Chapter 12

8 1 0
                                    

Paano nangyari na ang lalakeng laging nakapunit-punit na pantalon at may cap ay siyang bagong CEO. The man who never fails to make her day so bad. Ang laging nakakunot ang noo. Si galunggong este si Bren.

Bigla siyang nahiya at the same time natakot. Paano if ipatanggal siya nito to get even with her? Paano if after ifired s'ya ay ipa-ban siya sa mga company? Paano na sila ni Evance?

"Good evening, everyone. Thanks for that short but very informative background dad. It is such an awesome honor to be entrusted. Don't worry 'coz I will make it boom, more than your expectations. And for those who have been with the company, I know your thoughts. Walang maalis. You will remain with us because of your loyalty and working so hard for us to be always on top."

Sa mga huling salita bigla itong tumingin sa kanya. Tila ba alam nito kung saan talaga siya nakaupo. Mga tingin na may assurance pero parang may banta na I will be watching you.

Palakpalan ang mga tao.

"Enjoy the night." pagkasabi ni Bren ay naglapitan ang mga bisita to congratulate him.

"Naku! Bessie. Napansin ko na tumingin s'ya sa iyo parang nagbabanta" hirit bigla ni Alyssa na pabulong.

"Haizz! Anak ng palakang frozen! Oo nga, eh. Baka gantihan ako sa mga pinaggagawa at mga sinabi ko sa kanya. Lagot ako nito."

"H'wag naman sana. Sabi mo nga ang bait n'ya kay Vance. Siguro naman iisipin niya ang stand n'yong mag-ina dito sa planet earth."

"Can I dance with you?" biglang singit sa usapan nila ni Ez at sabay hawak sa kamay n'ya para dalhin sa gitna.

Naiinis man s'ya sa inasta nito pero gaya ng dati pinalagpas lang n'ya uli. Ang rason n'ya basta ba hindi ito lumalagpas sa boundary line na alam n'ya ay deadma na lang. At wala siyang sinabi not even a single word for him to think na may pag-asa ito.

Nagulat siya ng bigla s'yang hapitin na parang niyayakap na siya. Nagiging territorial si Ez na naman kasi maraming kalalakihan. Naamoy na rin n'ya ang nainom nito na alak. Mukhang nakarami na kasi sumisingaw na sa katawan nito lalo na sa paghinga.

"Sir Ez please po h'wag naman pong ganyan."

"I'm sorry. I am just too enchanted with your beauty and charm." Tila napahiya kaya inaayos ang paghawak sa kanya.

"I have been courting you since the first day I laid down my eyes on you. It's been years but it seems decades. So many women are chasing me and doing everything to catch my attention. I even have stalkers 'coz I know why. Ano pa ang hahanapin mo sa isang lalake. I'm the perfect Adam that was created. And don't worry, I'll protect you from those women na maiinggit sa'yo."

Sa isip-isip ni Peppy "Brrrr!!!! Dapat pala nagdala ako ng fur coat. I'm freezing to death. No daw ang sabi ng mestizong tilapia na 'to? Apo pala 'to ni Narcissus, eh. To the highest level ang pagka-addict sa sarili. Please naman Lord ano bang naging kasalanan ko sa'yo. Tinalo pa nito ang Intensity 10 na lindol at masyadong naalog ang utak ko sa kanyang speech. Gusto kong bumirit na O baliw layuan mo akooohhh ohh ohhh. Tsu-tsu rap! Tsu ra moohhhh! Whooohhh!"

"Ay ganun ba Sir Ez? Kawawa naman pala sila noh? Pagbigyan mo na kaya sila paisa-isa. Di ba po may kasabihan na sharing is caring and giving is loving, therefore I conclude give love not only on Christmas day. Merry Christmas in advance na lang sir mukhang hinahanap na ako ni Tita. Tara na sir!" pasimpleng sabi ko at sabay talikod. Baka kasi 'pag tumagal pa siyang kasayaw ito ay mafrozen s'ya. Tinalo pa nito ang power ni Princess Elsa ng Frozen. Kulang na lang ang music ay Let it go.

Palapit na siya sa table ng may humatak sa kamay niya.

"Anak ng tinolang manok. Hatak girl ang beauty ko now. Sino na naman bang tipaklong ka...." bigla s'yang napipi dahil si Bren pala ito.

"Do you think I will let this night passed by without dancing with you. Touching your 'I have two hands?' Hmmm? It seems you are flirting with Ez?"

Bigla napatingin si Peppy dahil sa mga sinabi nito. Nakakunot na naman ang noo at grabe kung tumitig. Kung si Ez napofrozen siya eto naman may dala yatang heater. Gusto s'yang tunawin at parang bigla siyang pinawisan.

"Aaaaxcuse me? Hindi mo ko kilala para pagsabihan ng ganyan."

"Really then? Kulang na lang maghalikan kayo sa sobrang yakapan. His hands were all over your body and you even allowed it." parang inis na sinabi ito.

Sasagot na sana s'ya ng biglang may magsalita sa likod nila.

"Oh! There you are. I've been looking for you babe." sabi ng isang boses na parang tinortured na engliserang palaka.

"Peppy is that you?" sabi nito nang lumingon siya.

Napuzzled si Peppy at hindi nakapag-react agad.

FIRST IMPRESSIONS....MAY NOT LAST FOREVER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon