Chapter 2:2 Sa Gabing Madilim - Gimik-Gimik Din, 'Pag May Time! Part I

32 0 0
                                    

“At tumakbo talaga siya papuntang kwarto niya, ‘pre! Hahaha! Nakakatuwa naman pala itong chick mo! Sabagay, hindi ko naman din naiplano na takutin namin siya ni Manang. Ayon ‘pre! Hahaha! Hindi talaga ako makapaniwala sa kanya!”

Kausap ko pala si Raymond sa phone. Matagal na rin siyang hindi nakikibalita rito sa bahay. Ayon, busy pa rin siya. Meron nga siyang rap battle na pupuntahan. Ewan ko kung saan. Hindi naman din kasi ako mahilig sa sa rap genre, eh.

“Oo ‘pre. Oh? . . . Oo ‘pre, ako na ang bahala sa kanya. Sinabi ko naman iyon sayo. Oh? . . . Oo ‘pre. O sige, ‘pre. Wala na, wala na. Ingat ka diyan at miss na miss ka na ni Shem. Okay ‘pre.”

Binaba niya na yung linya at may pupuntahan pa raw siya. Kasama niya yung mga kaibigan niya sa Fliptop. I don’t even know that show on Youtube. Naririnig ko lang iyon sa mga kaibigan ko rin.

Tahimik na ang paligid. Tulog na ata si Shem, at pihadong tulog na rin si Manang. Tumambay na lang ako sa sofa at nag-isip. Iniisip ko yung mga masasaya naming bondings, kahit na ilang araw pa lang ang nakakalipas.

“Thud!”

May parang kumalabog sa taas, sa kwarto ata ni Shem. Pumunta agad ako doon at bubuksan ko na sana yung pinto, pero nakakandado.

“Shem! Anong nangyayari diyan?! Buksan mo yung pinto!”

Dammit! Baka naman, masyado niyang sineryoso yung kanina. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.

Umatras ako nang kaunti, para may buelo ako. Sabay bangga sa pintuan para mabukasan.

“Blag!”

Sarado pa rin.

Sinubukan kong ulitin. Papabangga na sana ako sa pinto, nang binuksan niya iyon.

“Thud!”

Ayan tuloy! Ako ang kumalabog sa cabinet niya. Tumama yung sikmura ko sa gilid ng cabinet. Ouch!

“Oh?! Ano ka ba naman?! Mamamatay ka na lang sa mga pinaggagagawa mo, eh!” sigaw niya sa akin, nang tulungan niya akong tumayo.

Another kilig moment: may concern siya sa akin! Wow naman! Todo ngiti talaga ako!

“Oh?! At masaya ka pang masikmuraan?! Hay, kakaiba na iyan, ah!” ang sambit niya ulit sa akin.

“Damn . . . Hmm . . . Akala ko kasi, kung anong nangyari  sayo dito”, ang sabi ko sa kanya.

“Nalaglag lang yung make-up kit ko. Oo nga pala, tumawag kanina yung mga friends ko. Gimik daw kami sa Republiq, doon sa Pasay.”

Ang bilis niya namang magbihis. Parang kanina lang na nagtatakutan kami sa sala, tapos, ito na siya at nakabihis. Tsk. Ayaw ko pa ang suot niya. Kita na halos yung cleavage, tiyan, at legs niya. Masyadong masikip ang suot niya. Ganyan ba talaga kapag nagba-bar hopping?

“Uy! Ano na?! Tulala ka na naman diyan. Narinig mo ba yung sinabi ko?”

“Oo, at bakit ka naman nagpapaalam sa akin?”

Sinubukan ko lang kontrahin ang pagiging mataray niya.

“Dahil baka hanapin mo ako at isumbong mo ako kay Raymond.”

“Hindi ko magagawa yun sayo, noh.”

At bigla niya akong tiningnan. Nakangiti siya with puppy eyes.

“Talaga? Hindi mo ako isusumbong sa kanya?”

“Oo, kasi sasamahan lang naman kita.”

Nang nasabi ko yun, bigla siyang sumimangot sa akin at nagpatuloy siya sa pagma-makeup.

“Ayos, ha?! Alam kong hindi ka mahilig sa bar-hopping dahil naikwento ka na sa akin ni Raymond”, ang mataray niya sabi.

“Nabanggit niya rin ba sayo na kahit saan ka pumunta, eh naroon din ako? Kaya sasama ako sayo”, ang sabi ko sa kanya.

“Ngayon mo lang sinabi sa akin iyan, at hindi ko pa ipinapasa yang sinasabi mo.”

“Huh?! Ano ka, batas? Ipinababantay ka sa akin ng boyfriend mo. Sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan kita roon.”

“Kaya kong mag-isa doon. Kaya, hindi ko na kailangan pa ng yayo.”

“Anong . . . ?! Bawiin mo yang sinabi mo. Pinangangalagaan lang kita.”

“Inaalagaan mo ako? Ni hindi naman ikaw ang boyfriend ko, ah!”

One basag moment sa akin iyon. Sa loob ko, ouch talaga iyan.

“Oo nga. Hindi kita girlfriend, pero may tungkulin din ako sayo, kaya tara na”, ang sabi ko sa kanya, nang bumaba na ako.

“Thud! Thud!”

Naririnig ko ang mga kalabog galing sa kwarto niya. Pihadong nagdadabog siya sa akin. Hindi na ako nagsalita at baka, magkaruon pa ng gulo.

Kinuha ko na yung susi ng sasakyan sa may mesa sa sala at lumabas na ako. Ipinaandar ko na yung kotse.

“Beep! Beep!”

Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na rin siya.

“Dito ka na umupo. Ikaw na ang magmaneho”, ang sabi ko sa kanya.

“Hindi ka ba marunong?!” ang pasigaw niyang tanong sa akin.

“Marunong, pero wala pa akong lisensiya.”

Bigla siyang nainis pa nang sobra sa akin nun. Padabog siyang umupo sa driver’s seat at nagmaneho na.

Hindi pa naman kami masyadong nakakalayo, kinausap ko na siya.

“Sana maintindihan mo naman ako, na ginagawa ko ito para sayo, at para na rin kay Raymond.”

Hindi siya nagsalita nun. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Medyo mabilis siyang magpatakbo dahil wala namang traffic.

Pagkaraan ng ilang minuto, parang nanlalambot na rin siya. Hindi na siya nagmamatigas pa na huwag dapat akong sumama. Bigla siyang nagsalita:

“I’m sorry, Chris. Alam kong pinagtitiisan mo lang ako habang wala pa si Raymond. Salamat at nakukuha mo pa ring umintindi sa akin.”

Anong ibig niyang sabihin sa “pinagtitiisan” ko lang siya? Hmm . . . Bahala na nga. Ayaw ko na rin pang isingit iyon at baka magkagulo na naman.

“Alam mo, okay lang naman, eh. Pasensiyoso naman akong tao. Ako yung tipong ‘di mo mapupulot sa kangkungan”, ang sabi ko sa kanya.

Napangiti na lang siya sa akin. Tapos, bigla siyang bumulong. Siyempre, hindi ko naman narinig.

“Naku, magtatakutan na naman ba tayo? Eh parang, nago-orasyon ka na diyan”, sabi ko sa kanya.

“Haha! Hindi, noh! Mabuti naman at hindi mo narinig”, ang sabi niya sa akin, habang nagpatuloy siya sa daan.

My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon