Kinabukasan, pagka-gising niya ay tinawagan niya si Dennis. Pinapupunta niya ito sa bahay nila. Walang sabi sabi ay agad din namang pumunta si Dennis kila James. Pag dating ni Dennis ay kinausap na siya agad ni James tungkol sa problema niya.
“Denz, ikaw ba, naranasan mo na ma-inlove sa dalawa?” tanong ni James.
“Oo naman pare. Hindi nga lang sa dalawa eh.” yabang ni Dennis sa kaibigan.
“Pare naman, seryoso ako.”
Matatawa si Dennis sa reaksyon ng kaibigan.
“Ano ka ba James? Para namang hindi mo ako kilala. Oo nga, na-inlove na ako sa dalawa babae. Naaalala mo ba? Pero, ayoko ng malagay ulit sa parehong scenario. Ang hirap eh. Hindi talaga maiiwasan na walang masaktan.” paliwanag ni Dennis.
“Oo nga eh. Nahihirapan na din ako ngayon.”
“Yan ang sinasabi ko sayo dati pa eh. Ano ngayon?” sumbat ni Dennis.
“Ano pa ba kasi ang hinahanap mo? Di ba sabi mo, si Neissie ang matagal mo ng inaantay? Eh bakit ngayon naguguluhan ka?” tanong ni Dennis.
“Kaya nga, pero lately kasi naramdaman ko na mahal ko na din si Faye. Hindi ko alam kung saan nanggaling, kung paano at kalian.” sagot naman ni James.
“So, ano na ang plan mo ngayon?”
“Ewan ko, basta, bahala na.” sagot ni James habang nakatingin sa kwintas.
Maya maya pa ay biglang dumating si Neissie sa bahay nila. Ni hindi ito tumawag o nagpasabi man lang na pupunta siya. Pinuntahan ni Celia si James sa kwarto para ipaalam na dumating si Neissie.
“James, nasa baba si Neissie.”
“Ha? Hindi naman niya nasabi na pupunta siya ah.” gulat na reaksyon ni James.
“Mabuti pa, mag-usap kayong dalawa. Ayusin niyo yan.” payo ng ina.
“Oo nga pare, ayusin mo na yang problema mo. Tita, iba na kasi talaga pag chikboy.” biro ni Dennis.
“Chikboy ka jan.” tanggi ni James.
“Sus, pareho lang kayong dalawa.”
Magkasabay na bumaba si James at Dennis, si Celia naman ay dumiretso sa kwarto niya. Pagkababa pa lang ay nagpaalam na si Dennis na aalis na siya. Inihatid siya ni James sa gate nila.
“Pare, una na ako. Kaya mo yan. Alam ko naman kung sino ang pipiliin mo eh.”
“Sige Denz, salamat.”
Pagka-alis ni Dennis ay pumasok na sa loob si James. Nakaupo si Neissie sa sofa. Umupo naman si James sa katapat nitong sofa. Tahimik ang dalawa. Tila hindi alam kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa. Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita si James.
“Hindi ka nagpasabi na pupunta ka pala dito ngayon.” wika ni James.
“Why? Masama na bang pumunta dito ng hindi mo alam?” pabalang na sagot ni Neissie kay James.
“Hindi naman. Para lang sana nasundo kita.” paliwanag niya.
“Oh, eh bakit nandito ka lang ngayon sa bahay niyo? Hindi ka ba pupunta kila Faye?” sarcastic na sabi ni Neissie.