MOVE ON

129 4 2
                                    

Prologue

Nasa ground floor ako ng school namin, sa garden. Ng biglang nag-beep yung cell phone ko.
text message galing kay Jeck.

Dali dali kong binuksan 'yon at binasa ang nakasulat.

From: Jeck

"Punta ka ng Roof top, may sasabihin ako sayo."

Napangiti ako dahil naalala niya pala, 3rd monthsarry namin ngayon. Rereplyan ko sana yung message sakin ni Jeck kaso lang may bumangga sakin..

"Ouch! Di kase nagdadahan-dahan eh. Masyadong makati." sabay irap.

Wow. Ako na nga 'tong binangga siya pa nagalit? What a life.

Umiling nalang ako at tuluyang umakyat sa hagdan.

Matagal na kaming nagsasama ni Jeck, Sikat siya sa school na pinapasukan ko. At oo, maraming nagagalit dahil daw di kami bagay. Kesyo nabulag lang daw si Jeck sakin. Pero wala lang 'yon sakin. Insecure lang sila.

Ng nasa tapat na ako ng pintuan ng Rooftop. Ay di ko sinasadyang makinig sa usapan, nakita ko si Jeck doon at kasama niya si Jatnice.

"Ang tagal naman Jeck! Nangangati na ako oh! Makipagbreak ka na! Hindi mo naman talaga siya mahal, tapos na ang 3 months. Tapos na ang bet niyo nila John at panalo ka na. Sabihin mo sa kanya ang totoo!" Naguunahan ang mga luha ko sa pagtulo.

Why me? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong mali na ginawa...

Pinunasan ko ang mga luha ko at tuluyang pumasok. Ipapakita ko sa kanya na hindi ako nasaktan, right.

"Uhm. What is it, Jeck?" Nakangiti kong tanong.

Ngumiti rin siya sakin at humakbang papalapit.

"Let's break." Diretso niyang sinabi. Ngumiti lang ako sa kanya at pinigilan ang mga luha ko na tumulo.

"Okay." Tumalikod ako, sabay ng pagtalikod ko ang pagbagsak ng mga luha ko. Naglakad ako papalayo sa apoy, pero tumigil ako dahil may iiwan ako sa kanya.

"Ah, Oo nga pala Jeck. 3rd monthsarry natin ngayon. Salamat pala sa regalo mo, buti nalang talaga at di ko binigay ang regalo ko sayo. Kung gusto mong makita, kuhanin mo kay Tomas. Naaalala mo pa ba siya? Siya yung may gusto sakin. Haha." Tumawa ako ng peke. Tinatagan ko pa lalo ang sarili ko.
"Sana naman, sinabi mo na sakin nung una pa lang na bet lang pala ang lahat. Edi sana nakipag-plastikan ako sayo, diba? Unfair eh. Sa susunod na gawin mo ulit 'yan sa iba. Sabihin mo muna, masakit kaseng paglaruan ng taong minahal mo ng sobra eh. Nga pala, ano ba ang premyo mo sa bet niyo nila John? Siguro isang magandang Sports car kaya pumayag ka 'no? Haha. Sige.. Sa susunod na pagkikita natin, Jeck."  Yun ang huli ko sinabi ng taon na 'yon. It's my fault, ang tanga ko... Umupo ako sa may upuan bandang gilid.

Tuluyan na akong umiyak, wala naman masyadong tao dito kaya walang masyadong makakakita. Iyak lang ako ng iyak, may mga mura na bumibitaw galing sa bibig ko.

Magmumura na sana ako ng may nagsalita sa tabi ko,

"Ano ba yan 'tol, Mura ka naman ng mura. Ilang pitik na ba ang pipitikin ko sa bibig mo bilang parusa? Mag-move on ka. Wala ka namang mapapala kung iiyak at iiyak ka lang diyan sa tabi. Labanan mo, huwag kang magpapatalo. Halika na, uwi na tayo." Tumango ako at sumama kay Kuya.

Makakamove nga ba siya? O mananatiling isa lang ang nasa puso niya? Paano kapag hindi iyon nagbago? Magpapakatanga na nga lang ba siya sa isa?

-

MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon