Chapter 7

4 1 0
                                    


Since Friday na naman,ngayon ko naisipan mag start sa retrieval operations ko para sa naging progress ng company for past 5 years. Naks! Para lang operasyon tiris pigsa lang eh.

Aba! Hindi gawang biro ang igather mo lahat ng reports in just few days, wherein du tpinatakbo nyo sa 5 years. Si  Wikipedia nga still on going pero ko need to stop. Kumusta nama ako nito pagkatapos. Makilala pa kaya ako ng suklay at salamin?

Come to think of it.  5 years na rin ang lumipas. Parang kailan lang lahat halos nawala sa akin. After graduation, sunga mode lang ang beauty ko. Ni hindi ko nga alam paano magfax, magphotocopy, magset ng meeting at kung anik anik pa. Super bait lang talaga ni Tita that she personally thought me sa lahat. She did it for the purpose na hindi raw maquestion ang creditibility ko especially sa position na hinawakan ko agad.

Haizzz! Grabe di ko namalayan na 9 o'clock ng gabi na pala. May mga papeles kasi needed by Monday morning and sinimulan ko na yun pagsummarize ng documents na ibibigay sa new CEO. Para akong gagaawa ng book nito na may ilang chapters. May outline akong ginawa para organize and long way to go pa.

Hindi ko na kaya. Nag-eespadahan na ang small and big intestines ko. To be continued na lang sa Monday kasi whether I like it or not, hindi ko talaga siya matatapos.

Patayo na ako para ilagay ang mga papeles na kailangan ni Tita sa table n'ya ng may biglang gumalaw sa may dilim malapit sa elevator. Sa gulat at takot ko, nahagis ko ang mga papeles at napasampa ako sa table ko. Nakapencil cut skirt pa naman ako. Narinig kong napunit ito. At ang vocal cords ko na ilang oras na di ko ginagamit ay full force kong nagamit. Eh ikaw ba naman hindi mapasigaw.

Si elevator man lang pala.

"Buwisit ka! Balak mo ba akong patayin sa takot! At tignan mo ang ginawa mo nahagis ko tuloy ang mga papeles. Ano ba ang ginagawa mo dito?'

" I should be the one asking you that. It's already late. You should be at home by no wand taking care of your husband!"

"Hoy! Para malaman mo single pa ako. O see? I have two hands at wala along wedding ring. At ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito naglalaro lang? Inggit ka? Kakaloka ka ha? Tinalo mo pa si Lola ni Dora."

"You watch your mouth lady."

"Nanakot ka pa? Ikaw itong may atraso sa akin."

Tinalikuran ko na s'ya para pulutin ang mga papeles. Iniiwasan kong matapakan ang mga papeles dahil ayokong magusot. At dahil may pagka-clumsy ako, naout of balance ako. Pumikit na lang ako and waiting na bumagsak sa sahig ang katawan ko.


FIRST IMPRESSIONS....MAY NOT LAST FOREVER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon