Chapter Five

34 3 0
                                    

"The fuck. Anong balak mo? Paghintayin kami dito para lang sa non-sense mong pangalan?" WHAT THE FUCK!

Napasulyap ako sa nagsalita, Malanding lalaki. Makipagflirt daw ba sa klase? Manners please.

"Okay I'm sorry, My name is Semestria Dellecastro----"

"Kaano-ano mo si Semestrio Dellecastro?" Giit ng lalaki. What's his problem with ma twin brother? Kanina pa siya ah!

"He's my twin brother. Can I finish my speech now? Your interrupting me, stupid." Mataray kong sabi, at napa-O yung bibig nila. What? Wala naman akong sinabi na masama diba? Psh.

"Semestria Dellecastro at your service. I'm the transferee. You can call me Sem, Can I take a sit now?" Tanong ko.

Kadalasan kasing tawag sakin sa school ay Sem eh. Di ko nga alam kung bakit di ako nagagalit. Samantalang sa bahay, Estria ang tawag nila mama sa akin.

"Alright. Take a sit now, Miss. Dellecastro. You can occupy the sit beside the chair of Mr. Villamor." Nakangiting sabi ni Ma'm.

Tumango ako at naglakad papunta sa upuan na 'yon. Bumalik naman na ang atensiyon nila kay Ma'am Carpio at ayos na ang klase.

"Hello. Zico here." Muka naman siyang mabait. Pero sana nga.

"Kilala mo naman na siguro ako 'no? Haha."

"Yep! Can I call you Semmy?" Aww. He's so sweet.
Man hater.

"I'm sorry. Don't ever talk to me. Thanks." Tumingin ako sa whiteboard at nagsulat.

"Huh? Bakit naman? Di naman ako masamang tao ah. Haha." Sabi niya sabay sulat rin.

Tumingin siya sakin ng diretso. What's with him? Natahimik lang ako habang nagsusulat.

Manhater ako, Ayokong mag-karon ng kaibigan na lalaki. Ayoko.

Natapos ang apat na klase, Nasa cafeteria ang lahat. Umorder ako ng Moo at cupcakes. Busog naman kase ako at hindi ko kaya ang mga bilihin dito. Tama nga si Kuya, Hindi pipitsugin ang school na 'to.

Nakahanap ako ng upuan, dun sa bandang gilid. Tahimik akong kumakain, maya-maya pa ay may tumabi sakin.

"Pwedeng pakishare ng sit? Wala na kaseng bakante eh." He's eye. Leshe! Ang ganda ng mata niya! Omagulay~

Hindi ako sumagot, Ba't ba ang kulit niya? Umupo siya sa harapan ko.

Napataas ang kilay ko.

"Sinabi ko bang umupo ka diyan?" Mataray kong tanong. Akala ko ba maganda dito? Masyadong makulit ang mga tao dito.

"Silence means yes." Nakangiti niyang sabi.

"Silence means no, moron. Hindi ako sumagot kase ayoko. Now, go and I don't want to see your face." Madiin kong sabi. Nakakainis. Umaakyat yung dugo ko sa muka ko dahil sa inis.

"Who-whoa~ Easy. I just want to be your friend, Semmy." Friend? I don't need a friends.

"Don't call me Semmy. Just take an another sit. Please!" Uminom ako ng Moo para mahimasmasan ako. Ubos na rin naman na yung pagkain ko kaya aalis na ako. Ayokong makita yung muka niya, Err.. Imposible. Kaklase ko siya eh.

Tumayo ako at akmang aalis na pero may humawak ng kamay ko.

Napasinghap nalang ako at hinarap siya.

"What?" Iritado kong tanong.

"Kung ayaw mo 'ko maging kaibigan dahil lang sa alam mo na ang mga lalaki ay manloloko. Pwes, ibahin mo 'ko. You can trust me. Hindi ako kagaya nila. I can be your best friend, Sem." Giit niya.

"I don't need a fucking friends, Zico. I just want to be alone." sabi ko sabay alis.

Hindi ko naman talaga kailangan ng kaibigan eh. Mas gugustuhin kong magisa kesa sa may kaibigan.

Diretso akong naglakad papalabas ng cafeteria. Marami-rami na ang tao sa labas.

Umupo lang ako sa isa sa mga benches dito. Maraming naku-kwentuhan dito. Bakit kase pumayag pa akong magtransfer eh.

"Malungkot talaga kapag mag-isa. Sabi naman sayo, nandito nga ako oh." Napatingin ako sa nagsalita. Umiling nalang ako at tumayo na. Tumakbo ako papuntang garden. Sigurado ako na hindi na niya ako makikita dahil sa bilis kong tumakbo. Ba't ba kase niya ako sinusundan? Wala ba siyang ibang kaibigan? Psh.

Humiga ako sa damuhan, gusto kong mapagisa. Hindi yata tama na mag-transfer ako eh. Bakit ba kase ganun? Mahal ko pa ba siya? Hindi na eh! Ang sakit lang kase talaga. Gusto kong maghiganti sa kanya. Gusto kong mag-move on. Akala ko madali lang 'yon.

"Ginawa ko naman na ang lahat ah! Bakit ba kase di pa kita makalimutan?! Nakakainis ka! Siguro ikaw ang dahilan kung bakit ayoko ng makipag-kaibigan sa mga lalaki! Ganun ang ginawa mo sakin eh! Kinaibigan mo ako nung una tapos nagkagusto ako sayo. Tapos malalaman ko lang na bet lang 'yun?! Ha?!" Di ko na napigilan, tumulo na ang luha ko.

"B-bakit ba k-kase ganun? Sabi hindi na ako iiyak ng dahil sayo eh!" Bumangon ako at isinubsob ang muka ko sa tuhod ko. Doon ako umiyak.

"'Yon ba ang dahilan kung bakit ayaw mong makipag-kaibigan sakin?" Boses ng lalaki. Halatang nakangiti siya habang lumalabas ang mga salitang 'yon sa bibig niya.

Huh? Sino 'yon?

Napatingin ako sa likod. Hindi ba talaga niya ako tatantanan?

"Z-zico?"

-

MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon