[11]

64 1 0
                                    

Third Person POV
Gulat na gulat ang si Yoshi ng tumambad sa harapan nila ang isang putol-putol na katawan. Napatutop si Meghan sa bibig para mapigilan ang pagsusuka.

"unnie! Close the door! Nasusuka ako eh." tila walang narinig si Yoshi dahil nakatitig parin ito sa putol-putol na katawan. Walang maisip na paraan si Meghan kaya't ito na ang sumara ng pinto ng closet. "unnie! Unnie!" tila natauhan naman ang dalaga at napatingin kay Meghan.

"ha?" sabi ni Yoshi. Napa-'tsk' si Meghan sa inasta ng kaibigan.

"wala ka sa sarili mo kanina, Unnie. What happened?"

"akala ko kasi, si Scarlet 'yun. In-examine ko pa 'yung damit. Kaso, you closed the door at hindi ko alam kung kaninong katawan iyon." napa-iling si Meghan.

"hindi 'yun katawan ni unnie Scarlet, unnie Yoshi. Naka-shorts si unnie Scarlet na color pink then white sleeveless na damit. Eh yung kaninang putol na katawan sa loob nyan *turo sa closet* nakasuot ng dress." napatango si Yoshi.

"we need to find them, Meghan. Pero, we need to rest muna. I'm sure masakit parin ang paa mo."

Tango lang ang sinagot ni Meghan at nahiga na agad sa kama. Umisod lang ito ng kaunti para mabigyan ng kaunting espasyo si Yoshi. Ng masigurado na ni Yoshi na safe ang lugar ay nahiga na ito at nakatulog naman agad-agad.

Samantala, takot na takot si Scarlet habang nakatago sa katabing kwarto nina Yoshi at Meghan. Puro sya kalmot sa hita dahil ito ang nakakalmot ng matandang humahabol sa kanya. Nanginginig sya habang hawak-hawak ang doorknob ng pinto. Nakasilip sya sa butas ng pinto upang makita kung sino ang maaring dumaan rito.

Maya-maya ay may dumaang matanda. Nanlaki ang mata ni Scarlet at hinigpitan pa lalo ang kamay sa doorknob. Lock naman ito pero mahirap na. Baka masira parin. Tumigil sa harapan ng pinto ng kwarto kung nasaan si Scarlet ang matanda. Lalong kinabahan si Scarlet ng pilit binubuksan ng matanda ang pinto.

"god, please help me. Ayoko pang mamatay. Please." sabi ng dalaga sa sarili sabay pikit ng mariin.

tila naman, sinunod ng panginoon ang panalangin ng dalaga. umalis sa tapat noon ang matanda at nagsimulang maglakad palayo. napamulat si Scarlet dahil wala syang narinig na mga ungol.

"s-salamat po, god." bulong nito sa sarili.

Pero laking gulat nya ng banggain ng matanda ang pinto niya. Kumuha lang pala ito ng lakas! Tila nabaliw si Scarlet ng makitang pasira na ang pinto.

"w-wala. kailangan k-ko nang mag-t-tago!" agad syang pumasok sa closet. maingat nya iyong sinara at sumilip sa natitirang butas sa closet. Kinabahan sya ng pumasok ang matanda sa kwarto.

Sisipat-sipat ang matanda. nakikiramdan ng kakapirangot na ungol o hikbi. tutop ni Scarlet ang bibig. ayaw nyang gumawa ng ingay na ikakamatay nya.

Muntik na syang mapatili ng biglang bumukas ang cabinet. Nahuli sya! kamatayan na ba nya? Pumikit sya at itinulak ang matanda. agad syang tumakbo sa kung saan-saang pasikot-sikot. Natumba sya ng bumangga sya sa isang pader.

"Scarlet?" napa-mulat sya.

"Jake?" tinulungan ni Jake si Scarlet na tumayo.

"shhh! i see her." at agad na tumakbo si Jake kasama siya. hindi nila alam kung saan sila napupunta kaya tumigil sila sa isang pinto at pumasok doon.

"n-natatakot ako!" umiiyak na sabi ni Scarlet.

"shhh! hwag ka ng umiyak. tiyak na makakaligtas tayo dito." tumango naman si Scarlet.

makalipas ang ilang minuto naramdaman ni Jake at Scarlet ang bigat ng talukap ng kanilang mga mata. kaya umupo sila at natulog nang nakasandal sa pinto.

~•~
A/N: sorry for slow update! busy sa school eh! pero christmas break na namin kaya oks na!

happy 500+ na readers ng TROS! labyuh talaga!

The Revenge of SlendrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon