Characters

45 1 3
                                    

Kyle Anthony Gyo - ang super handsome half korean na bestfriend ng ating bida pero fluent mag tagalog dahil laking pinas. He's a model slash singer. Siya din ang pinapantasya ng napakaganda at pervert nating bida.

Lauren Ferrer - karibal ng ating bida sa puso ni William. She's a model slash bitch. Hobby niyang guluhin at maki -epal sa buhay ng ating bida.

Wayne Sophia Clarkson - ang napacute na nilalang na nahuhumaling sa kagandahan ehem ng ating bida. Siya din ang nakababatang kapatid ng mortal enemy ng ating bida.

William Nate Clarkson - siya ang napaka hot at gwapo na mortal enemy ng ating bida. Sa kabila ng kanyang kakisigan, siya ay mahina sa klase. Pero may bagay siyang kinahihiligan. Ayun ay ang asarin at awayin ang ating bida.Siya din ang nakakatandang kapatid ni Wayne.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HOY AUTHOR!! DI PA KO NAPAPAKILALA!! -___-

(Ay kasali ka pala? Mwehehehe)

AKO KAYA YUNG BIDA!

(Ge pakilala mo na sarili mo! Tinatamad na ko eh!)

HAYUPP KA TALAGA!! Ehem! Nasira tuloy poise ko :3 Hi everyone *wink* I'm Mary Louise Laurel! Ang babaeng bibihag at papatay sa inyo. Hihihi I'm just kidding. Okay serious na. Take two! Take two! I'm Mary Louise Laurel, 16 years old. Ulilang lubos. Nag aaral ako sa Clarkson High, school ng mga matapobre mapanglait at mga - okay nadala lang ng emosyon. School for high profile person for short school ng mayayaman. Nagtataka siguro kayo kung paano nakapasok ang isang pulubing tulad ko? Well, because I'm super duper mega smart! *evil laugh* You can call me 'Maria' Taena! Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos pinalayaw sakin kay pangit pangit! Di daw kasi bagay sakin ang Mary. Masyado daw kasi maganda yun para sakin *pout* Mga hinayupak lang? Sa ganda kong toh! *Flip ng hair* (Nako Maria! San banda?!) Aba! Wag ka ngang epal author! Okay, balik tayo sa ganda. Honestly maganda naman daw ako. Pag nakatalikod nga lang. Atleast may maganda pa din sakin! Ewan ko ba, di na tinatablan ng eskinol yung pess ko! Pinamahayan na ng tagyawat yung mukha ko! T.T Tapos yung linsayak kong buhok! Aba'y parang walis

"tambo sa sobrang buhaghag! Pag nagsusuklay nga ko laging bali yung suklay. Lagpas isang daan na ata yung nabali kong suklay. Nung nagpasabog ata ng kagandahan si Lord ako lang ata yung nasa bahay eh. Kaya ayan.

SHE'S A QUEEN?[ON-PROCESS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon