Chapter 6 : Saviour

13 0 0
                                    

"Madam alis na po ako!" sigaw ko mula sa baba.
"PUNYETA! EDI UMALIS KA!" napasimangot ako. Nagpapaalam lang naman e. -_- Lumabas na ko ng bahay at nilock ko na yung pintuan. Ayaw kasi ni Madam na naiiwang bukas yung bahay niyang bulok. As if naman may magtatakang pagnakawan siya. Eh baka pag nakita ng magnanakaw yung bahay niya mapagkamalan pang hunted house.

"Hi Princess!"

"Ay panty ni Marcos!"

"Baka brief ni Marcos. Hahahaha" hinampas ko siya sa braso.

"Adik ka. Ginulat mo ko. Bat ka nandito? Diba maaga lagi practice niyo?" player kasi si Kyle ng basketball at siya ang teamcaptain. Galing niya noh?

"Rest day namin ngayon. Napapansin ko kasi sa iba kong mga kagrupo na napapabayaan na nila yung pag-aaral nila dahil sa puspusang practice kaya naglaan ako ng araw para makapagpahinga sila"

"Naks! Bait!"

"Syempre. Tsaka matagal na din tayong di nagsasabay pumasok" nakangiting sabi ni Kyle.

"Oo nga eh. Namiss ko yung paglalakad natin ng sabay"

"Gusto mo sabay ulit tayo mamaya? May pupuntahan tayo"

"Ano kasi eh.."

"Ano?"

"You know. After class may session kami lagi ni William. Kailangan ko siyang turuan"

"Ay oo nga pala" malungkot yung tono ng boses niya.

"Bawi ako next time!"

"Pano kung wala ng next time?"

"H-Ha?"

"Pano kung di na tayo magkita?"

"Ano bang-"

"Joke lang!" kinurot niya ko sa ilong sabay takbo.

"YARI KA TALAGA SAKEN KYLE!" at hinabol ko siya.

*CLASSROOM*

Tiningnan ko yung wrist watch ko. Anong oras na wala pa si Baks. Saan na kaya yun? Teka?! Bat ko ba hinahanap yun! Maganda nga pag wala yun! Walang peste! Walang epal!

Dumating na yung bakla naming teacher sa english. Tahimik akong nakikinig sa discussion ng bigla akong kinalabit ni Kyle.

"Pwedeng diyan muna ako sa tabi mo? Absent din kasi yung katabi ko eh" nakangiti akong tumango. Dali-dali naman siyang lumipat sa tabi ko.

"Mr.Gyo, go back to your seat" madiin na sabi ni Sir Baylon. Nagkamot ng ulo si Kyle atsaka bumalik sa upuan niya.

Wala nga yung isang epal, may isa namang dumating na epal. Katabi ko na eh! Nako, masasapok ko tong bakla na toh!

"Anong problema mo Ms.Laurel? Bat ganyan ka makatingin?" iniayos ko yung lukot kong mukha.

"W-Wala po Sir.." ipinagpatuloy niya na yung pagtuturo niya. Nawalan na ko ng ganang makinig.

After ng ilang subjects, sa wakas uwian na!

"Hoy! Makakasabay kita" inagaw ni Kyle yung dala kong libro.

"Oo na!" hinatak niya ko at patakbo kaming lumabas ng school. Di halatang excited siya Nag antay kami ng taxi. Saan kaya ako dadalhin neto? Hmm. Baka sa condo niya! Tapos! Alam niyo na yun. Hahaha. Baka kung anong isipin niyo ha. I mean baka magmomovie marathon kami. Lol.

Kriiiiingggg

"Teka lang ha? Sagutin ko lang toh" tumango ako. Medyo lumayo siya sakin. Bakas sa mukha ni Kyle ang pagkagulat. Sino kaya ang kausap niya?

SHE'S A QUEEN?[ON-PROCESS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon