Chapter 3:4 Meet And Greet: Shem Araneta - Mananatili Ako Sayo

13 0 0
                                    

Pauwi na kami. Ako na ang nagmaneho. Mga bandang 4:00 pm na nun, na nasa EDSA na ulit kami.

“Shem, okay ka lang ba?” ang tanong ko sa kanya.

Nakita ko siyang lumuluha. Halatang nagkaruon siya ng shock sa naging pangyayari, kaya nag-drop by muna kami sa isang gasoline station na ‘di kalayuan at nag-usap kami.

“Shem, sa totoo lang, hindi ka na ligtas dito. Siguro, kailangan na nating tawagan si Raymond”, ang sabi ko sa kanya.

Wala pa rin siyang imik. Nagpatuloy lang siya sa pagluha.

“Shem, makinig ka sa ‘king mabuti. Kailangan na nating tawagan si Raymond. Hindi ka na ligtas dito. Naiintindihan mo ba ako?”

Napatingin lang siya sa ‘kin. Pinahiran ko ulit ang mga luha niya, nang biglang hawakan niya ang wrist ko.

“Chris, hindi mo ‘ko iiwan, diba?” ang tanong niya sa ‘kin.

“Oo. Sinabi ko naman sayo iyon”, ang sagot ko.

“Kung gayon, hindi na natin kailangan pang tawagan si Raymond.”

Huh? Hindi ko alam kung anong gumugulo sa isip niya ngayon. Ang habol ko lang naman talaga dito, eh yung kaligtasan niya.

“Pero Shem . . . ”

Bago pa man ako magpatuloy sa aking sasabihin, sumandal siya sa kanang balikat ko. Ano kaya ibig niyang sabihin dito?

“Chris, tinataya mo, kahit na ang buhay mo, makasama mo lang ako nang buhay. Kakaiba ka talaga sa lahat ng mga lalakeng nakilala ko, kahit kay Raymond. Isa yang pinakamatapang na nagagawa mo ngayon, na inaalay mo ang buhay mo para lang sa ‘kin”, ang dagdag niya.

“Sinabi ko na sayo noon, tungkulin ko na alagaan kita, diba?”

Hindi ako nanunuod ng mga teleserye, pero parang dumarating na kami sa ganun.

“Hmm . . . ”

Pinikit niya ang mga mata niya at dinamdam niya ang yakap ko sa kanya.

“Sana, ikaw na lang ang naging boyfriend ko, Chris.”

Tama ba ang narinig ko?! What?!

“Sana, ikaw na lang ang makakasama ko habangbuhay”, ang dagdag niya.

Naalala ko tuloy si Raymond, lalo na yung bagay na ‘pag umuwi siya dito, magpo-propose na siya sa kanya. At siguradong wala nang magiging bawian iyon.

“Shem, ang totoo, yayayain ka nang magpakasal ni Raymond, oras na makauwi na siya dito. Hindi tama na mapamahal tayo sa isa’t isa. Una, boyfriend mo siya. Pangalawa, magkaibigan kami, na magkapatid na rin ang turingan. Hmm . . . Mahal kita Shem at ayaw kong mapahamak ka.”

Umamin na ako sa kanya dahil hindi ko na maitago pa.

Tumingin siya bigla sa mga mata ko, sabay haplos sa pisngi ko.

“Chris, mahal din kita. Kaya, paulit-ulit kong sinasabi sayong huwag mo akong iwan. Kaya, masayang-masaya ako sa piling mo”, ang sabi niya sa ‘kin, habang hinahaplos niya ang pisngi ko.

“Magkaiba tayo ng katayuan sa buhay, Shem. Alam mo iyon, diba?”

“Hindi importante iyon. Ang mas importante, mahal kita. Hmm . . . Iiwanan ko na siya.”

Huh?! Naku!

“Hindi pwede mangyari yang sinasabi mo, Shem. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko”, ang sabi ko sa kanya.

“Oo, mahal niya nga ako, pero hindi kasingmahal na gaya ng sayo”, ang sabi niya naman sa ‘kin.

Natahimik ako bigla.

“Chris, ngayon pa lang, kilala na kita. Kahit kalian, hindi ka naging makasarili. Hindi ka nagpapabaya sa mga taong mahal mo, lalo na sa ‘kin”, ang dagdag niya.

Natahimik na lang ako, sabay yakap sa kanya nang mahigpit.

“Gagawin ko ang lahat, huwag ka lang mawala, Shem. Mahal kita.”

Napangiti siya sa ‘kin at hinalikan niya ako sa pisngi.

Hay, pasensiya na guys. Nagiging seryoso na ako. Ang iniisip ko kasi, yung tungkol kay Raymond.

“Okay ka na ba?” ang tanong ko sa kanya.

“Uhumm. Okay na ako”, ang sagot niya.

“Tara, bumalik na tayo sa bahay.”

Papaalis na sana kami, nang biglang . . .

“Bbbbbrrrrrmmmmm!!!!!”

Nag-vibrate na naman ang phone ko.

“Uy ‘pre! Kamusta na? Kamusta ang Meet and Greet?” ang tanong sa akin ni Raymond.

“Ayon ‘pre. Napaalis kami nang maaga. May tumangka na naman sa buhay ni Shem. Mabuti na lang at nailigtas ko siya”, ang sagot ko.

“Grabe naman talaga, ‘pre. Tsk! ‘Pre, huwag kayong mag-alala. Pauwi na ako diyan.”

“Bakit ‘pre?”

“Anong bakit? Hindi na ligtas si Shem diyan. Kailangan ko na siyang mailayo. Kokontakin ko na lang din ang mga magulang niya.”

“Pare, huwag na. I got this.”

“Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo ‘pre?! Pare, ayaw kong mapahamak siya diyan, at lalo nang ayaw kong magulo ang buhay mo, nang dahil lang sa amin. Tingnan mo, halos magbuwis ka na ng buhay para lang sa kanya!”

“Pare, ayaw mo siyang mawala sayo, diba? Well, I’m doing it now, at ganun din ako. Kaya, ginagawa ko ang lahat para hindi siya mawala sayo.”

Natahimik siyang sandal, tapos, nagpatuloy ulit siya.

“Kasalanan ko kasi ito ‘pre. Dapat ako na boyfriend niya mismo, eh nandiyan kasama siya. Aminado namang may kulang talaga ako.”

“Pare, hindi naman niyo naman maiiwasan ang ganito, na may magtatangka sa mga buhay niyo. Kailangan niyo lang talaga ng may magbabantay sa inyo. Wala, eh. Ganito na talaga ang panahon ngayon.”

“Pare, tatanawin ko talaga lahat-lahat itong utang na loob ko sayo. Huwag kang mag-alala. Pabalik na rin ako. Basta’t hintayin niyo ako.”

At ibinaba niya na yung linya.

Napayuko ako nang sandali, tapos, tiningnan ko siya.

“Pauwi na raw siya, Shem. Matatapos na rin ang tungkulin ko sayo”, ang sabi ko sa kanya.

Bigla siyang lumuha ulit, at niyakap niya ako nang mahigpit.

“Hindi mo ako iiwan, diba?” ang muling tanong niya.

“Oo, kahit anong mangyari. Mananatili pa rin ako sayo”, ang sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon