V. ANO BA ANG DAPAT GAWIN?

98 1 0
                                    

Kinabukasan, pagka-gising palang ay agad na nitong ibinalita sa kanyang ina ang nangyari.

            “Morning Ma.” masayang bati nito kay Celia.

            “Aba, parang masaya ka ata ngayon ah. Anong meron?” tanong ni Celia.

            “Oo Ma, masaya talaga ako ngayon. Alam mo ba kung bakit? Dahil officially, kami na ni Neissie. Girlfriend ko na siya.” pagyayabang ni James.

            “Kaya naman pala hindi maalis ang mga ngiti mo sa mukha. Ano pala nangyari? Akala ko ba..”

Hindi pa man tapos magsalita ay sumingit na si James.

            “Ma, noong una yon. Alam ko na ngayon. Siya ang matagal ko ng hinihintay.”

Pero saglit siyang mananahimik. Mapapaisip siyang muli.

            “Pero bakit ganon? Para talagang may kulang Ma. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan.” naguguluhang sabi nito sa ina.

            “Akala ko ba ok na? Sabi mo siya na? Pero bakit parang nagdududa ka ngayon?” tanong ni Celia sa anak.

            “Hindi naman sa ganon Ma. In fact, kung ano yung mga sinasabi ng babae sa panaginip ko, ganon din ang mga sinabi ni Neissie.”

            “Eh yun naman pala, ano pa ba ang problema dun?” tanong niyang muli.

            “Para kasing may kulang talaga.” pilit ni James

            “Nagtataka lang ako, dahil sa panaginip ko, laging may pahabol na sinasabi yung babae. Pero lagi naman napuputol.” paliwanag niyang muli.

            “Ikaw talaga. Hindi naman ibig sabihin eh kung ano ang nasa panaginip mo, eksaktong ganon pa din. Minsan nag-iiba, minsan pa nga kabaliktaran ang nangyayari.” paliwanag ni Celia sa anak.

            “Siguro nga tama ka Ma. Masyado lang siguro akong nag expect.”

            “Kaya tama na yang pag-iisip mo. Unfair naman yan kay Neissie.”

Paalala ni Celia sa anak. Hindi pa sila tapos mag-usap ay lalabas na si James. Pupuntahan nanaman niya si Faye. .

            “O, saan ka pupunta?” pahabol na tanong ni Celia.

            Dito lang Ma, sa tapat, kila Faye.”

            “Nak, wag ka masyado magtagal diyan at nakakahiya naman. Kakakilala mo palang sa kanila.”

            “Ok Ma.”

Paglabas pa lang ng gate ay nagmadali na itong pumunta kina Faye.

            “Tao po…” sabi ni James habang naka-dungaw sa gate.

Nang marinig ni Teresa ay agad itong pumunta sa pinto para tingnan kung sino ang tao sa labas. Pagka-kita kay James ay pumunta na siya sa gate para pagbuksan ito.

            “O iho, ikaw pala. Halika ka sa loob.” Aya ni Teresa.

            “Good morning po Tita. Istorbo po ba ko?” tanong ni James.

            “Naku, hindi naman, mabuti nga at nandito ka ulit para naman may maka-usap si Faye.”

            “Saan po ba siya Tita?”

The Last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon