Chapter 1:2 Teen Life - Si Raymond

37 0 0
                                    

Ayon, inabutan ako ng siyam-siyam dito sa kanto. Tiningnan ko ang relo ko at alas sais na pala ng gabi. Naisip ko bigla na baka hinahanap na ako ng mga kapatid ko dahil ako ang taga-delihensiya ng pagkain namin.

Paalis na sana ako, nang biglang may kotseng dumating at huminto sa harap ng bahay. Ang ganda ng kotseng yun, Mitsubishi Evolution. Huminto muna ako saglit para alamin kung sino yun.

“Uy, ‘pre! Kamusta na?!” isang masayang tinig ang dumungaw sa kotse. Hindi ko masyadong Makita kung sino yun, dahil sa nakakasilaw na headlight.

“Uy, ‘pre! Ano ba iyan? Para kang istatwa diyan, ah. Hindi mo na ata ako kilala!" ang ulit niyang sambit.

Sabi ko na nga ba, eh! Siya nga! Si Raymond!

“Hahaha! Pare! Ikaw pala iyan! Laging big time ang pare ko, ah!”

Dali-dali ko siyang pinuntahan, sabay headlock sa kaniya.

“Uy, ‘wag ‘pre! Para ka naming wrestler niyan! Long time no see!” ang tuwang-tuwa niyang sigaw.

“Hahaha! Kailan ka pa dumating ‘pre?” tanong ko sa kaniya.

“Anong kalian ka diyan? Last week lang, ah. Ano ka ba, taong-bahay? Hindi mo ata ako nakikita rito. Dami ngang mga chicks na pumupunta dito, tapos ikaw na kaibigan ko pa, wala ka?”

Ganyan talaga iyan si Raymond. May pagka-playboy iyan, pero sabi ko nga sa kaniya, masama ang sobra. Ayon, mas tinutuunan niya ng pansin ang pagiging artista niya, kaysa mamuti ang mga mata niya kakahanap ng mga babae.

“’Di ka ata nagbago, ‘pre. ‘Di ba, may bago ka na namang girlfriend? Wala pa akong balita sayo, ah”, sabi ko.

“Eh, ano bang ginagawa natin dito sa labas, ‘pre? Pwede naman ata tayong pumasok, diba? ‘Di tayo tambay dito.”

“Hahaha! Sabi ko nga ‘pre. Doon tayo sa loob. I-tour mo ako.”

Pinasok niya yung kotse niya sa loob ng garahe. Hinintay ko muna siyang matapos mag-park. Pagkababa niya, sinamahan ko na siya sa loob.

“Kamusta naman ang mga magulang mo abroad?” tanong ko sa kaniya, habang tumutuloy kami.

“Ayon, medyo mahina na sila. Kaya nga, nagpupursige rin akong maibangon din sila. Ayaw ko na rin umasa ‘pre, eh”, ang sagot niya.

Pagtuloy namin sa loob . . .

“Manang! Maghanda ka ho ng makakain. Nandito po si Chris, kung naaalala niyo pa po!” ang sigaw niya, habang papunta kami sa sala.

Pagkaupo naming, ipinagpatuloy namin ang kwentuhan.

“Pare, ano bang pakiramdam na may marangya kang buhay?” tanong ko sa kanya.

“Tama nga ang sabi ng iba, ‘pre. Hindi mo maipagpapalit ang pera, sa mga masasayang panahon na walang kabayaran. Nakakalungkot kasi, malayo ang mga magulang ko. Abala sila dun araw-araw para lang maiahon ang lahat. Ayaw kasi nilang maghirap kami, eh. Gusto nila, dapat, araw-araw ang pagganda ng buhay”, ang sagot niya, habang nakayuko siya na tila nag-iisip.

Kitang-kita ko sa kanya na ang saya na nakukuha niya ngayon, eh dahil sa mga kaibigan niya. Kaya, ‘di na rin ako nagtaka kung bakit sobra siyang masaya na nakita niya ulit ako.

“Kayo ba? Kamusta na kayo doon sa bahay?” ang bigla niyang tanong sa akin.

“Ganun pa rin, ‘pre. Lubog pa rin kami sa utang, kaya hirap na hirap na ang pamilya ko. Alam mo, tutal, wala naman akong ginagawa, at kaya ko naman din sigurong pagsabayin ang maliit na trabaho sa pagre-review ko sa darating na board exam, baka naman mayroon kang bakante man lang”, ang sagot ko sa kanya.

“Alam mo pare, simula’t simula pa lang, hindi lang magkaibigan ang turingan natin, kundi magkapatid na. Kung gusto mong makatulong ako sayo, huwag kang mag-alala dahil bukal naman sa kalooban ko. Kailangan ko ng extrang tao dito sa bahay. Yung maglilinis, maglalaba ng mga sheets na marumi, magdidilig ng mga halaman, at maglilinis ng pool. Yun lang ang hinihiling ko sayo. Nag-iisa na rin kasi si Manang dito, eh. Hindi ko na kailangan pa ng marami pang mga tauhan dito. Ano? Payag ka ba? Ako na ang bahala sayo”, ang sabi niya sa akin.

Hindi ko na iniisip na sagabal ang magiging trabaho ko sa pag-aaral ko. Ang mas iniisip ko, ay yung sa sitwasyon namin. Ayaw ko na ring umasa pa ng financial help galing sa mga magulang ko.

“O sige ‘pre. Pasensiya ka na kung inabala pa kita. Baka naman, malaking abala pa ito sayo. Sabihin mo lang sa akin”, ang sabi ko sa kanya.

“Hay naku, ‘pre. Parang wala naman ata tayong pinagsamahan niyan. Huwag ka ngang magdrama diyan. ‘Di bagay sayo yung ganyan. Parang gusto mo atang pumasok sa showbiz, ah.”

“Huwag na, ‘pre. Basta’t pagbutihin mo na lang iyan para sa inyo rin.”

“Sir! Kumain na po kayo! Nakahanda na po ang makakain!” sigaw ni Manang.

“Oh tara, para naman bago ka umuwi, nakakain ka na. Let’s dig in!” ang sambit niya, nang mauna na siya sa hapag-kainan.

Maswerte ako dahil nagkaruon ako ng isang kaibigang katulad niya, na hindi nagdadalawang isip na tumulong sa mga taong alam niyang may kailangan sa kanya. Huwag kang mag-alala, Raymond. ‘Di mo pagsisisihan na kinuha mo ako bilang katulong mo.

My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon