XVI: ANG HULING YUGTO.

83 0 0
                                    

Pagka-raan ng ilang araw ay tuluyan ng gumaling si Faye. Nagpatuloy na sila sa kani-kanilang buhay. Nang maka-graduate si James sa college ay hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon. Nag-propose na din siya kay Faye. Hindi naman kamahalan ang binili niyang sing-sing dahil wala pa naman siyang trabaho. Galing lang ito sa naipon niyang pera. Tinanggap naman ni Faye ang proposal ni James. Nang may sapat ng pera ay nagpakasal na ang dalawa. Kasabay ng pag-papakasal nila ay ang pag-usbong ng mga baong dahon sa puno. Unti-unting lumalago ang mga dahon nito. Tila bang nakikisama rin sa pag-usbong at pagyabong ng pagmamahalan nila. Pinili nalang ni James na doon tumira sa bahay nila kasama ang kanyang ina. Ayaw na rin nilang lumayo pa. Kung minsan naman ay doon sila sa bahay nila Faye. Gumawa ng bench si James at ipinuwesto ito sa ilalim ng puno. Dito sila laging nauupo kapag umaga at kapag hapon na. Nagkaroon sila ng tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Naging masaya ang pagsasama nilang dalawa. Habang lumilipas ang panahon ay tumatanda na rin sila. Kasabay ng pagtanda nila ay ang pagtanda rin ng puno. Unti-unti nanamang nalalagas ang mga dahon nito hanggang sa dumating ang oras na iisa nalang ulit ang dahon. Ito ay ang dahon na ikinabit niya noon ng sinulid.

            Labis na din ang katandaan nila kaya hirap na din silang mag-lakad. Kaya naman nag-papatulong pa sila sa mga apo nila kapag gusto nilang maupo sa paborito nilang upuan. Isang araw, magkasama ang mag-asawang nakaupo sa upuan sa ilalim ng puno. Masaya nilang binalikan ang nakaraan. Kung papano sila unang nagkakilala at kung papano nagsimula ang pag-iibigan nila.

            Nakasandal ang ulo ni Faye sa kaliwang balikat ni Jame habang hawak hawak ang isang picture frame. Ito ang litratong kinunan noon Teresa habang ginagawa nila ang mini garden. Makikitang may paint ang mga mukha nila at ang mini garden sa tabi nila at kita din sa background ng pinture ang puno. Ito ang pinaka paborito nilang picture sa lahat. Inilagay ni Faye ang frame sa kandungan niya at saka humawak sa kamay ni James. Ang araw na iyon sa lahat ang kakaiba. May maririnig kang mga humuhuning ibon at ang mga halaman sa paligid ay tila sumasayaw sa ihip ng hangin. Kakaiba ang simoy ng hangin ng mga oras na iyon. Masaya nilang pinagmamasdan ang langit. Makikita sa mga mata nila na sa tinagal-tagal ng panahon ng pinag-samahan nila ay walang bahid ng pagsisisi at panghihinayang. Sa tinagal na din ng panahon na nakatali ang natitirang dahon ay naging marupok na ang sinulid nito. Unti-unti na din itong natatanggal sa pagkakatali niya. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay tuluyan na itong nahiwalay sa puno. Dahan-dahang bumabagsak ito patungo sa kanila. Kasabay ng pag-lapag nito sa kandungan ni James ay ang pag-pikit ng kanilang mga mata. Sa mga oras na iyon ay ultimong ang mga ibon ay tumigil sa paghuni at tila ba naghari ang katahimikan sa buong paligid. Iyon na ang kahuli-hulihang pag-upo nila sa upuan sa ilalim ng puno at ang kahuli-hulihang beses na masisilayan nila ang ganda ng langit.

The Last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon