Chapter 16

44 1 0
                                        

Third Person's POV

Napangisi si Chel. We're ready huh? Dahan-dahan siyang naglakad sa dalawa. Nang malapit na siya rito ay may kung anong bumato sa kanya.

Nanlilisik ang mga matang tumingin siya sa likod. At laking gulat niya ng makilala kung sino ang nambato sa kanya.

"Jonash? Charlotte? What the heck?!" Gulantang niyang bulalas.

"Bakit? Nagulat ka ba namin ng babe ko?" Sabi ni Charlotte ng nakangisi at umangkla sa braso ni Jonash.

"Walang hiya ka Jonash! Akala ko ba ako lang ha?!" Galit na sigaw ni Chel.

"Akala mo lang 'yun Chel. Si Charlotte talaga ang mahal ko." At walang ano-ano'y hinalikan nito ang dalaga.

"Napakabilis mo talaga babe. Ginugulat mo ako." At niyakap nito si Jonash gayundin ang binata.

Mas lalong nagalit si Chel at kinalimutan ang dalawang babae.

"Umalis na kayo. Kami na ang bahala kay Chel." Jonash mouthed. Tumango si Kristelle ang hinila si Lovely palayo.

"Babe, i think she's mad na. What to do?" Nang-iinis na sabi ni Charlotte at nag-aktong natatakot.

"Don't worry babe. I'm here." Sambit ng binata.

Kung hindi ka lang ganito Chel. Mahal na mahal kita pero hindi ko aakalain na ganito pala ang ugali mo. Sambit ni Jonash sa sarili.

"Mamamatay kayong dalawa!" At hinablot nito si Charlotte.

Hindi natakot si Charlotte dahil alam na naman nila ang kapalaran nila sa gubat na iyon. Ang mamatay.

"I'm not scared. Sorry not sorry girl. Ikaw ang mauuna." At tinulak nito si Chel dahilan para mapunta siya sa may bangin. "Haha. Ang ganda mo pala diyan. Mukha kang si Taylor Swift. Nago-out of the woods lang ang peg." Natatawa nitong sabi.

"Animal ka!" Tatayo sana si Chel n apakan ni Jonash sa tiyan si Chel. "A-accckkk!!! J-Jonash!"

"Kailangan mo nang mawala–ahh!" May pumalo sa likod ni Jonash.

"Won't let that happen, Jonash." Nakangising sambit ni Paul.

"Brad! Si Chel ang may dahilan kung bakit nawawala ang iba nating kaklase! Tsaka kung bakit may namamatay sa atin!"

"Wala akong pake. Dahil isa ako sa kanila." Nakangisi nitong sabi.

"A-akala ko–" may sumipa sa likod niya.

"Na isa lang ang killer?" Mas nagulat si Jonash nang lumabas sa kung saan si Abby.

"Marami kami, Jonash. Hindi mo kami kaya. Nandito lang kami sa paligid." Sabi sa kanya ni Chel at sinakal siya.

"Tutal mamamatay ka na naman, ipapakilala ko na sa'yo ang ibang traydor." Nakangising sabi ni Abby at pumeywang. "LUMABAS NA KAYO!" Sigaw pa nito.

Lumabas sina Abby, Cindy, Ashley, Aaron, at Nathan. Nanlaki ang mata ni Jonash.

"Lahat kami sa Tent 1 traydor. Pwera sa inyo ni Charlotte. Abby! Itulak mo na si Charlotte–"

"H-hwag! T-Traydor 'din a-ako! A-A-Actually, ako ang unang n-naging t-traydor!" Ngumisi silang lahat. Kahit papaano pala ay takot parin itong mamatay.

"At paano naman? Ang alam ko si Chel ang una." Naningkit ang mata ni Charlotte.

"Cindy, di'ba noong first day nawala ako? Then nakita mo akong natakbo at nakabangga pa kita." Tumango si Cindy. "That time isa na akong traydor. I didn't kill you kasi nga alam kong magiging isa kang traydor." Nanlaki ang mata ni Cindy.

"Iyan 'din ang sinabi niya! May isang babae ang nauna sa ating lahat. At siya ang dahilan kung bakit lahat tayo ay ganito!" Sigaw ni Ashley.

"C-Charlotte...? K-killer ka 'd-din?" Tumango si Charlotte.

"Sorry Jonash...bye." Pinukpok ni Nathan si Jonash ng bato sa ulo at sinuntok ni Aaron ang tiyan nito bago nawalan ng malay si Jonash.

"Let's go. Idala na iyan sa kanya matagal na niyang inaasam makasama ang mahal niya." Sambit ni Chel ng may mapait na tinig. Mahal niya si Jonash pero baka patayin siya ng tunay na nagmamay-ari nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Revenge of SlendrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon