III. ANG UNANG PAGKIKITA

102 1 0
                                    

Alas-diyes na ng umaga ng magising si James. Napasarap ang tulog niya. Pagkababang-pagkababa pa lang ay ibinalita na agad nito sa kanyang ina na kasalukuyang nanunuod ng tv dumating na si Dennis.

            “Good morning Ma. Tumawag sa akin kagabi si Denz, dumating na pala siya.”

            “Talaga? Pupunta daw ba siya dito ngayon?” usisa ni Celia.

            “Oo. Mamayang hapon. Ano nga pala ang address natin dito Ma? Itetext ko kasi sa kanya.”

            “May lumang electric bill diyan sa ibabaw ng ref, tingnan mo nalang.”

Matapos itext kay Dennis ang address nila ay saka ito nagpaalam sa mama niya na aalis sila mamaya pag dating ng kaibigan nito.

            “Ma, may lakad pala kami ni Denz mamaya. Gigimik kami.” paalam nito sa ina.

            “Anong oras ba kayo aalis mamaya at saan naman ang punta niyo?

            “Hindi ko pa alam eh. Si Dennis na bahala dun. Alam mo naman iyon.”

            “O basta, wag kayo masyado magpapagabi ah.. este, magpapa-madaling araw pala.” pabirong sabi ni Celia kay James.

            “Ma naman.” hirit ni James.

Tatawa si Celia at pabirong sabi,

            “Joke lang ‘nak.”

Mapapatingin si James sa pintuan nila at bahagyang lalabas ito. Mapapatingin din siya sa bahay sa tapat nila.

            “Ma, wala bang nakatira sa tapat natin? Kahapon ko pa kasi napansin na walang tao diyan pag dating natin.” usisa nito sa kanyang ina.

Bago sumagot sa tanong ng anak ay lumapit muna it okay James na nakatayo sa may tabi ng pintuan.

            “Ang alam ko, may nakatira diyan. Nung araw kasi na tiningnan koi tong bahay, binati pa ako ng nakatira diyan. Baka naman nag-bakasyon lang.”

Paliwanag ng kanyang ina.

            “Siguro nga.” sang-ayon ni James.

            “Teka, bakit mo naman tinatanong?” usisa ni Celia.

            “Wala lang. Naitanong ko lang naman. Baka sakaling may maging kabarkada kami sa mga nakatira sa tapat eh.”

            “Hay naku James, manghahawa ka pa ng mga kalokohan mo.” sabi ni Celia.

            “Ma naman, good boy ata itong anak mo..” pangiting sagot nito sa ina.

            “Sus! Tigilan mo ako James. Kilalang kilala kita.”

Sabay kurot sa balikat ng anak. Paakyat na si Celia sa kanyang kwarto ng may maalala ito. Hihinto siya sa kalagitnaan ng hagdanan.

            “Nga pala ‘nak, monday na bukas, may pasok ka na di ba? Baka hindi ka makapasok niyan dahil puyat ka sigurado.” paalala nito sa anak.

            “Ma, 1pm pa ang pasok ko bukas kaya ok lang mapuyat.”

Pilyong sagot ni James sa kanyang ina habang nakangiti pa.

            “Hala. Ikaw ang bahala. Siguraduhin mo lang na papasok ka ha?” bilin ni Celia.

            “Yes Ma. Thank you.”

The Last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon