Chapter 3:2 Meet And Greet: Shem Araneta - Shem-sation Part I

7 0 0
                                    

Pagkatapos ng “swimming” namin, pumasok na kami sa bahay.

“Manang, pasuyo po sana ng dalawang tuwalya”, ang sabi ko sa kanya.

“O iho, bakit basang-basa kayo?” ang tanong niya.

“Nag-swimming po kami Manang, pagkatapos kong maglinis.”

“Kayo talagang mga bata, oh! Oh, ito na yung mga tuwalya.”

“Salamat po, Manang.”

At inabot ko yung isang tuwalya kay Shem.

Ito ang bagay na hindi ko maipaliwanag: pagkaabot ko sa kanya nun, lumapit ako sa kanya at binalot siya ng tuwalya. Niyakap ko pa siya from behind.

At hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon!

“Ay sorry”, ang sabi ko na lang sa kanya, nang bumitaw na ako sa pagkakayakap ko.

Napatingin na lang siya sa akin nang malagkit, tapos pumanhik na siya sa kwarto niya.

“Bbbbbrrrrrmmmmm!!!!!”

Nag-vibrate na naman ang phone ko, at si Raymond ang tumatawag.

“Uy ‘pre! Kamusta na?! Okay na ba siya?! Kamusta kayo?!” ang dali-dali niyang mga tanong.

“Hinay-hinay lang ‘pre. Mahina ang kalaban. Oo, okay na siya. Hindi na siya lasing. Nandito na kami sa bahay. Wala na kami sa bar”, ang mga sagot ko sa kanya, habang nagpupunas ako.

“Mabuti naman, ‘pre. Nandito ako ngayon sa hotel, eh. ‘Di ko lang alam kung matatagalan pa ako, pero . . . basta, babalitaan na lang kita kung kalian ako uuwi diyan.”

“Ano bang mangyayari, ‘pag nakauwi ka na rito, ‘pre?”

“Edi siyempre, lalabas kami ng asawa ko.”

Sa isip-isip ko, tama nga. May balak na siyang mag-propose kay Shem.

“Basta’t isama mo ako, para makalibre na ako sa tsibog. Alam mo iyan, diba?”

“Oo naman, ‘pre! Pasasalamat ko na rin iyan sayo dahil iniingatan mo siya. Ayaw kong mawala siya sa akin.”

Sa isip-isip ko naman, ako rin, eh. Ayaw ko siyang mawala sa akin.

“Nga pala, ‘pre. Baka nakalimutan na niya about sa ‘Meet and Greet’ niya. Ngayon iyon. Nag-tweet na siya sa Twitter about doon, pero ipinapaalala ko sayo, siyempre.”

Meet and Greet? Ano iyon?

“Bakit ‘pre? Anong meron?”

“Oo nga pala. Inosente ka. Meet and Greet, parang treat iyon para sa mga fans. Twitter sensation kasi yang asawa ko, eh. Alam mo naman, simula nang maging girlfriend ko siya, hahaha!”

Ahh, iyon pala iyon. Pasensiya na. Mang-mang, eh.

“Eh, saan naman gaganapin ang Fans’ Day niya?”

“Sa Makati ‘pre. Sa may condo unit niya. ‘Di naman actually sa loob. Doon lang sa may bandang swimming pool. Alam niya iyon, ‘pre.”

“O sige, ‘pre. I’ll be there with her.”

“That’s my man! Alam mo na ang gagawin.”

At ibinaba niya na ang linya.

Pumanhik ako sa kwarto ni Shem.

“Shem! Nagbibihis ka ba?

“Hindi. Tumuloy ka.”

Pagkapasok ko, nakita ko siyang nagsusuklay at nagpapatuyo ng buhok niya.

“Tumawag sa ‘kin si Raymond. Ipinapaalala niya sayo about sa Meet and Greet mo ngayon”, ang sabi ko sa kanya.

“Ay! Oo nga pala! Tsk! Mabuti na lang at ipinaalala niya! Salamat, ha!” ang wika niya, nang magsimula na siyang mag-ayos ng mga gamit niya.

Nakatayo na lang ako sa may pinto at tinitingnan ko lang siya. Bigla niya akong napansin.

“Bakit? Hindi ka ba sasama sa akin?” ang tanong niya, nang matigilan siya sa pag-aayos.

“Sasama ako sayo, Hindi kita pwedeng iwan doon”, ang sagot kong mahinahon.

“May problema ba?

Napansin niya atang malungkot ako.

“Wala. Wala akong problema.”

“Mag-ayos ka na diyan at baka naghihintay na sila roon.”

At bumaba na ako nun para maligo at mag-ayos.

My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon