Chapter 1:3 Teen Life - Ang Masama At Mabuting Balita

13 0 0
                                    

Pagkatapos naming kumain, ako na ang naglipit ng mga pinagkainan namin.

“Naku iho, ako na po ang bahala diyan”, sabi sa akin ni Manang, nang lumabas siya galing sa kwarto niya.

“Magpahinga na ho kayo, Manang. Ako na po ang bahala dito”, ang sabi ko naman sa kanya.

“Siya nga ho, Manang. Si Chris na ho ang bahala diyan. Mukhang pagod kayo buong araw, eh”, ang sabi naman sa kanya ni Raymond.

“Salamat ho, Sir. Magpapahinga na ho ako. Salamat ho ulit.”

“Sige Manang. Kailangan niyo ring magbakasyon diyan sa kwarto niyo at hindi lang ho kayo pwedeng nasa labas na lang lagi”, dagdag ko, habang nagliligpit na ako ng mga plato.

Napangiti na lang si Manang, nang bumalik na ulit siya sa kwarto niya.

“Naku ‘pre. Nagtext sa akin ang manager ko. Sabi niya na kailangan niya raw ako bukas para sa album launch ko. Pupunta kaming Mindoro. Baka mawala ako ng mga ilang araw”, ang sabi ni Raymond sa akin.

“Alam ko na iyan, ‘pre. You need me while you’re gone. Okay lang yun. Bukas na ako papasok dito”, ang sabi ko naman sa kanya.

“Hahaha! Inunahan mo na agad ako ‘pre, ah! Eh, ano pa nga bang sasabihin ko, diba?”

“Kkkkkrrrrriiiiinnnnnggggg!!!!! Kkkkkrrrrriiiiinnnnnggggg!!!!!”

“Wait lang, ‘pre.”

Biglang may tumawag sa telepono at kinausap niya. Medyo matagal din ang kanilang naging usapan. Pagkatapos ng ilang mga minuto, kinausap niya na ulit ako.

“Tumawag ang girlfriend ko. Sinabi ko na rin sa kanyang may album launch ako at mawawala ako ng ilang mga araw. Gusto niya raw mag-stay dito sa bahay. Inip na raw siya doon sa condo unit niya sa Makati. Wala kasi siyang kasama doon. Baka naman pwedeng, ipasuyo ko na rin siya sayo, ‘pre.”

Natigilan ako bigla na maghugas ng mga plato. Natatandaan ko rin kasi ang sabi ng kapatid ko noon na suplada raw at mataray ang girlfriend niyang yun. Wala naman akong magagawa kundi makisama na lang sa kanya, dahil magtatrabaho lang naman ako dito.

“Uy, ‘pre! Ano na nangyari sayo?”, ang bigla niyang tanong sa akin.

“Ay, wala ‘pre! Katatapos ko lang maghugas. Tingnan mo naman. May sweldo na agad ako niyan, diba?” ang pabiro ko na lang na sagot ko sa kanya.

“Hahaha! Ayos ka talaga, ‘pre! O, ano? Approved na ba tayo? Watch her over here. May pagkagimikera siya, kaya lagi mo siyang ingatan at bantayan, ‘pre.”

“Huh? Eh diba girlfriend mo siya? Parang wala ka namang tiwala sa kanya niyan.”

“Hindi naman sa ganun, ‘pre. Chick kasi yun, eh. Masyadong lapitin din sa mga lalake. Maganda, sexy, maputi, Coca-Cola body. Expected na yun, diba?”

“Ikaw naman kasi, ‘pre. Pipili ka na nga lang ng babae, yung makinis pa. Eh, saan mo ba siya nakilala, ‘pre?”

“Sa isang gimikan, ‘pre. Die-hard fan ko siya. Ayon, nagkakilala kami, nagkamabutihan. Voila! Parang magic na kami na.”

“Oo na lang, ‘pre. Ako nang bahala sa kanya.”

“Dadagdagan ko na lang yung reposibilidad mo, ‘pre. Gagawin kitang bodyguard niya. Alam mo naman, mainit na yung mga nangyayari ngayon.”

At bigla na naman akong natigilan sa sinabi niya.

“Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo diyan, ‘pre? Ano ako, babysitter?”

“Pare naman. Minsan na lang, oh! Minsanang pabor na lang ito. Pagbigyan mo na ako. Ako naman ang bahala sayo, eh.”

Nananatili pa rin akong tahimik, habang pinakikinggan ko na lang siya.

“Wala ka ba man lang sasabihin ‘pre? Sinabi mo ng ikaw na ang bahala, diba?” ang dagdag niya.

“Oo na, ‘pre. Oo na. Ako na ang bahala sa girlfriend mo”, at sumagot na rin ako.

“Salamat pare! Salamat talaga!”, at bigla niya akong niyakap. What the hell?!

“Uy, ‘pre! May girlfriend ka at hindi tayo talo! Shoo! Shoo!” ang sambit ko sa kaniya, habang tinataboy ko siya.

“Ano ba gusto mo? Basta’t magsabi ka lang. Papasalubungan kita galing Mindoro.”

“Wala na, ‘pre. Okay na ako. Kuntento na ako na gaganapin ko yung mga tungkulin ko dito, kaya huwag na lang. Yung girlfriend mo na lang ang pasalubungan mo, pati pala si Manang.”

“O, sige ‘pre. Salamat talaga, ha?! Salamat!”

“Oo ‘pre. Tigilan mo na iyan at baka hindi ka pa makatulog niyan. Tutuloy na pala ako at sobrang gabi na. Baka hinahanap na nila ako.”

“O sige, ‘pre. Ihahatid pa ba kita?”

“Pare, hindi ako senior citizen para magmukha kang boyscout. Sige na ‘pre.”

At lumabas na ako ng bahay niya. Dali-dali na akong umuwi sa amin. Pagkapasok ko ng bahay, pumanhik na ako agad para maipamalita sa kanila ang tungkol sa bagong trabaho ko.

“Oh kuya! Nandito ka na pala. Ano nang napala mo?” bungad agad sa akin ng kapatid ko.

“Ayon, naroon na ang crush mo sa bahay. Kararating niya lang kani-kanina, kaya ako late umuwi”, ang sagot ko.

At nagulat na lang ako dahil napatalon siya at napatili na parang timang.

“Uy! Tulog na ang mga kapitbahay. Baka isipin nilang New Year na”, ang sabi ko sa kanya.

“Hahaha! Kuya naman, eh! Eh, siyempre, dumating na siya. Ni hindi mo nga ako nilalakad sa kanya.”

“May dalawa kang paa para maglakad. Hindi kita bubuhatin, noh. Manigas ka diyan.”

“Hahaha! Ikaw talaga kuya. Oh, ano pang napala mo?”

“At ayon na nga! Dahil sa hirap ng sitwasyon nating pamilya, binigyan niya na rin ako ng maliit na trabaho: ang bantayan ang bahay niya habang nasa Mindoro siya.”

“Huh?! Mawawala ulit siya?! Naku naman. Eh, sana man lang, pinigilan mo siya. Kaibigan mo naman siya, eh.”

“Ano? Mabuti sana kung hawak ko ang buhay niya, diba? Anyway, ayon na nga. Ang masamang balita, darating dito ang girlfriend niya, pagkaalis niya bukas.”

“Hala?! ‘Di nga?! Ang swerte mo naman, kuya! Makakasama mo pa ang girlfriend niya.”

“Anong swerte doon? Baka kabaliktad lang ng sinasabi mo. Ginawa niya na nga akong boy sa bahay, ginawa rin niya akong babysitter ng girlfriend niya. All around, noh?”

“Hahaha! Ang saklap! Kawawa ka naman, kuya. Pagbutihin mo na lang ang magpasensiya, ha? Hahaha!”

“Hayaan mo na. Kayo nga dito, eh, ang hirap niyong tiisin, yun pa kayang girlfriend niya? Hahaha!”

“Ayos ka kuya, ah! So, ano nang balak mo bukas?”

“Edi mamasukan”, ang huling sagot ko, nang mahiga na ako sa sofabed namin.

My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon