Chapter 10

7 1 0
                                    

Kumain kami sa KFC kasi favorite ni Evance ang unli-gravy dito. Ginagawa niyang sabaw. Sa ganoon masaya na siya. At napansin ko mas masaya s'ya now na kasama si Bren. Ang nakakaloka lang deadma ako sa dalawa. I feel like I don't exist at all. First time 'tong ginawa sa kin ng aking son. Kaya kapag napapatingin ang galungong na 'to kundi ko iniirapan ay sinasabihan ko ng "Tse!".

Walang tigil ang questions and answers ng dalawa. Gusto ko ngang tanungin na "Kuya Boy Abunda ikaw ba yan.?." Aba kung makatanong wagas!

"How old are you young man?"

"I'm four Tito and it's my birthday on February 18." sagot ng anak ko habang sarap na sarap sa pagkain ng chicken.

"Are you good in school and behave as well?"

"Yes, Tito. I want mommy to be proud of me. I'm her super hero eh so I have to be good."

"Your daddy must be proud of you."

Biglang natigil sa pagsubo si Evance at sabay na tumingin sa akin. "Mommy said daddy died when I was a baby, eh." Nalungkot siya at ganun din ako.

Biglang kumunot ang noo ni Bren at parang nagtataka na napatingin sa akin. "Ganun ba? I'm sorry to hear about it."

Pareho silang nakatingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na may similarity sila ng mata. Mas innocent lang ang sa anak ko while kay Bren parang palaging galit sa mundo.

At may sinabi pa ang anak ko na ikinapula ng mukha ko.

"Kaya Tito on next month we have a family day. I'm sad 'cause I don't have a daddy with me. Si mommy lang."

"Evance!" saway ko.

"Sorry mommy but it's true." sabay yuko at naluha s'ya.

Parang pinipiga ang puso ko. I never thought na sa age n'ya ay naiisip na pala n'ya yun. I was too busy not to notice it.

"Don't cry baby. You know naman na I'm doing everything for you to be happy?"

Biglang natigil sa pagnguyngoy at sabay sabi, "Mommy naman eh I'm no longer baby." sabay nguso.

Natawa kami ni Bren and I said, "I'm so sorry son. Eat your food na so that we can go back to Tom's World for you to play."

"Yeheyy! Tito will you come with us? Mommy doesn't know how to play kasi. Please?"

Haizzz! Ang anak ko naaddict na kay galunggong este kay Bren.

"Naku son. Nakakahiya na sa kanya. We are taking so much of his time. May lakad pa yata siya."

"No. It's okay. I am just strolling here 'cause I have been away for so long. I want to see the changes, if there is any."

"Awesome! I will beat you Tito." sobrang saya ng anak ko as if nakatanggap ng maagang pamasko.

"Anyway your mommy will pay it all." sabi n'ya habang nakatingin sa akin na nakakaloko.

"Bbbuuttt of course. Nakakahiya naman sayo, da vah? pautal kong sagot. Kumag na to kala ko chairman ng Caritas sa pagiging generous. Yun pala sa time lang pero sa pera kulang na lang sabihin sa akin na "Mag-impok sa bangko." Bwisit!

But in all fairness, worth the price. Grabeng saya ng anak ko. Habang pinapanood ko sila, doon ko narealized na sobrang sabik sya sa isang ama.

Umuwi kami na walang bukang bibig si Evance kundi si Bren. Nag-exchange pa sila ng mobile number to get in touch daw.

Wala akong masabi nang magpaalam sila nang ihatid n'ya kami sa parking lot. Nagbuddy-buddy hug pa nga.

Nagulat ako when he kissed me sa cheek and whispered in a husky voice "Bye. Drive safely, baby."

Hala! Ano daw? Kinilabutan yata ako sa parting words n'ya. Hindi ako nakapag-react.

FIRST IMPRESSIONS....MAY NOT LAST FOREVER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon