Chapter 2 : Damuhan

32 1 0
                                    

MARY'S POV
*Yawn* inaantok na koooo ~ Gago kasi si Madam Piggy eh. Lakas mantrip. Bigla ba namang nagdeclared ng general cleaning kagabi eh oras na ng pagtulog ko yun. -____- Natalo na naman siguro sa casino yun kaya may sapak na naman ulo kagabi at ako ang pinagdiskitahan. Walanjo. Favorite subject ko pa naman ang trigo! Pero inaantok talaga ako. Di ko na napigilan ini-ubob ko na yung mukha ko sa desk bahala na mapagalitan.
"Huy Maria" di ko pinansin yung kumakalabit sa likod ko. Agafhakal. Di ko maintindihan sinasabi niya. Para akong sabog.
"Huy Mariaaa" peste! kanina pa tong nangangalabit na toh ah! Bahala ka! I'm so sleepy! Dont bother me!
"Mariaaaa" kinurot niya na ko. Napatayo ako sa inis. Wapakels ako kahit tulo laway ko.
"ANO BA!!!!!" Omay. Si Kyle pala yung kumakalabit sakin and nasa harap ko na pala yung teacher ko sa Trigo. Hehehe. Huli ka balbon.
"GET OUT!!!!!!"

Tadaaan! Anong ginagawa ko ngayon? Andito ako sa garden. Kasalukuyang nagsi-seesaw. Lufet ng school namin noh? Hahaha. Napalabas ako ng room eh. Peste! First time ako mapagalitan!! Wala na nawala na antok ko! Kabadtrip naman! Mamaya uminit na dugo sakin teacher ko sa trigo at bigyan ako ng mababang grade! Goodbye scholarship! Huwaaaa.
"Hey" naramdaman kong may nagsi-swing na sakin.
"Kyle bat andito ka? Di pa tapos yung discussion sa trigo diba?"
"Hmm. Nagpaalam naman ako. Sabi ko mag c-cr ako" He said with a smile.
"Sira ka talaga" umupo siya sa katabi kong swing.
"Gusto mo sumama mamaya?" tanong niya.
"San?"
"Sa shooting ng mv ko para sa new album ko" sikat na talaga tong bestfriend ko. Bestfriend ko na minahal ko. :(
"Really? Baka mapagkamalan pa kong alalay mo" natatawa kong sabi.
"Sira. Haha. Syempre ipapakilala kita as bestfriend ko. Subukan lang nilang bastusin ka. Ako makakalaban nila" napangiti ako sa sinabi niya. Protector ko talaga toh. Lagi akong sinasalo o di kaya ipinagtatanggol.
"Thank you Kyle. Salamat dahil lagi kang nasa tabi ko" si Kyle na lang ang nakakapitan ko. Wala na kong parents na matatakbuhan, wala din naman na kong ibang kaibigan. Buti nga't may dumating na Kyle sa buhay ko. Biruin mo, gwapo na. Napakabait pa. Paano kami nagkakilala? Sa susunod ko na ikikwento. :)
"I'll never leave you Maria. Hanggat walang pang papalit sa pwesto ko hinding hindi kita iiwan. I'll promise" sana forever ka ng nasa tabi ko Kyle. Sana matutunan mo din akong mahalin. Assuming ka na naman Maria. Tatanda na siguro akong dalaga. </3

SHOOTING
Halos lahat ng staff busy. Nakaupo lang ako sa may gilid, pinapanuod kong ayusan si Kyle. Panay naman ang ngiti niya sakin. Action yung theme ng MV ni Kyle. Kaya nasa isang abandonadong building kami ngayon. Tingin ng tingin sakin yung mga staff pati yung director. Napagkamalan pa nga kong yaya ni Kyle kanina. -____- Di man lang nila ginawang personal assistant mga hinayufak.
"Direk! Kulang na po yung gaganap na goons! Nag back-out po kasi yung isa may emergency"
"What?!! Tatatlo na nga lang sila tapos nagback-out pa yung isa! Di pwedeng magkulang!" nakakabingi naman boses netong si Direk. Halos maputol na yung ugat sa leeg sa sobrang pagsigaw eh.
"Ako na lang po papalit Direk" out of the blue kong sabi. Sabay sabay silang napatingin sakin.
"Seryoso ka?"
"Opo" ang lapad pa ng ngiti ko.

Wala na silang nagawa kaya ako na lang yung ipinalit nila. Nakatakip naman mukha ko eh. Ninja ampeg. XD Kunwari kami yung bubugbugin ni Kyle sa MV. Ang cool nga eh. Natawawa nga si Kyle nung ginagawa namin yung scene. Ang cute cute ko daw. Weh?
"Hahaha. Grabe. Ang cute cute mo talaga kanina Maria! Lalo na nung sisipain mo ko. Hahahaha" Andito kami ngayon sa 7eleven.Pagkatapos ng shooting dito kami dumiretso. Ano ba yan. Wrong timing. Kung kailan naman andito na kami sa loob tsaka naman ako natatae. Wala namang cr dito! T.T

"Huy Maria! Anyare sayo? Bat mukha kang namumutla. Tsaka bat parang di ka mapakali?" sasabihin ko ba? Edi naturn off sakin si Kyle!! Bat pa kasi dito! Di ko na kayaaaaa.
"Ah a-ano Kyle. U-Uwi na ko!! Babye na! Gabi na kasi! Hanap na ko ni Madam! Babyeee!" "Teka Maria!" patakbo akong lumabas. Binilisan ko ang lakad. San na ba toh? Kailangan ko nang mailabas toh. Di ko pa naman alam tong lugar na pinagshootingan nila Kyle. Pero parang pamilyar na sakin tong lugar na toh e. Parang napuntahan ko na. Ah basta! Natatae na talaga ako! Ayun. May damuhan dun. Buti na lang subdivision toh kaya wala nang pagala gala tuwing gabi. Di ako masyadong lumayo matataas naman ang damo kaya di ako makikita. Hehehe. Di ko mapigilang mapa-ire. Put* eh sa taeng tae na ko eh! Pake niyo ba! Hagis ko sa inyo toh eh. Joke lang. Grabe, may sound effect talaga yung pagtae ko.Buti na lang walang tao. Nakakahiya.
"Sht. Ang baho" Halaaaaa! May tao!!!! Ano gagawin ko?! Di na ko nag abalang tabunan yung jackpot ko at magpunas dahil sa sobrang pagkapanic. Nakiramdam ako. Wala na ata siya. Kailangan ko ng lumayo dito para di nila malaman ako ang gumawa ng krimen dito. Buwahahaha. Lumabas na ko mukhang wala ng tao. Pero.... WHAT THE HECK!!
"IKAW?!!!" Sabay naming sabi. Feeling ko nangatog buong katawan ko. Bakit sa lahat ng makakakita sakin siya pa?! HUWAYYY?
"Teka. What are you doing there? Bat amoy tae diyan sa pinaglabasan mo? Teka! Tumae ka dyan noh? Tama ba ko? Sht! Dito ka pa talaga nagkalalat ng lagim ha? HAHAHAHAHAHA. Nakakadiri ka. "
"Eh sa naccr na ko eh! Inggit ka? Edi try mo minsan! Tsaka bat ka nandito?! Stalker kita noh?!"
Pang aasar ko. Tsaka para maiba na di yung topic hehehe.
"Kapal mo. Baka nakakalimutan mo! SUBDIVISION namin toh!" Gotcha! Kaya pala pamilyar yung lugar na toh sakin. Taga dito nga pala siya. Tadhana nga naman. Nakaka bwisit.
"Bahala ka sa buhay mo! Nakapaglabas na ko ng sama ng loob kaya. Kaya babush!"
"Hoy di pa tayo tapos! Baka nakakalimutan mo TUTOR kita sa loob ng isang buwan. Pero di mo ginagampanan obligasyon mo!"
"Never na kong babalik sa bahay niyo! Puro pang aalipusta mo lang naman natatanggap ko"
"Iiyak na ko? Arte mo! Kung ayaw mo pumunta sa bahay edi ako na lang magtatransfer sa school mo. K bye Goy!" tumakbo na siya palayo sakin, uuwi na ata. Seryoso siya? Anong nakain nun at sya pa talaga mag eeffort para lang maturuan ko siya. Teka gago yun ah! Goy daw! Akala niya di ko alam yun!
"Ulol ka Baks! Bye!" Sigaw ko. Hahahaha. akala niya ha. "Baks" for short ng bakulaw. Tumakbo na din ako pabalik sa pinanggalingan ko.

[Author: Sana nagustuhan niyo tong chapter na toh! :) Bakit kaya medyo bumait si William? Hmmm. Hanggang dito na muna. XD Thank you sa pagbabasa. I love you all. Sana may magvote. XD Keep supporting kung meron man sumusuporta. Haha.]

SHE'S A QUEEN?[ON-PROCESS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon