I. ANG BABAE SA PANAGINIP
Maaga pa lang ng nagising si James. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at sabay na nag-unat ito ng kanyang katawan habang nakahiga, tila ayaw pa nitong gumising. Nilingon niya ang orasan na nakalagay sa kanyang study table.
“Maaga pa pala. Kahit mga 30 minutes pa.”
Pagka-banggit niya ng mga salitang ito ay sabay ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata at muling natulog. Himbing na himbing siya sa kanyang pagtulog ng siya ay managinip. Ang panaginip na ito ang kanyang madalas na napapanaginipan. Mayroon siyang kasamang babae. Mababa lamang ng kaunti sa kanya at hanggang balikat ang haba ng kanyang buhok. Maganda ang tinig nito. Mahinhin siya kung magsalita. Masaya silang dalawa na tila bang wala ng kinabukasan pa. Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Nakahawak si James sa baywang nito at ganon din naman ang babae na nakayapos ng mahigpit sa kanya. Dahan-dahan silang sumasayaw sa awit ng kanilang puso. Hindi maalis ang pagtitinginan ng dalawa. Maya’t maya pa ay unti-unting may kinuha ang babae sa kanyang bulsa.
“James, gusto ko na lagi mo itong isusuot.”
Dahan-dahang isusuot ito ng babae sa leeg ni James. Magandang klase ang kwintas na ibinigay sa kanya. Kakaiba ito. Hugis bilog ito na may butas sa gitna. May konting mga bato at bluish-silver ang kulay nito.
“Iingatan mo yan ah. Ito kasi ang simbolo ng pagmamahal ko sayo.”
Sa labis na kasayahang nadarama ay hindi nakapag-salita si James. Mababakas sa kanyang mukha na mahal na mahal din niya ang babae. Pilit na inaaninag ni James ang mukha ng babae. Subalit masyadong maliwanag kaya’t di niya magawang mamukhaan ang babae.
“James, alam mo…”
Biglang mapuputol ang kanilang pag-uusap dahil bigla nalang magigising si James. Maririnig niya ang pag-katok ng kanyang ina sa pintuan at tinatawag siya.
“James? James anak gising na. Bangon ka na diyan at tanghali na”
wika niya.
“Yes Ma, bababa na rin ako, sandali lang.”
sagot ni James kay Celia.
“Bilisan mo diyan at tutulungan mo pa ako mag-impake ng mga gamit natin.”
Babangon si James sa kanyang kama at uupo ito. Mapapatingin siya sa orasan.
“11:30 na pala.” Mapapangiti siya ng bahagya. “3 oras din pala akong nakatulog ulit.”
Matitigilan si James sandal at mapapaisip.
“Siya nanaman? Lagi ko nalang siyang napapana-ginipan. Sino kaya siya? Weird…”
Sabi ni James sa sarili nito. Pagkatapos ay kumilos na rin siya. Inayos niya muna ang kanyang hinigaan at tiniklop ang kumot. Nang maayos na ang lahat ay bumaba na ito, dumiretso sa C.R. para mag hilamos at magsipilyo. Pagkatapos niya ay tumuloy na ito sa kusina. Madadatnan niyang nag-hahain na si Celia ng pagkain nila.
“Good morning Ma…”
Masayang bati nito sa kanyang ina na may kasama pang matamis na ngiti.
“Anong good morning? Anak tanghali na.”
Mangingiti na lang si James. Lalapit it okay Celia at yayakap.
“Sorry Ma. Napuyat kasi ako eh.”
Malambing na bulong nito sa kanyang ina.
“Hay naku, ikaw talaga. O sige na, maupo ka na diyan para makakain na tayo. Parang mas mabuti nga ito para matipid.” Sagot ni Celia sa kanya.
Titingin si James sa ina na nakakunot ang noo.
“Paano naman nakatipid Ma?” usisa niya.
“Para pagka-gising mo, tanghalian na agad. Wala ng almusal.”
Pabirong sagot nito sa anak. Matatawa ng bahagya si James sa kanyang narinig.
“Ganon Ma? Ayaw mo na siguro akong pakainin noh? Sawa ka na.”
Pagka-kuha ng tubig sa ref ay umupo na ito. Mangingiti si Celia sa reaksyon ng kanyang anak. Parang isang batang paslit na hindi napag-bigyan sa gusto nito. Dala-dala ang kanin at ilalapag na ito sa mesa.
“Anak, biro lang. Ikaw pa, eh alam mo naman na mahal na mahal ka ni mama.”
Seryosong sagot nito kay James. Titingin si James sa ina at ngingiti ito.
“Alam ko. Sabi ko na nga ba eh. Hindi mo rin ako matitiis Ma.”
Matatawa na lamang ang dalawa.
“Ikaw talaga. Sige na nga at kumain na tayo.”
Si James ay isang tipikal na college student. Gwapo, matalino, mabait at magaling mag pinta. Hilig niya ito na namana sa kanyang ama. Sa kabila ng magaling na pagpipinta ay Mass Communication ang kinukuha nitong kurso sa isang pribadong eskwelahan. Ganito kalapit ang relasyon nilang mag-ina. Para lang silang magbarkada. May ilang taon na ding namatay ang kanyang ama. Kaya mula noon ay si Celia na ang tumayong ama’t ina sa kanya. Mag-iimpake sila ng mga kagamitan nila ngayon dahil kinabukasan ay lilipat na sila sa bago nilang bahay. Mabait na anak at kaibigan si James. Mayroon siyang matalik na kaibigan, si Dennis. Kasalukuyan namang nagbabakasyon ito sa America. Bata pa lang ay mag-kaibigan na ang dalawa. Si James, ni minsan ay hindi pa nagkaroon ng girlfriend. Ayaw pa niya dahil may hinahanap siya. Ang babaeng laging laman ng kanyang panaginip, yun ang hinihintay niya. Nararamdaman niya sa sarili na siya ang babaeng makakasama niya habang buhay. Gabi na ng matapos ang mag ina sa kanilang pag-iimpake. Maaga pa silang gigising kinabukasan. Bago matulog ay nasa isip pa din ni James ang babae sa kanyang panaginip. Lagi siyang napapaisip kung sino ito. Noon pa man ay madalas na niya itong mapanaginipan. Malalim na ang gabi ng siya ay makatulog.