Chapter six

51 1 0
                                    




Arki's POV



"San ka nanaman galing?" Sabi ni Ally..



Bumalik ako sa room after ko pumunta sa locker area. Hindi ko alam kung ano ba naisip non at nilagyan nya ng daga ang locker ko?

Wala naman nag sasabi sakin sya nga ang nag lagay non pero masyado sya halata sa mga kilos nya.

Hindi ako nagalit sa kanya dahil gusto ko pa matawa sa nakita ko reaksyon nya. Pinigilan ko lang ang sarili ko dahil masyado sya mapapahiya.

Para sya tanga nakatayo don at hindi alam ang gagawin. Alam ko nabigla sya sa ginawa ko.. Wala eh, hindi ako natatakot basta basta sa simple bagay lang...

"Hoy Arki?! Aba'y tulala ka na dyan ano ba iniisip mo? San ka ba ng galing?"

Nag kibit balikat ako at umiling iling pa.. "sa locker diba.. bakit wala na yung iba kaklase natin?" Tanong ko dahil wala iba tao sa room. Meron pa kasi kami last subject at Pyhsics yon.

"W-wala si Mam.. nag ka emergency  daw"  si Aemee naman ang sumagot

''Sige umuwi na kayo" sabi ko at pareho nila ako nilingon

"Bakit?"

"Meron pa ako duty sa library.. aaga na lang ako para maka uwi agad" sagot ko

"Ay... Oo nga pala diba two hours ang duty mo don? Babalik na lang kami ni Aems para sunduin ka. Sa mall lang naman kami pupunta"

"Okay" sabi ko at tumalikod na sa kanila.

Sanay na sila sakin.. madalas nga hindi ko na sila sinasagot sa mga tanong nila o kaya sa usapan nila. Basta, wala ako palagi gana mag explain.. Ayaw ko ng mahahaba usapan. In short tamad ako mag salita.

Makikilala ako ng marami sa ganito ugali ko pero hindi lahat nakikita lang sa kilos o labas ng katauhan ng panlabas. Ibig ko sabihin, bahala na sila kung ano iisipin nila sakin...

"Hi Arki"

"Hello" bati ko rin kay Sunshine na isa rin scholar tulad ko at dumuduty rin dito sa library. Isa sya third year high school at masaya ako makakita ng kahit isang tao dito na tulad ko. Na gustuhin dumuty after class at maging scholar para lang sa tuition...

Hindi maiitangi halos lahat ng nag aaral dito ay mayayaman.. kitang kita naman at isa pa pangalan pa lang ng school, kilala na sa bansa kaya mayayaman talaga ang nakaka pag aral dito. Kung meron mang hindi mayaman, siguro nakaka pasok sila dahil sa talino nila.

Dumiretso ako sa mga bookshelf na halos tingalain ko sa sobrang tataas . Punong puno ng libro dito at kung titingnan, lahat ng klase libro ay makikita na dito..

Isa ako book lover.. Ito ang kinahiligan ko sa tuwing boring na naman ang araw ko. May pag kakataon nga na nauubos ang isang buong araw sa pag babasa ko lang. Minsan naman mag sstart ako mag basa ng mga alas-singko ng hapon tapos sa sobrang hindi mo maihinto ang pag babasa, hindi mo na namamalayan ang oras at kapag may pag kakataon ka na makita ang oras, magugulat na lang din na sobra haba na pala ng oras na nagugol mo sa pag babasa.

Sobra lawak ng library na to hindi sya tulad ng library lang ng iba school. Eto kasi sobra lawak at mayayaman sa libro. Meron second floor ang library ito pero hindi ganon kalawak ang second floor dahil half lang sya ng ground floor.

Mula sa ground floor, matatanaw mo rin ang second floor at don mo ulit ang panibago dami ng libro.

Binalik ko ang tingin sa mga libro na nasa harapan ko. Masyado na magabok ang iba libro. Ang iba naman ay hindi ayos ang pag kaka patas at meron naman libro wala sa tamang hilera nya. Inayos ko lang ang mga libro. Pinag samasama ko ang talagang mag kakasama.. Inalis ko rin ang ibang sapot ng gagamba na sa sobra tagal na ng tambak na libro, inaagiw na.

Innocent DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon