Drake's POV
Damn it!
Hindi ko inasahan na gagantihan nya ako? Ugh!
Sa totoo lang, wala ako sa mood nung oras na yon at dahil don wala ako sa focus at sinipa ko yung bola na hindi ko alam kung saan papunta.
Hindi ko alam na tatamaan sya!
"Grabe ang lakas sumipa non no? Parang soccer player eh" sabi ni Evans
Well, malakas nga sya sumipa at magaling sya sumukat kung saan nya patatamain..
aiis! Tsamba nya lang yon..
"Oonga, hindi halata sa mukha nya" sabi pa ni Dom na para iniisip yung mukha nung babae.. "Pre, nakita nyo yung babae kanina? Nakita nyo yung mukha nya?"
"Ahmm may itsura naman sya pero hindi ko sya type no!" Sabi naman ni Evans..
"Baliw! Hindi ko rin sya type no! Pero hindi ganon ibig ko sabihin.. yung mukha nya kasi kakaiba.. Parang angel.. i mean, parang inosente tao"
Napa isip din ako. Tama nga si Dom, parang inosente yung babae yon. Hindi mo mababasa ang kahit ano iniisip nya dahil ganon ang itsura nya..
Inosente ang mukha, demonyo ang utak!
"Oonga no! Ngayon ko lang na pag tanto yon.. sabagay, wala kasi ako interes sa kanya" sabi pa ni Evans..
"Ano ibig mo sabihin? Na interesado ako don? Tsk"
"Hahahaha pre ikaw nag sabi nyan hindi ako" pang aasar pa ni Evans
"Sa inosente nya mukha yon, may pag ka demonyo rin ang utak" singit ko sa kanila at pareho nila ako nilingon
Nandito kami sa rooftop sa 5th floor at sa amin lang ang buong 5th floor na yon.. Dito din kasi ang madalas namin tambayan.
"Tamo pati si Drake, napansin din ang mukha ng babae yon..." sabi pa ni Evans at sinamaan ko sya ng tingin
"Sino ba ang mga yon?" Tanong ko
"Ang alam ko, transferee silang tatlo" nakita ko ngumiti si Evans "Yung isa don, yung madaldal? Naka harap ko na sya aba'y matindi ang isang yon. Halos matigilan ako nung sigawan nya ako sa pila? Pre sinigawan ako? Ngayon pala'ng may gumawa sakin non! Hindi man lang tinablan ng ka gwapuhan ko.. nasaan ang katarungan don?"
"Hahaha! Sabi ko sayo, mas gwapo ako sayo dahil wala pa hindi na gwagwapuhan sa akin"sabi pa ni Dom at tumayo ng ayos para mas maasar si Evans..
"Pssh!" Singhal ko dahil mukhang payabangan nanaman to..
"She's different"
Napalingon kami lahat kay Kai na mukha titig na titig sa cellphone nya..
"Para sya anghel.. isang bata walang muwang sa mundo pero kung pilit na titingnan ang mata nya ay puro lungkot ang makikita mo" sabi pa nya habang titig na titig pa rin sa cellphone nya.
"Pre, nababaliw kana ba?" Sabay tawa ni Dom
"Pre, interesado si Kai kay Inoccent girl" si Evans
"Yaah, she's interesting.." sabi nya at hindi pa rin kami nililingon kaya hindi ko maiwasana tumayo at tingnan kung ano ba meron sa cellphone nya...
What the fvck?!
"Talaga pinicturan mo?!" Hindi maka paniwala tanong ko..
"Aba, lakas ng tama mo sa kanya hahah" pang aasar nanaman ni Evans
BINABASA MO ANG
Innocent Disguise
RomancePeople think that I'm hiding something.. But you wanna know the truth? I am hiding something. I am hiding myself.. --- Arkineah