Chapter Two: Isa Pang Favor!

3.6K 68 6
                                    

Chapter Two:

Isa Pang Favor!

-Kevin's POV-

Pagka-uwi niya, ihiniga ko na ang sarili ko sa kama at nagsayang nanaman ng isang milyong litro ng luha para sa taong sa panaginip ko lang makakasama. Para akong TANGA.

Tumagal sila ng ilang weeks hanggang sa ilang months, hanggang ilang years, hanggang sa makatapos na lahat kami ng pagaaral at nakahanap na ng kanya-kanyang trabaho.

May mga oras ding hindi sila nagkakaintindihan na magjowa at sa kasamaang palad siyempre sa akin sila tatakbo para humingi ng tulong. Nagpapaka-kuya minsan, minsan nagpapaka-'bestfriend'. Yung feeling na responsibilidad mo na payuhan sila para magka-ayos.

(Even if I'm secretly hoping that a miracle will happen and Lester will choose me over Nicole.)

Malamang sa malamang hindi naman nangyari yun. At dahil cliché nga ang istorya na to, what should we expect to happen next?

***

One day, I woke up to my sister's excessive screaming and shouting.

I ran to her bedroom and saw tons of flower petals on the floor. Aakalain mong dumaan ang parada ng Panagbenga sa kwarto niya. Napanghinaan ako ng loob sa nakita ko sa kama niya. :(

The rose petals spelled:

"NICOLE, WILL YOU MARRY ME?"

***

So heto ako ngayon, nasa isang bakery na kakilala ni Mama ang may-ari. Tatlong 4 Tiered cake ang inoorder ko, magkakaibang design at magkakaibang flavor. Hindi ko rin naman kakainin to kasi fondant yung gagawin eh hindi naman malinis yun.

Nagpapasalamat na lang din ako na kahit mukha akong engot dito, yun lang ang na-assign na task sakin.

*Pero siyempre akala ko lang yun.*

Habang naglalaro ako ng Clash of Clans na yan para pumatay ng oras, nagvibrate ang phone ko. Patay. Talo.

*Lester Calling*

"Boy bakit?" Kako na may halong inis.

"Kevin, favor please. Last na to. Alam mo namang hindi makakauwi si Kuya diba?" Fuck you and your favors, Lester.

"Go straight to the point, I'm busy."

"Be my BESTMAN." Tangina.

"Sige." :(

"Isa pa please. Sing for me at the reception. I love you a lot. Thank you!"

"Ano?"

"Kako, I owe you a lot. Thank you!"

Of course he does! Pota.

How do I handle being the bestman in the wedding of the man I love? How do I sing for my sister and my bestfriend's wedding without breaking down?

Ano bang magandang kantahin?

Let Me Be The One by Jimmy Bondoc?

Later by Fra Lippo Lippi?

Focus by Ariana Grande?

Work by Rihanna?

Ah alam ko na.

You Were Mine by Dixie Chicks.

Akin Ka Na Lang, Please? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon