Chapter 5

6 1 0
                                    

"Have you heard of the big news?" Tanong ni Alyssa, my bff since high school.

"What about?" Tanong ko pabalik.

Nasa company pantry kami to take our early lunch. Pumuslit lang kami habang ang mga boss naman at nasa conference room for their weekly meeting.

"Ayayay! As usual wala ka na naman alam. Minsan lagyan mo ng malisya 'yan utak mo para kahit once man lang maging tsismosa ka."

"O sige na Manay Lolit Solis. Start dropping the bombs at pasabugin mo na."

"At grabe ha? Tanders na 'yun. Si Krissy pwede pa. Ha! Ha! Ha! (Tawang ginaya kay Kris Aquino.)"

"Sasabihin mo ba o sabihin mo na?"

"Ang taray ng Lola. Heto nga ang ganap. Si Hitler daw babalik na."

"Eh di wow. Pero teka teka muna. Hello! Paano mangyayari 'yun aber? Eh di pa nga yata pinapanganak lolo ko sa talampakan patay na yun? Ano yun nagmumulto lang ang peg?"

"Alam mo friend buti na lang mala-diyosa beauty mo kasi sunga-sunga ka. Aray! Masakit ha?

Hinampas ko kasi sobra manglait ha? Di ko carry.

" Hitler is codename ng anak ng CEO. Babalik na raw para magtake-over kay Fafah."

"Eh ganun talaga. Ala tayong magagawa if gusto ni CEO na magretire na. May karapatan naman na ienjoy n'ya ang remaining precious life n'ya dito sa top of the world."

"The thing is kung ano ang bait ni father opposite daw si son. Buti nga raw di natuloy five years ago kasi iniwan at pinagtaguan ng isang babae kaya may I fly me to Paris ang drama to mend his broken heart."

"So what kung bumalik na sya? May pasalubong ba siya sa atin para pagkaguluhan natin?"

"Si Hitler lang naman ay napakawalang-puso na kahit just a little bit of mistake lang eh nakasigaw agad na YOU ARE FIRED! Ganun. Kaya ingat ka dahil for sure you'll be working with him dahil taga-operations kayo."

"Anak ng palakang pinatuwad ka talaga. Takutin ba ko?"

"Tara na nga balik na tayo at baka hinahanap na tayo."

Sabay kami para pumunta sa elevator.

"Warning lang friend. Pero may Consuelo de bobo naman daw dahil maraming empleyadang gustong maging model ng Mcdo para kantahan siya ng Pa pa ra pa pa love kita. Super hot at papalicious daw."

" Haizzz! Stressful pa rin ha? Paano mo maapreciate ang itsura ng anak ni CEO kung ang ugali ay gaya ng kay Hitler. Eh boss mo na gwapo' t mabait until now di ko pa rin magustuhan. Yun pa kaya na sino man siyang bakulaw na yun."

"Excuse me. I'm in a hurry."

Yun nagsalita sa likod namin ni Lyssa kilala ko yun. At sabay kami gumilid ni bff.

Si elevator man nga. Tumingin muna sa akin na mas nakakunot ang uno. Hala parang gusto akong gawin na giniling na diyosa.

"Sino yun Bessie bat ang sama ng tingin sayo
"

"Haizz! Hwag mo ng pansinin. Dalian na natin."

Hmmm...sino nga ba siya?

FIRST IMPRESSIONS....MAY NOT LAST FOREVER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon