"What are you doing here? Sabi ko naman sayo na ayoko ng makita yung muka mo diba?!" Kahit nanghihina at nanglalabo ang mga mata ko. Pinilit ko pa rin na tatagan ang mga katagang binitawan ko.
"Bakit pa? Nandito na rin naman ako eh. Gusto mo ng comfort?" Ba't ba ang hilig niyang ngumiti?
"Ayoko. Umalis ka na." Pinunasan ko ang muka ko at tumalikod sa kanya.
"Umiiyak ka eh. Kelangan mo ng comfort. Ungentle ako kapag di ko yun ginawa sayo. You need me. And I think if I'm here, You can solve your love problem. Am I right?" What? My love problem? Is he kidding me? Lalaki kaya siya!
"I. dont. need. your. help. Just go!" Diin kong sabi. Bakit ba ang kulit niya?! Kanina pa siya ah! Ngayon lang naman kaming nakakilala bakit ganyan yung trato niya sakin? Hindi naman kami childhood friend or something para ganyan yung asta niya. Mas kuya ko pa siya sa kuya ko umasta eh!
Naramdaman kong tumabi siya sa tabi ko. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.
"Alam mo, dapat sa problema. Sinosolusiyonan. Hindi 'yung tinatakasan. Wag kang magalala. I feel you. Nangyari rin sakin yan, last year lang. Parehas lang tayong ginago at sinaktan. The bet? Mas masakit yung sakin. Hindi ako pinagpustahan, penerahan ako. Yung babaeng maganda na 'yon? Yung sexy at habulin ng mga babae? Mukang pera 'yon! Siguro kung may boyfriend yun ngayon. Kawawa yung boyfriend niya sa kanya. Katangahan diba? Kaya dapat. Solusiyonan, hindi tinatakasan. Gusto mo, sabay tayong mag-move on? Makakatulong na ba ako sayo?" Napatingin ako sa kanya. May lalaki pa palang nasasaktan? May babae palang naloloko?
Nakangiti lang siya sakin. Bakit naman ganun? Kanina nung nilabas ko 'yung hinanakit ko grabe yung iyak ko. Tapos ngayon siya yung naglalabas. Nakangiti pa siya! Baka naman niloloko lang ako nito?
"Siguro ngayon, nagtataka ka kung bakit nakangiti ako habang nakukwento sayo." Napayuko ako. Napailing ako ng wala sa oras.
"Kase ako, alam kong kaya kong mabuhay ng wala siya. Kaya kong ibalik yung dating ako. Kaya kong mag-move on. Ikaw? Siguro iniisip mo na hindi mo kayang mag-move on kaya umiiyak ka. Tama ako 'no?" Ang daldal niya. May lalaki palang madaldal.
"Oo na. Tama ka na. Salamat sayo." Basag ang boses ko habang sinasabi yung mga katagang 'yon.
"Tingnan mo, wala pa nga akong ginagawa nagpapasalamat ka na. Pano pa kaya kapag may ginawa na ako? Haha!" Tawa niya.
Napatawa nalang rin ako at kinurot siya.
"Ang kapal mo, pero.. Totoong nangyari sayo yun?" Tinitigan ko siya, tumawa lang siya ng mahina at tumingala.
Gwapo pala siya.."Oo naman! Ba't naman ako magsisinungaling sayo?" Sabi niya. Nakakaawa siya.
"Talaga? Biruin mo 'yon! Akala ko lalaki lang ang nanloloko at babae ang nagpapaloko! Pati pala babae.. Sana ngayon umiiyak yung babaeng nangpera sayo 'no? Para naman fair. At sana, patay na yung lalaking nangloko sakin." Seryoso kong sabi.
"Malay mo.. Ano? Tara na sa taas? English na natin eh." Tumayo siya at ibinigay ang kamay niya sakin. Inabot ko naman 'yon at tumayo rin.
"Tara.."
Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Pero sana, walang mali at tama lahat. Di ko maiwasan na hindi mailang, nakatingin sa amin ang mga estudyante sa bawat galaw namin. Bakit?
"Uh. Ba't ba sila nakatingin satin?"
Mali. Sa kanya ata nakatingin at hindi sakin. Nagbubulong-bulungan sila. Wala akong naiintindihan..
"Oy?" Tanong ko ulit.
"Hayaan mo nalang sila, ganyan talaga kapag gwapo. Haha." Anong nakakatawa sa sinabi niya? Wala naman diba? Ba't siya tumawa?
Napakunot ako ng noo. Ang weird niya.
"Epekto ba 'yan ng babaeng nang-pera sayo?" Seryoso kong tanong habang naglalakad kami.
Nakita kong patungo kami sa..ELEVATOR?!
"Te-teka! Akala ko ba hagdan lang ang meron dito? Tngina." Napamura ako sa inis. Sayang lang yung effort kong umakyat ss hagdanan kanina.
"Huh? Hindi mo alam? Hindi ba sinabi sa sayo? Sa hagdan ka ba umakyat kanina?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Oo," Hindi manlang sinabi sakin ng magaling kong kuya.
"Seryoso? Kaya pala kanina ay pawis na pawis ka." Aniya.
Pumasok kami sa loob ng elevator, pinindot niya ang 4rth.
"Bakit 4rth? Anong subject na ba?" Tanong ko.
6th floor pala ang pinakahuli dito, ano naman kaya 'yon? Roof top?
"MAPEH natin ngayong oras. Actually sa Social Hall tayo ngayon dahil PE." Sabi niya.
"Ang hirap talaga kapag huli ka ng nagtransfer eh." Sabi ko sabay sandal sa sa bakal.
Nakarating kami sa 4rth floor ng hindi nagiimikan. Maingay dito dahil nga Social Hall. Pati pala dito nagkaklase?
"Oy! Pre. Sino yan?" Tanong ng lalaki sabay ngiti.
"Bago kong kaibigan, She's Sem." Pakilala sakin ni.. What's his name again? Zoro? Hino? Hico? What?
"Ah. Hi! Troy here." Bati niya sabay ngiti. Tumango lang ako at tumingin sa nagbabasket ball.
"Gusto mong maglaro? Uhm. Bad minton?" Tanong niya.
Umiling ako. Ayos na ako dito, kaso lang nangangati 'tong kamay at paa ko. Gustonf magbasket ball.
"Nope. Basket ball tayo?" Tanong ko sa kanya. Bigla siyang tumingin sakin sabay ngiti.
"Seryoso ka? Tara!" Ngumiti ako at sumunod sa kanya sa locker room.
Nagpalit ako ng damit, naka blouse ako ngayin at short na bull. Pinahiram niya ako eh. Sakto naman na nakarubber ako, mas gusto ko 'to kesa sa black shoes.
"Game?" Tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya, yung ngiting naikipaglaro. Hindi ko inaakala na ganito pala siya kabait. Siguro nga ay nagtamang hinala ako. Hindi nga siya katulad ng ibang lalaki."Game!"
-A/N: Grabe. Kinakabahan ako sa istoryang 'to. HAHA! Gesge na gals. Lovelots! Thanks for the votes and comments gals! I think votes lang. Hahaha. Read read read~ Picture pala ni Semestria sa taas! Hehe.
BINABASA MO ANG
MOVE ON
Teen Fiction"Move on? Ah! 'yan ba yung lagi nilang sinasabi kapag may broken hearted? 'Yang anim na letra lang pero di nila magawa? Ang lakas pala niyan! I believe!"