"Uy Kyle galit ka? Sorry na please!" nandito ako ngayon sa tabi ni Kyle. Konti pa lang kami sa room, maaga pa kasi. Nagtatampo sakin si Kyle. :( Nakalimutan ko kasi na daanan siya kahapon dahil nga may session kami ni Gagong Baks.
"Nakakatampo ka talaga. Iniwan mo na nga ko nung nakaraang gabi sa 7 eleven tapos kahapon di mo man lang ako nagawang bisitahin. Hinintay kita" malungkot na sabi ni Kyle. Wala kasi akong cellphone kaya di ko naitext si Kyle kagabi. Naalala ko lang kasi nung nasa bahay na ko.
"Sorry na. Busy kasi ako kahapon eh. Sorry na please?" di pa pala alam ni Kyle yung about sa pagtututor ko kay William. Huminga ng malalim si Kyle at tiningnan ako. Syempre ano pa bang gagawin ko? Edi ipakita ang napakacute kong puppy eyes. Wahahaha.
"Kainis naman eh! Di talaga kita kayang tiisin" alam kong di naman talaga cute yung puppy eyes ko. Sa totoo nga lang baka kapag kayo ang nakakita kilabutan kayo. Ewan ko ba dito kay Kyle, weakness niya kasi ang puppy eyes ko. Bongga diba! Love is blind nga naman. Oy love as bestfriend ah. Baka sabihin niyo assumera ako kahit totoo naman. Hahahaha.
"So...bati na tayo?" nakangiti kong sabi. He chuckled.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Tiklop ako sayo eh" niyakap ko siya.
"Thankyou!""Nubayan. Landi ni witch oh"
"Kalandian overloaded!"Grabe tong mga classmate ko. Di man lang nila binulong pinag uusapan nila. Rinig na rinig ko eh. Sa bagay sinadya naman talaga nila iparinig.
"Don't mind them princess" napangiti ako. Teka! Ano daw?
"P-Princess?" feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha kong puno ng tigyawats. Yah, with "s" kasi ubir dami sila. Hahaha.
"Ayaw mo ba? Biruin mo ang tagal na nating magbestfriend pero wala pa din tayong endearment" oo nga naman. Pero ano kashi! Ang sweet masyado ng Princess! Para kaming magjowa. Pwede bang honey na lang. Bwahahaha.
"Anong itatawag ko sayo?" bigla niya kong kinurot sa ilong.
"Di pa ba obvious? Edi prince!" para akong tinutunaw sa ngiti ni Kyle. Pag ako di nakapagtimpi sasakmalin ko na toh. Joke! Ang tanga ko talaga. Naturingan pa naman akong scholar. Di ko naisip yung prince. *pout*
"Balik na ko sa upuan ko ha? Mag rereview muna ako Prince ko" oh ano ha! With "KO" pa! Yes. Pag mamay-ari ko siya. He's my property. If you don't want to die stop flirting my prince Kyle! Hahahahaha. Kung ano ano na pinagsasabi ko. Ang layo na sa realidad. Assuming much.
"Okay Princess ko" He said "KO" Am I right?! OMG. Putek! Basa na ata panty ko sa sobrang kilig. Joke lang! Pag naging kami na baka dun pa lang ako maihi. Haha. Bumalik na ko sa upuan ko na may abot tengang ngiti. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkakilala ni Kyle.3RD POV
First day of school. Tiningnan ni Maria ang itsura niya at ang mga estudyante na nadadaanan niya. Ibang-iba siya sa mga ito. Para siyang naligaw.
"Hala paano nakapasok ang pulubi sa school natin?! Kadiri"
Grabe ha? Pulubi talaga? Eh katulad niyo nga ko ng uniform. Sambit ni Maria sa isip niya..
Kinakabahan siya. Feeling niya lahat ng mata ay sa kanya nakatuon. Kung umuwi na lang kaya ako? Tanong niya sa sarili niya. Naiiyak na siya. Natatakot siya sa mga mapang matang tao na nasa paligid niya. Parang anytime sasaktan siya ng mga ito.
"Hmm. Hello" napatigil siya dahil may taong nakaharang sa dadaanan niya.
"First year ka din?" nakangiting niyang tanong.
BINABASA MO ANG
SHE'S A QUEEN?[ON-PROCESS]
RomanceHello! Unang storya ko to! XD Sa totoo lang madami na kong nagawa. Pero di ko natatapos yung iba. Tsaka wala akong lakas ng loob na magpublish. ㅠㅠ Haha. Support niyo po toh. Tumatanggap po ako ng negative comments. XD Gusto ko talagang ma-improve yu...