Ilang araw din siyang hindi pumunta kina Faye. Lagi lang niya itong inaabangan na dumungaw sa bintana at saka niya ito ngini-ngitian. Kung anu-ano na ang mga pagpapa-cute na ginagawa niya para lang mapansin nito. Hanggang isang araw, papunta si Faye sa garden, nagulat na lang siya dahil may isang malaking regalo na nakapatong sa mesa. Nang makalapit na ay hindi nagdalawang-isip na buksan ito. Laking gulat nito ng makita niya ang isang aquarium na tila isang mini-garden. Maraming mga bulaklak ito, maganda ang pagkaka-ayos. Iba’t iba ang mga kulay kaya magandang pagmasdan ito. Ang lalong nakapag-paganda dito ay ang tatlong paru-paro na makukulay rin sa loob nito. Mayroon lang takip na screen sa ibabaw para hindi makawala ang mga ito. Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na kasiyahan sa regalong natanggap. Gustong-gusto niya ito. Ni hindi maalis ang kanyang mga tingin sa mini-garden. Hindi na rin niya namalayan na tinatawag na siya ng kanyang ina. Dahan-dahang nilapitan ni Teresa si Faye. Mapapansin niyang may kakaiba sa mga mata ng kanyang anak. Nang makarating na sa tabi ng anak ay mapapatingin si Faye sa kanya.
“Mommy, tingnan mo. Ang ganda niya.” sabi ni Faye sa ina.
“Oo nga iha, maganda nga siya.” sang-ayon naman ni Teresa.
“Ngayon lang ako naka-tanggap ng ganito. Sobrang nagustuhan ko talaga. Thanks mommy.” Sabi ni Faye.
“Thank you? Bakit ka nagte-thank you sa akin?” tanong niya sa anak.
“Thank you dito sa gift mo.” Sagot ni Faye kay Teresa.
Mangingiti si Teresa habang sinasabing,
“Faye, hindi sa akin galing yan.”
“Eh kanino po galing?” usisa niya.
“Galing kay James yan. Nung minsang ako naman ang dumalaw sa kanila, nakita kong ginagawa niya yan. Nahirapan pa siyang maghanap kung saan makakabili ng mga butterflies. Tinanong ko nga kung para saan yan, ang sabi lang niya sa akin, para daw sa taong gusto niyang pasayahin. Hindi ko naman naisip na ikaw yon.” Kwento ng kanyang ina.
Sa narinig ay mababakas sa kanyang mukha ang labis na pagka-hiya kay James. Hindi alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Natahimik lang ito. Ilang sandali pa ay umakyat na ito sa kanyang kwarto habang dala-dala ang mini-garden. Nang araw ding iyon ay hindi nagpunta si James kila Faye. Nagdadalawang-isip siyang pumunta sa kanila dahil ang nasa isip niya ay baka hindi ito nagustuhan ni Faye. Dito rin niya naisip na baka talagang ayaw ni Faye makipag-kaibigan kahit kanino.
Pagka-gising niya kinabukasan ay hindi sinasadyang napatingin ito sa kanyang bintana. Pagdungaw niya ay napa-ngiti siya. Para bang nakakita ng isang anghel. Nakita niya ang isang malaking note na naka-dikit sa bintana ni Faye. “James, thank you.” Maganda ang pagkaka-sulat dito. Ang labis na nakakuha ng atensyon niya ay ang butterfly na naka-paint dito. Sa sandaling iyon ay alam na niyang nagustuhan ni Faye ang regalo niya dito. Naramdaman niya na iyon na ang simula ng kanilang pagka-kaibigan. Pumasok siya sa school ng masaya. Ikinuwento niya agad it okay Dennis. Alam din kasi ni Dennis ang tungkol kay Faye.
“Dude, baka naman iba na ang tingin mo diyan sa Faye na yan ah.” biro ni Dennis sa kanya.
“Ano ka ba Denz? Hindi ko naman ipag-papalit si Neissie. At alam ko naman na alam mo kung bakit. Isa pa, mahal ko siya.” pagtatanggol ni James sa sarili.
Mapapangiti na lamang si Dennis sa mga narinig nito.
“At ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?” tanong ni James.
“Wala naman, naalala ko lang noon na ayaw mo pang magkaroon ng girlfriend. Tapos ngayon, walang sinabi si Romeo sayo.” Dagdag pa niya.
Hahawakan ni James ang kwintas na nakasabit sa leeg nito at saka namang ipag-yayabang niya sa kaibigan.
“Nakikita mo ba ito Denz?” tanong ni James habang nakangiti pa.
“Ito yung kwintas sa panaginip ko.”
“Oo na pare, alam ko na yan. Hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin sa akin.”
“Ikaw kasi pare, si Faye, kaibigan lang tingin ko sa kanya. Naaawa lang din kasi ako dahil walang ibang friend yon.” Paliwanag ni James.
“O nga pala, ano na nangyari sa date niyo ni Aileen? Naibigay mo na ba sa kanya?” tanong ni James sa kaibigan.
“Ok naman. Kumain kami sa labas tapos binilhan ko siya ng 1 dozen na red roses tapos yung necklace. Alam mo, aminin ko, marami talaga akong nakikitang mas higit pa kay Aileen, mas maganda, mas sexy, basta, better than her. Pero ewan ko ba, hindi ko magawang iwanan siya.”
“Playboy ka talaga.” Biro ni James kay Dennis.
“Oo na, playboy na nga. Pero tinamaan talaga ako sa kanya. Kahit na tumingin ako sa iba, siya pa rin ang nasa isip ko. Saka, iba si Aileen.” Paliwanag ni Dennis.
Matapos marinig ni James ang mga sinabi ni Dennis ay matatawa ito at magbibiro pa.
“Wow pare! Kung daig ko si Romeo, mas daig mo kaming dalawa.” Sabay tawa si James sa kaibigan.
“Eh pareho lang naman tayo eh. Para saan pa at naging mag bestfriend tayo.”
Sagot ni Dennis sa kanya. Ganito kung magbiruan silang dalawa. Kung minsan, puro kulitan, minsan naman seryoso silang dalawa. Ilang araw na din na laging magkasama sina James at Faye mula ng magkasundo sila. Parang si James ang lumalabas na bestfriend ni Faye. Laging nandiyan si James para sa kanya. Kung minsan pa nga’y kung anu-anong mga surpresa ang ibinibigay ni James sa kanya mapanatili lang ang kanyang ngiti at kislap ng mga mata. Ganito sila naging malapit na dalawa. Maituturing na rin niyang bestfriend si Faye bukod kay Dennis.