XIII: ANG MULING PAGLUHA.

53 0 0
                                    

Ilang araw din siyang hindi nagpunta kila Faye matapos ang gabing iyon. Ayaw kasi nito na makagulo pa sa kanila. Kung masaya na si Faye ngayon, masaya na ito para sa kanya. Subalit sadyang hindi niya maitatago ang tunay na nararamdaman kay Faye. Labis pa din siyang nalulungkot at nasasaktan. Dito siya natutong uminom na dati’y hindi naman niya ginagawa. Tinawagan niya si Dennis sa cellphone nito.

            “Denz, pare, nandito ako ngayon sa Quatro. Puntahan mo naman ako dito. Wala akong kasama uminom eh. Damayan mo naman ako.” sabi nito sa kaibigan na tila bang lasing na.

            “Pare, okay ka lang? Mukhang nakarami ka na ah.” tanong ni Dennis.

            “Sige na Denz, punta ka na dito. Hihintayin kita.”

            “Pare, sorry, hindi kita mapupuntahan diyan ngayon, kasama ko si Aileen at ang parents niya. Mamaya pa siguro ako makakasunod diyan.” sagot ni Dennis.

            “Ganon ba pare, sige ok lang.”

Hindi pa man tapos mag-usap ay ibinaba na ni James ang phone at nagpatuloy ito sa pag-inom. Saktong tumawag naman si Miggy kay Dennis. Hinahanap nito si James.

            “Hello? Dude, kasama mo ba ngayon si James?” tanong ni Miggy.

            “Hindi, bakit?”

            “May sasabihin lang kasi ako sa kanya.” Sagot ni Miggy.

            “Alam mo ba yung Quatro? Dun sa timog?” tanong ni Dennis.

            “Oo, alam ko yun. Bakit? Nandoon ba siya ngayon?”

            “Oo dude, mag-isa lang siya ngayon dun, tinawagan nga ako para sumunod eh kaso hindi ako pwede. Favor, puntahan mo nalang siya doon. Mukha kasing marami na siyang nainom.” Pakiusap ni Dennis.

            “Okay dude. Kailangan ko din naman siyang makausap eh.”

Pagdating ni Miggy sa Quatro ay nakita niyang nag-iisa sa table si James. Nilapitan niya ito.

            “Dude, kanina pa kita hinahanap eh. Buti nalang at sinabi ni Dennis na nandito ka daw.” sabi ni Miggy kay James.

            “Oh pare, ikaw pala. Halika, inom tayo. Upo ka dito.”

            “Nakaka-limang bote ka na pala. Kanina ka pa ba dito?” tanong ni Miggy.

            “Hindi naman.” Matipid na sagot ni James.

Tahimik silang pareho. May ilang minuto din na hindi sila nagsalita. Maya maya pa ay nauna ng magsalita si Miggy.

            “James, may sasabihin pala ako sa’yo.”

Hindi na pinatapos ni James na magsalita pa si Miggy ay sumagot na ito.

            “Alam ko na pare, kahit hindi mo na sabihin sa akin.” sagot ni James.

Sa narinig ni Miggy ay nagtaka ito kung anong ibig sabihin ni James sa sinabi niya. Magpapatuloy magsalita si James pero sa mahinahon at malungkot na tinig.

            “Masaya naman ako para sa inyo ni Faye. Alam mo, maswerte ka sa kanya. Kaya, huwag mo siyang sasaktan ah.” sabi niya kay Miggy.

Hindi magsasalita si Miggy dahil patuloy lang itong makikinig sa mga sasabihin ni James.

            “Pare, bibigyan kita ng tip. Mababaw lang ang kaligayahan ni Faye. Dati, hindi siya ngumingiti, pero kulitin mo lang iyon, okay na. Tapos minsan, kapag wala kayong magawa, mag-paint kayo. Gustong gusto niya iyon. Kapag umaga naman, prutas ang lagi nong kinakain. Kaya kapag pupunta ka sa kanila, lagi kang magdala ng prutas. Kahit ano, pwede na.” kwento ni James.

Pagkatapos magsalita ay kukunin niya ang beer at saka ito iinumin. Pagtapos naman uminom ay magpapatuloy ito sa kanyang pag-kukwento.

            “Kung minsan naman, wala siya sa mood. Hayaan mo lang, wag mo nalang muna kulitin. Ganon talaga yun. May pagka-weird din minsan.” Bahagyang matatawa si James.

            “Hay, nakakatuwa talaga yung babaeng iyon. Kapag napatawa mo siya, bibilangin niya iyon. Bibigyan ka niya ng mga points. Tapos may reward ka sa kanya. Kaya dapat iniipon mo iyon. Misan kasi madaya siya. Hindi ko nga nakuha yung reward ko eh. Pero higit sa lahat, dapat matuto kang gumawa ng mini garden. Madali lang naman iyon. May mga mabibilhan ka naman ng mga butterflies eh. Kapag wala ka kasi sa tabi niya, ang mini garden lang ang nakakapag-pangiti sa kanya. Sobrang gustong gusto niya iyon.” payo ni James.

Habang ikinukwento niya ito ay bakas na bakas sa mukha niya ang labis na kalungkutan. Nakikita ni Miggy na mamasa-masa na ang mga mata nito.

            “Bago ko pala makalimutan, mahilig din siya magpapintura sa mukha niya, lalo na kung maganda yung gagawin mo sa kanya. Ikaw din, magpa-paint ka din. Pero huwag kang magagalit kung gagawin ka niyang clown. May ibig sabihin iyon. Malalaman mo din kung ano iyon. Huwag mo siya pababayaan pare. Siguro naman, alam mong bawal siyang mapagod ng husto.”

Ang pinaka huli sa lahat ay ang pinaka importante. Ayaw na sanang sabihin ni James ito kay Miggy, pero, para kay Faye, napilitan na din niyang sabihin.

            “Alam mo ba yung puno sa tabi ng bahay namin? Importante kay Faye iyon. Hindi niya alam araw-araw kong dinidiligan iyon. Nung una, hindi ako naniniwala, pero habang tumatagal, natatakot ako. Natatakot akong maubusan ng dahon ang puno at tuluyan itong mamatay. Malalaman mo din kung bakit. Kaya sa tuwing pupunta ka sa kanila, tingnan tingnan mo din yung puno. Diligan mo na rin kung gusto mo.”

Pagkatapos magsalita ay kumuha na ito ng pera sas wallet niya at saka inilagay sa mesa at umalis. Iniwan niya si Miggy. Paglabas niya ay saka lamang bumagsak ang kanyang mga luha. Bukod sa pagkamatay ng ama niya ay hindi na ito muling umiyak pa. Sa tinagal tagal na panahon ay ngayon lang ito naulit. Pagdating niya sa kanila ay dumiretso na ito sa kanyang kwarto.

The Last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon