My Heart

70 0 2
                                    

“Bestfriends forever”, ika nga. Ganyan kami ni Raymond. Simula pagkabata, itinuturing ko na siyang kabilang na rin sa aking pamilya.

Magka-edad lang kaming dalawa. Katulad ko rin siya sa ibang mga bagay-bagay. Simple lang din siyang nakikisama. Simpleng kumilos. Simpleng makihalubilo sa iba. Ganun na ganun siya, kahit na, nanggagaling siya sa isang marangyang pamilya. Paano ba naman kasi, parehong nanay at tatay niya ang nagtatrabaho sa ibang bansa, at nagkataong siya ay isang sikat na personalidad sa telebisyon.

Nagbago ang lahat, nang bisitahin din niya ang mga magulang niya sa abroad. Matagal na rin siya naroon. Hanggang ngayon, wala pa rin siya. Tuloy, hindi na ako palalabas ng bahay.

Pero, alam niyo ba? May bagong lipat ata dito sa aming lugar. Isang pamilya rin. May isa silang anak na babae. Ang ganda niya. Wow na wow talaga!

Ayaw ko nang patagalin pa itong napipinto kong nararamdaman para sa kaniya. Samahan niyo sana ako sa kabantang ito. Siyempre, hindi ko kaya ito kapag wala kayo. :)

P.S. Tulungan niyo na rin akong alamin ang pangalan niya, ha? Huwag niyo akong indyanin. :)

My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon