Chapter 2:3 Sa Gabing Madilim - Gimik-Gimik Din, 'Pag May Time! Part II

35 0 0
                                    

“Chris! Chris! Nandito na tayo!”

As usual, nakatulog na naman ako. Tiningnan ko ang relo ko at hatinggabi na pala. First time ko lang lumabas ng bahay nang ganitong oras.

“Chris! Tara na! Naghihintay na sila sa loob!”

Lumabas na ako ng kotse at sinamahan ko na siya. Pagkapasok naming, ayon, ang ingay, ang dilim, technicolored ang paligid. Maraming mga tao, lalake at babae. Nang dumaan nga kami sa gitna ng mga taong sumasayaw, pinagtitinginan nila ako.

“NGAYON LANG ATA SILA NAKAKITA NG POGI, AH”, ang sabi ko kay Shem.

(Naka-capslock iyan kasi ang ingay talaga sa loob. Hindi nga ako sanay, eh.)

“EH PAANO NAMAN KASI, IKAW LANG ATA ANG NAKASALAMIN DITO”, ang sabi niya naman sa akin.

“HINDI KO NAMAN ITO PWEDENG TANGGALIN. ITO ANG EAGLE EYES KO, EH.”

“SIGE, HUWAG MO NANG HUBARIN IYAN. HANAPIN NA NATIN SILA.”

Nagmistulang maze ang paligid. Suyo kung suyo, singit kung singit. Pagkaraan ng ilang mga minuto, may nilapitan na siyang isang grupo ng mga babae sa may gilid.

“UY! KAMUSTA NA?! NASAAN SI RAYMOND? BAKIT HINDI MO KASAMA?” tanong sa kanya ng isang babae.

“MAY ALBUM LAUNCH SIYA NGAYON SA MINDORO. MAY DADALUHAN DIN SIYANG RAP BATTLE. HINDI PA CLARIFIED KUNG SAAN”, ang sagot ni Shem.

Tumingin sa akin ang isa sa kanila. Bata pa ang itsura niya. Naisip ko na masyado siyang bata sa ganitong lugar.

“NGA PALA, SI CHRIS. BEST FRIEND SIYA NI RAYMOND. KASAMA KO SIYA DAHIL BILIN NI RAYMOND NA BANTAYAN NIYA AKO”, ipinakilala niya ako sa kanila.

Sabay nagbulungan ang mga babae. Mukha atang pinagtsitsismisan nila ako. Pagkatapos nun, nagpakilala sila isa’t isa.

“I’M CHONA. ITO NGA PALA SI CLOIE, KAPATID KO”, pakilala nila.

“I’M HARRIET. NICE TO MEET YOU, CHRIS”, pakilala naman niya sa akin, na halos matunaw na ako sa ikinatatayuan ko dahil sa malagkit niyang titig sa akin.

“UY! MATUNAW IYAN SAYO. SIGE KA. PAGLALAMPASUHIN KA PA DIYAN NI SHEM”, biro ni Chona sa kanya, sabay tawa.

Napatingin na lang sa akin si Shem, na parang may ibig sabihin.

“WHAT ARE WE WAITING FOR?! TARA NA! NANDITO RIN KAYA SI KEN AT JUDE. HINIHINTAY KA NA RIN NILA”, ang sabi naman ni Cloie.

Wala akong Twitter account, pero kilala ko lang sa itsura sila Ken Narvato at Jude Sinahon. Mga Twitter sensations kasi sila. Alam ko, marami pa sila, eh. Hindi ko lang matandaan ang mga pangalan nila. Hindi naman ako tagalista ng attendance.

Tumingin ulit sa akin si Shem, na parang nagtatanong kung okay lang ba ako. Um-oo naman ako sa kanya.

Ayon, nag-enjoy na sila sa dancefloor. Sila ang mga magkakasayawan. Kaunting pahinga, inuman, kwentuhan. Ako naman, dito lang ako sa tabi at pinapanuod lang sila. Kailangan kasing hindi mawala si Shem sa paningin ko, lalo na’t maraming mga lalake ang nandito.

Nagulat ako nang biglang may tumabi sa akin. Si Harriet pala. Mukhang lasing na ata siya. Imposible naman kasing tabihan niya ang tulad ko.

“KAMUSTA? WHY ARE YOU NOT ENJOYING THE NIGHT?” ang tanong niya sa akin.

“SUMAMA LANG AKO KAY SHEM DAHIL BILIN ITO NI RAYMOND SA AKIN. BESIDES, HINDI TALAGA AKO KOMPORTABLE SA MGA GANITONG LUGAR”, ang sagot ko.

“WELL, YOU KNOW WHAT? I FIND YOU WEIRD. KAKAIBA KA SA KANILA.”

“IYAN DIN ANG SABI NI SHEM SA AKIN. EH, WALA PO TALAGA AKONG HILIG SA MGA GANITO. WALA DIN PO AKONG BISYO, EH.”

Natawa na lang siya sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa doon?

“I LIKE YOU. PARA SA AKIN, YOU’RE UNIQUE. YOU’RE DEFINITELY DIFFERENT.”

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

“WELL, SALAMAT. IT’S ALL WELL APPRECIATED.”

Shit! Ito na ang part na dumikit siya mismo sa akin at nilingkis niya ako na parang ahas. Tumapat yung labi niya sa tenga ko at may binulong siya sa akin.

“Hmm . . . Hmm . . . Can you . . . take me out?”

Hindi naman sa nakakadiri. Nakakailang lang talaga siya! Kaya ayaw kong pumunta sa mga bar-bar na iyan, eh. Mas mabuti talaga kung si Shem ang gumaganyan sa akin . . . oops! Nadulas ako. Huwag niyo na lang pansinin. Pagtuunan na lang natin ng pansin si Harriet, na sobrang dikit na sa akin!

Wait lang. Parang wala na si Shem sa bandang gitna. Naku!

Wala akong choice, kundi isantabi ko si Harriet sa gilid, at iyon mismo ang ginawa ko.

“SORRY HARRIET! MAY KAILANGAN PA AKONG GAWIN! SEE YAH!”

Parang nalugi ang mukha niya. Basta! Hayaan na natin siya.

Kumaripas ako ng takbo para hanapin si Shem. Ang nakita ko, si Chona.

“SI SHEM?!” ang tanong ko sa kanya.

Pagewang-gewang siyang lumapit sa akin.

“NASA . . . CR. HINDI NA NIYA KINAYA . . . PUNTAHAN MO NA LANG . . . SIYA DOON.”

Wooh! Mabuti naman at naiwasan ko rin siya. Mukhang susuka na siya sa harap ko, eh.

Grabe. Pinuntahan ko ang mga suluk-sulokan para lang hanapin siya. Ilang minuto ang nagdaan, at nakita ko siya . . .

. . . na may kasamang mga lalake!

“UY SHEM! SUMAMA KA SA AMIN! DOON TAYO SA MAS TAHIMIK NA LUGAR. HUWAG TAYO DITO”, sabi sa kanya ng isang mahanging lalakeng nobody.

“OO NGA, SHEM. MABUTI NA LANG TALAGA AT HINDI MO KASAMA YUNG BOYFRIEND MO. SIGURADONG MASISIRA LANG ANG GABI NATIN”, ang sabi naman ng isang lalake sa kanya.

Ano ba yang mga naririnig ko?! Parang pupunta lang sila sa talahiban at doon na mangyayari ang hindi dapat mangyari. Aba!

“MGA PARE, SAMA AKO SA INYO. AKO LOOK-OUT NIYO”, ang sabi ko naman sa kanila.

Napatingin silang dalawa sa isa’t isa at nagtawanan. Tapos, sabay nila akong kinausap.

“O SIGE ‘PRE! IKAW TALAGA, BAKIT NGAYON KA LANG?! KAILANGAN TALAGA NAMIN NG LOOK-OUT.”

“OO NGA MGA ‘PRE, EH. KAILANGAN, LALO NA PAGDATING SA INYONG DALAWANG MGA BAKULAW.”

Bigla kong tinadyakan yung isa at tinulak. Dali-dali kong kinuha yung pepper spray ni Shem sa handbag niya at pinatikim iyon sa isa.

“SSSSSHHHHHIIIIITTTTT!!!!! PATAY KA SA ‘MIN!”

Dali-dali kong binuhat si Shem sa balikat ko, sabay bilis ng takbo papunta sa kotse.

Dammit! Nasa handbag din pala niya yung susi!

Dahil sa dilim ng lugar, hindi ko agad nakita. At paparating na pala yung mga gago!

“Shit kang kotse ka! Makisama ka!” tarantang-taranta na talaga ako, habang binubuksan yung kotse.

Shit! At last! Nilagay ko si Shem sa front seat nang mabilisan, tapos, ako na ang nagmaneho.

My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon