Di ako makatuloooog! Grabe naman kasi si Kyle. Huehue.
Di rin kita ipagpapalit Mary Louise. Ikaw lang ang nag iisang prinsesa ko. Ikaw lang..
"Kyaaaaaaaaaaaaaah!" grabe kinikilig talaga ako! Yakap yakap ko yung bear na binigay sakin dati ni Kyle. Eto first birthday gift na natanggap ko sa buong buhay ko. :)
"ASAN SUNOG??!!!!"
"Waaaaah! M-Multo!!!" napatalukbong ako ng di oras. Naramdaman kong may humampas sa ulo ko.
"Aray!"
"Tanga di ako multo! Cream yang nasa mukha ko!" tinanggal ko yung kumot na nakatalukbong sa mukha ko.
"Hehe. Kayo pala Madam" nakakatakot naman kasi talaga. Ang puti ng mukha niya tapos nakaputi siyang bestida. Akala ko yung sa The Grude eh.
"Sumigaw ka kasi! Akala ko may sunog! Punyeta! Istorbo!" malakas niyang sinara yung pinto ko. Nagbelat na lang ako. Actually kamag anak ko si Madam. Pinsan ko siya. Malayong pinsan naman. Siya ang nagbibigay sakin ng baon kapalit ng pagiging katulong ko dito sa bulok niyang mansyon. Napatingin ako sa picture frame na nasa gilid ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko."Mary promise mo kay Mama magiging matatag ka"
"B-Bakit po? Iiwan niyo na po ba ako?"
"Basta tandaan mo mahal na mahal kita. Sorry anak. Sorry sa lahat ng magagawa ko" hinalikan niya ko sa noo at niyakap niya ko ng napakahigpit. Ramdam ko ang pag iyak ni Mama.Ayun na ang huling pag uusap namin ni mama. After nun isa na siyang malamig na bangkay. Yes. Nagsuicide si mama after ng pagkamatay ni papa. Akala ko lalaban kaming dalawa pero iiwan niya din pala ako. Takot na takot ako nun. Buti na lang naawa sakin si Madam at inampon ako. Sana kung nasan man sila magkasama na sila. Unti unting pumikit ang mata ko hanggang sa nakatulog na ko.
~
"Grabe. Ang creepy na talaga ng panget na yan!"
"Ang lakas ng loob niyang manggayuma"Ano na naman bang problema nila sakin? Bawat dadaanan ko sinusundan ako ng tingin. Yung iba'y waring natatakot at karamihan naman ang sama ng tingin sakin. Yumuko na lang ako, pero kahit hindi ko sila nakikita nararamdaman ko ang presensya nila. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro nakaburol na ko. Joke. Habang papalapit ako sa classroom kumakapal ang estudyante sa may hallway. Ano bang meron? Nagulat ako nang makapasok na ko sa room.
It took one look
then forever laid out in front of me.Kumakanta si William habang nag gigitara. Nakatingin siya sakin.
One smile then I died
Only to be revived by you
There i was thought i had everything figured out
It goes to show just how much i know
about the way life plays out...Bumilis yung tibok ng puso ko ng bigla siyang ngumiti. First time niyang ngumiti at ako pa ang nginitian niya. Naglakad siya papalapit sakin.
I take one step away
then i find myself coming back to you
My one and only one and only you...
BINABASA MO ANG
SHE'S A QUEEN?[ON-PROCESS]
RomanceHello! Unang storya ko to! XD Sa totoo lang madami na kong nagawa. Pero di ko natatapos yung iba. Tsaka wala akong lakas ng loob na magpublish. ㅠㅠ Haha. Support niyo po toh. Tumatanggap po ako ng negative comments. XD Gusto ko talagang ma-improve yu...