FIRST IMPRESSIONS....MAY NOT LAST FOREVER...

36 2 0
                                    

Prologue

Grabe ginabi na ako ng uwi. Lagot ako nito sa mama ko. Ito kasing classmates cum barkada ko nuknukan na BI sa buhay ko, short for "Bad Influence". Nag-ayaan ba naman na mag truth or dare while waiting sa pagtigil sa biglaang pagbuhos ng ulan sa tambayan namin sa school campus. Ang difference lang ng game na 'to from the normal ay isang shot ng tequilla ang i-dare and no other options. Eh, my gulay naman...naman...naman...I don't drink alcoholic beverages. Tinigil na lang namin at kanya-kanya uwian nang tumila na ang ulan.

Haizz!!! Kainis talaga! 'Di ba may saying na after the rain, there is a rainbow?...But ...."Only in the Philippines na after the rain... there is a flood". Ako lang pati ang ibang way na inuuwian kaya mag-isa akong naglalakad sa hanggang tuhod na baha. Tipsy na rin ako. Napapaisip tuloy ako na mukhang pinagtripan ako ng mga 'yun. Kaya here I am...konti na lang kakantihan ko na ang "Heto akoohhhh.....basang-basa sa ulaaaan..." Ang hirap kayang maglakad sa baha na nakainom.

Habang naglalakad ako may tumigil na red car sa tapat ko. Natakot ako kasi biglang bumukas ang pintuan sa may side ng passenger seat sa tabi ng driver. May sumilip na isang mid-20's looking guy at sumenyas na sumakay ako. Hala! Napagkamalan pa yata ako na gaya ng ibang students na ang sideline ay "pickup girl" para masuportahan ang pag-aaral.

Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad kahit napapansin ko na sumusunod ang sasakyan. Bakit ba s'ya sunod ng sunod? Hindi ba n'ya naisip na mali ang akala n'ya nang hindi ako sumakay? Lumiko ako sa using madilim na eskenita para iwasan ko sana s'ya. Akala ko ligtas na ako pero mas mapapahamak pa pala ako. Dahil sa pagliko ko may masasalubong akong dalawang kalalakihan na hindi naman lasing pero mapupula ang mga mata.

"Pare! Jackpot! Nakikita mo ba na may papalapit na palay!", sambit ng lalake na balbas sarado at kamukha ng mga rapist sa mga pelikula.

"Miss! Sexy at ang ganda mo naman. Gusto mong makarating sa langit? Bwahahahah!", sabi ng mukhang kalbong lalake na parang takas na preso.

Hindi ako makapagsalita at mskagalaw. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Nagsisimula na akong makaramdam ng hilo. Nagsisimula na rin umikot ang paningin ko.

Nakita ko s'ya na naglalakad papalapit sa akin, ang lalake sa loob ng kotse. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha sapagkat nagsisimulang dumilim ang mga paningin ko. Hanggang sa ako ay nawalan na ng malay.








FIRST IMPRESSIONS....MAY NOT LAST FOREVER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon