Jamie Lee
hello! ako si Jamie Lee. gustong-gusto ko lagi ang mag-rap. hindi ako tomboy, huh? mahilig lang talaga akong mag-rap. nandito ako sa gate ng bestfriend kong si Scarlet. kakapagtaka nga kung bakit ayaw niyang itawag namin sa kanya ay Bella. hmmmm...
*ding-dong*
"ay, gandang hapon po, ma'am Jamie. pasok po." tumango ako at pumasok na. i'm really impressed sa bahay ni Scarlet. sobrang linis eh.
"SCARLET!!!" sigaw ko habang naglalakad sa kusina. may naamoy akong mabango.
"uy, Jamie. asan 'yung dalwa?" tanong ni Scarlet ng walang lingon-lingon. ito pala ang naaamoy kong mabango. ano kaya 'to?
"ewan. hindi na kami nagkita simula 'nung dismissal." sagot ko.
"bakit ang aga mo?" maaga?
"maaga pa ba ang 7:37 pm, Scarlet? kung maaga, well, gusto ko lang talaga ang maaga akong nakakapunta dito. tsaka, ano 'yang niluluto mo?"
"pork steak. tikman mo nga ang sabaw. baka kasi maalat." kumuha siya ng kutsara at kumuha siya ng sabaw. tinikman ko naman ito.
"hmmmm! ang sarap! wah! nagutom ako! kain na tayo!" biglang nagutom si tummy ko. haha!
"mamaya na. kapag nakadating na 'yung dalwa. lalo na si Yoshi. late lagi 'yun. mga 9:00 pm pa tayo makakakain." nag-pout ako. sayang.
"oo nga 'no? i-akyat ko lang ang gamit ko sa kwarto mo."
"yaya, samahan mo si Jamie." umakyat na kami ni yaya. pagpasok ko sa bedroom ni Scarlet. ang laki talaga! kasyang-kasya kaming apat sa kama ni Scarlet. may couch, may flat screen TV, may mini-ref, at marami pang iba. basta, para siyang mini-house eh. astig di'ba?
biglang pumasok si Scarlet. "Scarlet, habang nakain, movie marathon tayo." yaya ko.
"sige ba. anong gusto mo? drama, horror, o comedy?" ayoko nga ng horror. ayoko 'rin ng drama. so,
"comedy. para masaya. haha!" sabi ko habang kumukuha ng pantulog.
"maglilinis lang ako. naiinitan ako eh." tumango si Scarlet."yaya, heto ang pera. bumili ka ng popcorn. okay?"
"opo ma'am." rinig kong sagot nung katulong bago pumasok sa banyo.
~*~
*ding.dong*"oh, baka si Meghan o si Yoshi na 'yan. buksan mo dali." utos sa akin ni Scarlet. tamad nga naman. tumayo na ako at pagbukas ko, si Meghan.
"hi! andyan na ba lahat?"
"hi 'din! hindi pa eh. wala pa si Yoshi. you know, mabagal lagi 'yun kumilos." sabi ko at tinulungan ko siyang ipasok ang isang bagahe niya.
"hi Scarlet!" masiglang bati niya kay Scarlet. ngumiti lang si Scarlet. snabera 'din itong si Scarlet eh.
"Jamie, samahan mo naman ako sa taas. magbibihis lang 'din ako." nagmamakaawang sabi ni Meghan.
"no need to do that ultimate puppy eyes, Meghan. sasamahan talaga kita." niyakap naman ako ni Meghan.
"yipee!!! tara na!" tapos hinila na lang ako basta ni Meghan.
pagpasok namin, pinuntaham naman niya ang isa pang cabinet. may sari-sarili kaming cabinet dito sa bahay ni Scarlet. may sarili 'rin kaming kwarto dito. kaso, hindi namin trip matulog sa sari-sarili naming kwarto.
pati sa bahay naming tatlo, may sari-sarili kaming kwarto at cabinet. kaso, katulad namin, hindi namin trip ang matulog sa mga rooms namin. hahaha!
"huy, Jamie. tapos na ako. tara?" na-spaced out ako. haha!
"sige," sabi ko na lang at bumaba na kami. naabutan naming tawa ng tawa si Scarlet sa pinapanuod niya.
"HAHAHAHAHA!!! SHEMAY! NADAPA! PLAKTA ANG MUKHA EH! BWAHAHA! MUKHANG PALAKA!" jusko. nanlait pa si Scarlet.
"uy, paupo kami." umusod si Scarlet at umupo naman kami. i really love my bestfriends. even na mabagal si Yoshi, Selfie Queen si Meghan at Snabera si Scarlet, i don't care. i'm lucky to have them.

BINABASA MO ANG
The Revenge of Slendrina
Mystery / Thrillerang larong kinagiliwan ng lahat... ang larong kinatakutan ng lahat... maghahasik ng lagim sa mundo... maghanda sa pagsugod niya... she will take her revenge for her granny and for her baby. better watch out when your alone. maybe, Slendrina is at yo...