Chapter 3:1 Meet And Greet: Shem Araneta - Ikaw Lang, Wala Ng Iba Pa

25 0 0
                                    

Kinaumagahan, nagising ako ng mga bandang 6:00 am. Oras iyon na para maglinis ako ng bahay.

Pagkabangon ko sa sahig, nakita kong tulog na tulog pa rin siya. Napangiti na lang ako sa kanya, saka ako bumaba.

Nakita ko si Manang nun na nagluluto na ng almusal.

“Oh, iho! Gising ka na pala”, ang bungad niya sa akin.

“Magandang umaga po, Manang. Maglilinis po kasi ako, eh. Kaya ako nagising nang maaga”, ang bati ko naman sa kanya.

“Mag-almusal ka na muna. Kakatapos ko lang dito sa sinangag na kanin at hotdog.”

“Opo Manang. Salamat po ulit.”

Siyempre, nagutom rin ako dahil sa kagabi. Kaya, hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong magalmusal.

“Kamusta naman si Ma’am, iho?” ang biglang tanong sa akin ni Manang.

“Okay na rin po siya, Manang. Eh, pahinga lang naman po ang kailangan niya”, ang sagot ko, habang kumakain na ako ng hotdog.

“Mabuti naman. Mabuti na lang din at nandito ka. Naiintindihan ko naman din siya, kasi laging busy ang mga magulang niya, eh.”

“Gaano ho ba kadalas siyang umalis ng bahay?”

“Naku, iho. Ngayon lang ulit siyang dumalaw dito. Medyo bata-bata pa siya noong huli niyang bisita. Kung alam mo lang, tumatakas iyang si Ma’am tuwing gabi para lang makaalis ng bahay. Eh, siyempre, alam niya kasi ang oras ng pahinga ko, kaya ayon, naiisahan niya ako.”

“Hehe, ganun talaga, Manang. Bata pa naman siya hanggang ngayon, eh. Kaya, intindihin na lang. Kung hindi niyo maitatanong, muntikan na siyang pagsamantalahan ng dalawang bakulaw kagabi. Mabuti na lang talaga at kasama niya ako.”

“Oh?! Iyan na nga ba ang ikinatatakot ko sa kanya, sa tuwing umaalis siya ng gabi. Kung may mangyari man sa kanyang masama, tiyak na lagot ako kay Sir Raymond, at lalo na sa mga magulang niya.

“Hayaan niyo na Manang. Nandito naman po ako para sa kanya, eh. Hindi ko naman siya pababayaan. Mabuti na lang talaga at sa akin siya ipinagkatiwala ni Raymond.”

“Siya nga, iho.”

“Tapos na po ako, Manang. Punta lang ako sa swimming pool. Maglilinis po muna ako doon.”

“O sige, iho. Sasabihin ko na lang kay Ma’am na nandoon ka.”

“Opo. Salamat po.”

Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako at dumiretso sa pool. Ngayon ko lang ulit nakita iyon at malaki pa rin siya. Iyon nga lang, kailangan nang linisin.

Hindi naman masyadong marumi. Puno lang ng mga dahon dahil sa katabi niyang puno. Kinuha ko yung net na panlinis, para tanggalin ang mga dahon.

“Wooh! Ikumpara ko naman ito sa palanggana namin. Ayon, kahit damputin ko lang yung mga dumi. Eh ito, pagkarami-rami”, ang bulong ko sa sarili ko, habang sinusungkit ko yung mga dahon.

Siguro, mga 30 minutes akong nasa tabi ng pool. Pagkatapos nun, nagpahinga lang ako saglit.

Pumasok agad sa isip ko si Shem. Hmm . . . Ewan ko ba. Nararamdaman kong parang ang special niya sa akin. Hindi lang ako basta tagabantay niya.

Hahaha! Natawa ako bigla nang naisip ko si Harriet, eh.

Pero, balik tayo kay Shem. Hindi talaga ako makapaniwalang hinalikan niya ako kaninang madaling-araw, hahaha!

Teka . . . hinalikan, o nahalikan? Bahala na.

“Chris!”

Napatingin ako sa bahay at ayon na nga, kagigising lang ni Shem. Lumabas siya para puntahan ako dito sa pool.

My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon