Chapter One

80 4 1
                                    

"Mudra naman! Ayokong mag-transfer~ Magpapakabait na po ako! Promise!" Itinaas ko ang kanang kamay ko na para bang nangangako.

"Hay nako, Semestria. Tigil-tigilan mo 'ko diyan sa promise-promise mo!" umiling si Mama at umupo sa sofa.

"Mudra nama---"

"Wag kang makinig diyan kay Semestria Ma! Palagi ka nalang ipinapatawag dahil may nagawang kasalanan 'yang bata na 'yan. Dun nalang rin siya sa school na pinapasukan ko para makita ko kung anong ginagawa niya." Singit ng tipaklong kong kuya.

The fudge! Nagsasanib pwersa sila. Lagot 'to sakin si Kuya!

"Magpapakabait--"

"Sige, para maturuan 'to ng magandang asal si Estria." Nagtakip ng tenga si Mama na ipinapakitang ayaw niyang makinig sa sasabihin ko.

Tumingin ako ng madilim kay kuya at tumakbo papunta sa kanya.

"IKAW! TIPAKLONG KA TALAGA! WAAAAAAAAAAAA!" Naglampaso ako sa sahig.

Nakakaasar! Ayokong mag-transfer!

"Ano ba 'tol! Maganda dun sa school ko 'no. Hindi 'yon cheap. Wag ka ngang magwala diyan!" kumuha si Kuya ng chips sa ref at inabot sakin.

"Ewan ko sayo." Nakasimagot akong umupo sa Sofa.

"Ayaw mo 'nun?! Sabay tayo papasok sa umaga."

"Sabay din ba tayo ng uwi? Ha?!" this time. Nabatukan ko na si kuya.

"Tol kase eh! Ayoko dun sa school niyo." Sabi ko sabay kain ng Chips.

"Aray! Maganda nga dun 'tol!" inirapan niya ako. Naiirita na siguro talaga 'to. HAHA.

Siya yung kuya kong tipaklong. Kabaligtaran naman ng pangalan ko at pangalan niya.

Semestria Dellecastro ang pangalan ko. Nakatira ako sa subdivision. Tama lang samin yung bahay namin, siyempre kasama ko yung pamilya ko. Si Mudra at si Pudra. Nasanay na kase ako na ganyan ang tawag ko sa kanila eh. 'Tol naman ang tawagan namin ng kuya ko. "Utol" kase.

"Mudra!" Sigaw ko at dumiretso sa kusina.

"Oh? Problema mo?" Ang taray ng nanay ko. Haha!

"Payag na 'ko muds. Dun nalang ako sa cheap na school na pinapasukan ni 'tol." Nakapikit kong sinabi.

Maya-maya pa ay..

.

.

.

"ARAY KO MUDRA!" Sigaw ko.

"IKAW NA BATA KA! UMAYOS KA HUH?! BABAE KA! WAG MONG SABIHIN NA TOMBS KA!" Galit na sigaw ni Mudra.

Biglang sumilip si Kuya sa pintuan.

"Mudra naman! Babae 'to no!" Nagpoise ako ng panlalaki. Inaasar ko lang ang nanay ko. Haha.

"Ikaw!--"

"Joke lang Muds! Easy~ Just kidding. Haha." tumakbo ako at baka makurot nanaman ako sa singit ng napaka-madaldal kong Mudra.

"Walang biro-biro sakin Semestria ha!" sigaw ni Mama.

"I'm home!" Narinig kong boses ng Pudra ko kaya dali-dali akong lumabas ng kusina.

"Pudra! Doon na daw ako papasok sa school ni Kuya, Ita-transfer daw ako ni Mudra." Sabi ko sabay bless. Ganun din ang ginawa ni Kuya.

"May kasalanan nanaman kase si Estria, Pudra." Sabat kuya.

"Mabuti 'yon. Kelan ka daw ililipat?" tanong ni Papa habang nagtatanggal ng sapatos.

"Bukas na bukas din, Mahal!" sigaw ni Mudra galing sa kusina.

"Ew!~ Mahal? Mahal ang bigas, Mudra." Napairap ako sa ere. Umupo ako sa sofa at kumain ng Chips.

"Buti naman at napapayag mo 'tong si Estria, nga pala. May binili akong sapatos." Biglang naging ganito ang mga mata ko ng ipakita ni Pudra ang binili niyang sapatos. *O*

"ANG GANDA NG RUBBER SHOES PUDRA! BAGAY SAKIN!" assumera talaga ako. Haha.

"Ang kapal na muka nito oh. Sakin kaya 'yan!" Sigaw ni Kuya.

Oo na, kami na maingay. Pffts.

"Pudra~ Sayo 'yan? Gusto ko rin ng ganya pudra!" Sabi ko at tinarayan si Kuya.

"Ang ingay niyo, Meron din kayo eh." Inilabas pa ni Pudra ang dalawa pang box.

"Nice!" dali-dali akong lumapit dun. Binuksan ko yung dalawang box.

"Parehas kami ni 'tol, Pudra?" tanong ko.

Kinuha ko yung akin, siyempre alam ko na agad na sakin 'yon kase mas maliit eh. Haha.

"Nice, Ang ganda." Sabi ni Kuya.

Panlalaki yung design, alam naman kase ni Pudra yung tipo kong design eh.

"Ano ba yan Sarmento! Ba't naman panlalaki 'tong kay Estria?" hinablot sakin ni Mudra yung rubber.

"Mudra naman. Ganyan lang talaga ako gusto kong design." Naka-ngiting aso ako na nakatingin kay Mudra.

"Hay nako, tatanda ako ng lalo ng dahil sayo Estria eh. Halika na't kumain." Yaya ni Mudra samin.

Sabay-sabay kaming pumunta sa kusina at kumain. Ako na ang naghugas tutal maganda ako. Pffts.

-

"Movie marathon tayo! Linggo naman bukas eh." Sabi ni kuya habang namimili ng CD sa CD Collection namin.

"Hunger games 'tol! Maganda 'yon. Di pa napapanuod ni Mudra 'yon eh. Haha." Tumayo ako at kumuha ng Snacks sa ref.

"Sige." Isinalang ni Kuya yung CD at nagsimula na kaming manuod. Inilapag ko sa lamesa naming nasa gitna ang Snacks na kinuha ko sa Ref.

Nakaupo lang kami sa Sofa namimg pa-U ang shape. Dinis-describe ko lang yung ayos ng bahay namin kaya wag kang ano. XD

Dito ko napiling umupo sa left side ng Sofa. Kaharap ko naman si Kuya at nasa gitna sila Pudra.

Niyakap ko ang unan na nasa tabi ko at humikab.

"Ano ba yan 'tol, Wala pa nga sa kalagitnaan yung pinapanuod natin inaantok ka na?" Umirap si Kuya.

Di ko nalang pinansin at baka lumala pa kaya nanuod nalang ako.

Matapos nun at di ko na kinaya, nagpaalam ako na matutulog na ako dahil antok na antok na nga ako. Umakyat ako at dumiretso sa kwarto ko.

Nahagip ko ng tingin ang computer ko sa gilid.

"Naaa. Magko-computer na muna ako. Haha." Umupo ako sa upuan at ini-start ang computer.

Nagfacebook ako, di ko na nabubuksan ito simula ng panging High school student ako. Mahigit 3 years din. Third year high school na ako ngayon at Fourth year naman si Kuya.

"Whoaaaa~ 99+ friend requests, 99+ messages and 99+ notifications?" naging O.O ganito ang reaksyon ko.

Yung profile ko pa nito ay nung bata pa ako. The F !

Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid, pinatay ko yung computer at sa cell phone ako nagbukas. NakaWi-fi naman ako kaya mabilis lang.

Inupload ko yung lahat ng pictures ko at pinalitan ko yung Profile ko. Inaaccept ko lang ang kilala 'ko at halos kahat kilala ko naman. Tiningnan ko ang messages at may Group Chat pala ang Section ko dati. Wala naman akong ginawa sa Noti. kaya naglog out agad ako. Inaantok na kase talaga ako eh.

Humiga ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko...

MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon