorts at shirt niya kaya kumuha na din ako.
"Carl oh, palit ka muna" inabot ko na sa kanya yung damit. Hindi pa din siya nakakapag palit ng pants puro putik pa din.
"Kuha mo na rin ako ng brief" utos pa niya.
ako kukuha ng brief niya?, OMG nakaka-ilang.
"Saan ?"tanong ko naman habang naghahanap na sa closet niya. "Nakita ko na" dugtong ko pa.
Inabot ko na siya at inalalayan papunta sa cr. Habang nagbibihis siya pinalitan ko na yung bed sheet niya at kumot. Puro putik din kasi hindi naman siya nagbihis kagabi. Nilinis ko na rin yung basag na baso. Pag labas niya ng cr pinahiga ko na siya at kinumutan. Nilagyan ko nanaman ng face towel yung noo niya. At pinunasan ko nanaman yung katawan niya. Nung pababa na ako bigla nalang siya nagsalita.
"Kate dito ka muna please" pagmamakaawa niya.
"Hindi pa ako aalis, kukuha lang ako ng pagkain" sagot ko.
Bumaba na ako at ininit yung pagkain na nasa lamesa. Kumuha na din ako ng tubig at naghanap ng gamot sa ref. Dinala ko na lahat sa taas, pero syempre naka tray yun kasi hindi naman ako si spider woman. 2 lang kamay at paa ko.
BINABASA MO ANG
Who am I?
RomanceAko si Kate Angela Dela Cruz. Isang simpleng babae na may tahimik na buhay. Pero nung lumipat ako sa Saint Lordes Academy ay naiba na ang takbo ng buhay ko. Makakayanan ko kaya ang sudden change of my life o mag tatago nalang sa sulok na may katahim...